Chapter 30 - Makagawa

414 13 0
                                    

| Lawrence's POV |

"Jaden, okay lang kayo?"

Wala akong sagot na natanggap.

"... Um- Aya?"

Kahit si Aya parang walang kaluluwa.

Matapos kong bumuntonng-hininga ay tumungo ako sa isang ice cream shop at bumili ng dalawang special at, "Thank you." kinuha ang dalawang order.

Pagtungo ko sa kanilang dalawa ay inilagay ko ito sa kanilang harapan at, "Oh, baka makatulong ito. Sagot ko na yan. Basta tapusin niyo lang yung--" bago pa ako makapagpatuloy ng aking sasabihin...

"THANK YOU!"

Parehas nilang bigkas ng sabay at nagsimulang kumain at naubos ito kaagad ng ilang minuto lamang.

"Ahh... sarap..."

"Oo nga eh."

"Oh, okay na? Makakagawa na ba kayo?" tanong ko.

"... Kulang pa..." sabi ni Jaden.

"Wha-"

"Okay na pero... parang mas masarap yung strawberry..."

"Teka- magkapatid ba kayo?" tanong ko.

"Hm? Bakit naman?"

"M-mukha kayong magkadugo sa mga ginagawa niyo..." Napabuntong-hininga ako at sinabi, "Ganito nalang... isang free ride pagtapos niyo magsulat diyan at-"

Bago pa ako makapagpatuloy ay nagsimula na silang magsulat at sinabi, "Sige panindigan mo ah."

At least mukhang na-activate na sila kaya hinayaan ko na sila sa kanilang pagsusulat.

Matapos ang halos isang oras ay...

"TAPOS NA!" sigaw nila ng sabay.

"Oo nga no? Para silang magkapatid." komento ni Clara. 

Pagpunta ko sa kanila...

"Wag kayo mag-alala sa indention, sa alignment at eh wala naman tayong mahihiram na laptop para sa inyong dalawa sa ngayon. Parang naging walang silbi lang din pala yung format na binigay ko." Bumuntong-hininga ako't nginitian silang dalawa.

Ipinasa ni Aya ang kanya kay Jaden at si Jaden naman ang nagbigay sa akin, "Pasensya ka na ah."

"Okay lang yun. Alam naman namin na wala na kayong kailangan pang abalahin sa format since masusunod naman yun at yung content naman talaga yung kailangan." komento ko.

Ibinigay ko na ito kay Clara at inilagay niya ito sa isang envelope at sinabi, "Nice! Well, yun lang naman ang kailangan natin gawin. So... tara? Time for rides?"

Napunta kami sa ride na sagot ni Lawrence at, "Um-- teka... dito tayo?" tanong ni Jaden.

"Oo. Bakit? Ala naman akong spinecify na kung saan tayo mag-r-ride hindi ba?" tanong ko.

"Um--" Bago pa siya maka-alis ay agad kong kinuha ang kuwelyo ng kanyang polo shirt at sinabi, "Teka lang... sayang naman yung ibabayad ko kung hindi ka kasama. Tara, nangunguna na si Aya at si Clara, nakahihiya naman kapag naunahan pa nila tayo at mas takot ka pa."

"Teka teka teka! Uh--!" Hinila ko si Jaden tungo sa ride at sinabi, "Apat po."

Nang kami'y naka-upo sa unahan pa ng ride ay, "Enjoy the ride!" sabi ng babae na staff.

"Parang hindi ko naman ma-e-enjoy 'to..." komentong bulong ni Jaden.

"Wag ka mag-alala, masaya 'to. At tsaka... kung matatakot ka eh pwede ka naman kumapit sa akin." bigkas ko sabay ngiti.

Tunay Na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon