"May alam akong isang magandang Private Resort. May beach at swimming pool nadin. Maganda rin ang service doon." Ani Les habang nasa hapag kainan kami.

"Kakilala ng Mama ko ang may ari ng Resort na iyon kaya baka maka-kuha tayo ng discount." Dagdag pa niya at uminom ng tubig.

"Edi mas okay 'yon!" Pag sang ayon ni Jaydy habang ngumunguya pa.

"May contact pa ba si Tita?" Tanong ko.

Tumango siya habang ngumunguya. "Oo naman! Vibes na vibes sila nun. Ibigay ko sa'yo ang number." Sabi niya.

"Tayo tayo lang ba mag ba barkada o may kasama pa tayong iba?" Tanong ni Yiko. Sino paba ang dapat isama? Paniguradong ang mga girlfriend nila ang isasama ng mga 'to.

"Syempre, oras na para ipakilala tayo ni Mikee sa boyfriend niya." Makahulugang sinabi ni Jaydy kaya mabilis ko siyang binalingan ng tingin.

"Sira! Boyfriend ka dyan!" Matapos ko siyang irapan, bumalik na ako ng tingin sa plato ko.

"Hindi naman kami, noh." Mahinang sabi ko. Halos pabulong.

"Sus! Yung pag labas labas niyo, wala lang 'yon?" Hirit ni Les.

"Sabihin mo na nga 'yong totoo." Si Yiko naman ang nag salita.

Para tuloy akong na hot seat ng wala sa oras habang pinapaulanan nila ako ng mga tanong at pilit na pinasasagot ang lahat ng iyon.

Wala naman talagang ibig sabihin ang mga labas namin na 'yon! Wala! Wala naman, 'di ba?

"Hoy, ano yan!" Nabaling ang tingin namin sa kung saan nang gagaling na boses ang nagsalita.

Buti naman at nandito na si Valie at Polo. Salamat naman at niligtas ako ng dalawang 'to.

Nagsimula na kaming mag plano sa mga kung anong gagawin para sa birthday ko sa February 14th.

Sa kamalas malasan, araw pa ng mga puso ako ipinanganak ni Mommy but thanks to my friends dahil hindi ko kailanman naramdamang single ako sa mga nagdaang taon dahil sa mga kaibigan kong sinasamahan para tabunan ang valentine's day at maging Mikee's day!

Lumipas ang ilang oras sa pag de-desisyon at sa mga pagpa planong magaganap. Napag desisyunan nadin namin sa Resort nalang ng kakilala nila Les kami mag-ce-celebrate.

Ipinakita narin niya saamin ang mga pictures sa nasabing resort totoo ngang napaka ganda ng Villa na 'yon. Hindi nagkakamali si Les.

Hindi pa namin pwedeng i-contact dahil hindi ko pa nasasabi kay Mommy ang desisyon kong outing kasama ang mga friends ko para iselebra ang 19th birthday ko. Sabi nama'y anytime pu-pwedeng matawagan ni Tita Marissa ang may ari ng resort.

Dumating ako ng bahay at saktong nakita ko ang kotse ni Mommy na nakagarahe sa labas. Pumasok ako at gaya ng mga normal na araw na nagdaraan, si Yaya Elen lang ulit ang bumabati saakin pagkarating ko.

"Nandyan si Mommy?" Bungad kong tanong sakanya.

"Dumiretsyo na siya ng kwarto niya pagkarating niya." Sabi ni Yaya Elen. Lumapit pa saakin ito at bumulong. "Ang Mommy mo, umiiyak ng dumating."

Last RoseWhere stories live. Discover now