Tumaas ang kilay niya at nilakihan ako ng mata. Sa gulat ko, napasagot nalang ako. Nakakatakot ang itsura niya. "Opo!" Dali dali na akong lumabas ng opisina niya.

Kalahati ng mga tao ngayon sa department ay silang mag o-overtime kaya madami dami silang pag titimplahan ko ng kape. Bakit ba kasi bigla nalang akong napasunod nun? Hay..



FEBRUARY 2015

Inaantok kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Nagising ako sa hindi mabilang na katok ni Yaya Elen sa pintuan kaya hindi na ako naka tiis kundi buksan nalang.

"Mikee, tawag ka ng Mommy mo sa baba. Sumabay kana mag almusal sakanya." Panimula ni Yaya Elen.

Kinamot kamot ko ang ulo ko na para bang wala pang pumapasok sa utak ko. Lutang na lutang pa ako.. "Mamaya—" Biglang lumitaw si Mommy sa likod ni Yaya Elen kaya napatigil ako.

She gave me a credit card. "I already talked to your friends at nabanggit nilang nagplano kayo for a out of town swimming." Sabi ni Mommy kaya para bang tumindig ang mga tainga ko at mahilis na kinuha ang credit card na hawak niya. "It's your birthday present. Do what ever you want on your birthday." May ngiti sa mga labi nito na talagang nag paganda ng umaga ko. Omg! Lulubusin ko na bago pa mag bago ang isip niya!

Niyakap ko ng mahigpit si Mommy. "Thank you, Ma!" Ngiting sabi ko habang yakap yakap siya. Naramdaman ko naman na yumakap din ito dahan dahan.

Matapos ng pangyayaring 'yon agad ko ng sinabihan sila Valie. Si Les na ang mismong nag contact sa Resort na pag i-isteyan namin ng tatlong araw. Ngayon nandito kami ni Valie at Eunice sa grocery para mamili ng mga pagkain at kakailanganin. Sila Polo, Jaydy at Yiko naman ang namalengke.

Kasalukuyan kong hawak hawak ang push cart at nililibot ang grocery store. Nilista ko narin ang mga bibilhin namin para mapadali ang buhay namin.

"Ang gwapo ng isang 'yon noh." Turo ni Valie sa isang lalakeng nakatalikod na nakatayo sa 'di kalayuan habang may hawak hawak na isang plastic bottle.

Pinalo ko ang balikat niya at itinuro ang isang boteng mantika. "Kunin mo na 'yon." Utos ko sakanya.

Umirap naman ito saakin at tinatamad niyang kinuha ang mantika at inilagay sa cart. Pinuntahan na namin si Eunice sa fruits station. "Paborito ni Jaydy itong watermelon." Nakangiting sabi niya habang dala dala ang pagkalaki laking pakwan.

Nagkatinginan naman kami ni Valie dahil sa sinabi ni Eunice. Hindi naman kasi mahilig kumain si Jaydy ng prutas na may seeds. Ilang taon na namin siyang kilala at kasama pero hindi namin 'yon kailanman nakitang kumain ng pakwan.

Balak pa sanang mag salita ni Valie pero agad ko ng kinurot ang tagiliran niya. "Oo nga naman, kahit na anong may buto kakainin nung lalakeng 'yon." Pilit na sabi ni Valie.

Paniguradong hindi pa nga nila masyadong kilala ang isa't isa. Kumuha narin kami ng mangang hinog, saging at iba pang mga prutas. Paalis na sana kami ng mahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na mukha sa di-kalayuan.

Si Valie na ang may hawak ng cart dahil sa kumuha pa ako ng ilang mga bote ng softdrinks. Sinundan ko na sila at sakto dahil doon din ang direksyon nila sa nakita ko kaninang lalake. Habang naglalakad ay hindi ko na mapigilan na hindi siya tignan. May hawak hawak siyang ilang bote ng beer at nakaipit naman ang chichirya sa may kili kili niya.

Last RoseWhere stories live. Discover now