[ sketch - 2 ]

2.6K 38 7
                                    

-0-0-0-

Pumasok si Mr. De Guzman sa classroom at nagulat sya ng makita akong may balde sa ulo. 

“Pasensya na iha, ganito talaga sa section 3AD. Maloko ang mga estudyante. Ako na ang humihingi ng tawad para sa mga ginawa nila. Nakakalungkot na ikaw lang ang nagiisang babae dito..”

“Ano? Sya lang ang babae dito? Malas naman! Bumisita ako sa ibang classroom, medyo mas marami ang babae!” - si mataba

“Ang gaganda pa kamo! Mga hotchicks! Malas naman at sya pa ang napunta satin!” - si ewan # 1


Hindi na ako makapagtimpi pa. Tinanggal ko ang balde sa ulo ko at pinagpag ang arina sa uniform ko.

“Wala po kayong dapat ipagpatawad. Sila ang dapat humingi ng tawad sa ginawa nila sa akin.”

“Kami? Hihingi ng tawad sayo! Nahihibang ka na ata!”  yung spiky ang buhok ang nagsabi

“Oo at hindi. Oo, hihingi kayo ng tawad sakin. Nahihibang? Hindi pa naman.”

“Eto ang gusto nyo ha? Etong sa inyo!”

Binato ko yung balde at nasapul sa mukha si Xylan. Muntik na syang Bumagsak sya sa upuan nya. Hindi naman talaga para sa kanya yung balde eh! Yung spike ang buhok ang talagang gusto kong patamaan.

Nakatulala lang si Mr. De Guzman at yung mga classmates  sa ginawa ko. Hindi nya siguro akalain na gagawin ko yun.

Umakyat ako sa platform at inikot ko ulit ang cap ko.

“Hoy kayong 3AD. Piliin nyo kakalabanin nyo. Ako si Denise Buendia!  Hindi ako basta-basta! Hindi ako magpapatalo sa mga tulad nyo lang!”

“Buendia?”

“Pare Buendia daw oh! Di kaya…” - si ewan # 1

“Excuse me, are you of any relation of Denver,Dexter and Dave Buendia?” Tanong sakin ni Mr. De Guzman. 

“Opo..As a matter of fact, mga kuya ko po sila…Ako ang bunso nilang kapatid”

“KUYA?!” sabi ni Mr. De Guzman at ng mga classmates ko.

“Hindi na nakakapagtaka pa! Kaya pala basagulera eh! Sya ang bunsong kapatid ng mga Brothers Of Doom!”  - si mataba

Brothers of Doom? Ano daw yun?

“Tama sya. Hindi nga sya basta-basta!” - si ewan # 2

“Tss. Natatakot kayo sa babaeng yan? Ano ngayon kung kapatid nya ang tatlong basag-ulo na yun? Mukha naman syang mahina eh. Kung brothers of doom ang tawag sa mga kuya nya….”  - xylan

“Sya naman…” - xylan

“Denise The Menace!” Tumayo na sya sa upuan nya at lumabas ng classroom. Sumunod naman ang mga katropa nya. Ayos ha?

Nagtawanan ang buong 3AD. Denise The Menace daw? Ang kapal ng mukha! Nangigil ako sa galit!

“Enough class! Enough! Ikaw, Miss Buendia umupo ka na sa upuan mo. Wag ka na magtangka pa gumawa ng ibang kalokohan!”

Hala..Bakit biglang sumungit sakin si Mr. De Guzman? Ano bang nagawa ko?

“Teka, gaganti muna ako sa lokong yun! Pinahiya nya ako sa klase! Dennis The Menace daw! Bwiset!”

Nagtawanan nanaman ang buong klase. Nakakainis na ha.

“Sige! Tignan natin kung makakaganti ka! Inis pa yun sayo dahil sa pagbato mo ng balde sa kanya! Goodluck na lang sa gagawin nila sayo!” Sabi ng isa kong classmate.

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon