First Show

5 0 0
                                    


          On the top of a red and white tent,there is a lady with wings.Hindi ko alam kung ako lang o totoong nagalaw ito at ginagamit ang kanyang horn.Hindi ko alam para saan yon until bunch of people come rushing to the tent,and what's weird is that they have wings? What is this ? A costume party? Ok, I'm not good at joking.

           "Magandang hating gabi, Binibini. Ikaw ay nasa pinakamasaya at pinakanakakaaliw na lugar sa lahat ng planeta hindi lamang sa Earth. Halika at tunghayan ang una nilang palabas sa lugar na ito." biglang ulat ng lalaking nabangga ko.

          "Ha?anong ibig mong sabihin?"naguguluhang tanong ko.

          "Sino ka ba at bakit ang ingay niyo sa ganitong oras?Pwede bang hinaan niyo ang ingay niyo?Nakakabulahaw,eh" dagdag ko pa sa naiinis na tono ngunit tinawanan niya lamang ako.

          "Ayos lang na mag-ingay kami dahil ikaw lamang ang nakakarinig non." ani niya habang natatawa.

          "Naka-drugs kaba?Anong hindi naririnig eh abot nga sa kwarto ko yung ingay niyo!"

          "Mamaya ko na ipapaliwanag,magsisimula na ang palabas." saad niya at hinila ang kamay ko.Pumasok kami sa loob ng tent at nakakamangha sa dami ng manonood.Nakakatawa din dahil pati mga lalaki dito ay may pakpak.

Sana ay ininform nila ako.

          Dahil madilim kanina hindi ko masyado makita ang mukha nong lalaki, pero ngayon napagmasdan ko na siya dahil sa ilaw na nagmumula sa ilaw nung tent.

          He's wearing a bowler hat. Ang damit niya naman ay yung parang sinusuot ng mga nag pa-piano. His curly blonde hair is perfect for his not-so-fair skin. Hindi naman siya masyadong maputi but you can't say that he is a moreno.I believed that "A smile can light the whole world" was a metaphor statement, not until I saw his smile,seriously Xiamara? Meron siyang parang maliit na dimple sa gilid ng labi at napaka expressive ng brown na mata nya. Perfection,eh? But what more makes him different is that he doesn't have wings.

          "Huwag ganyan,Binibini. Baka kahit hindi ako sorbetes ay matunaw ako." nang-aasar niyang sabi.

          "What?dream on!" sigaw ko dahil nagpapalakpakan ang mga tao dito. Hinila niya ako sa bleachers na malapit sa stage.

          Ang hilig niya manghila,ah.

          "Ang matutunghayan niyo ay hindi pangkaraniwan. Kaya huwag ipipikit ang mata at mamangha sa ilalim ng buwan!" biglang tumunog ang mga speaker na hindi ko malaman kung nasaan.

          May lumabas na babae sa entablado,siya ata yung nagsalita kanina. Isa lang ang masasabi ko,para siyang anghel na bumaba sa lupa.Agaw pansin din ang pakpak niyang naghahalong kulay ginto at asul. May nakadrawing na parang vines sa kaliwang bahagi ng mukha niya,kulay asul at ginto din ito.

          I noticed na lahat ng nanonood ay may pinta din sa mukha, yung sa iba ay sa noo,eyelids at iba pa. Napansin ko din na para bang totoo ang mga pakpak nila,imposible.

          Nagsimula ng magpabilib yung babae. Lumipad siya paikot sa manonood at nagsaboy siya ng parang mga glitters sa mga manonood. Bigla nag-ilaw ang paligid,kanina kasi ay nasa stage lang ang ilaw. Agad kong hinanap ang mga ilaw ngunit wala akong makita.

         "Iyon ay tinatawag na totoong mahika,wala kang makikitang ilaw kahit tanggalin mo pa ang bubong nito. Mga piling nilalang lamang ang nakakarating dito." biglang sabi ng katabi ko,nakalimutan ko na nandito nga pala siya.

          "Weh?nanloloko lang ang mga iyan." pagsalungat ko.

          "Maniwala ka man o hindi ay walang mawawala." pagsusungit nya.

Disappearing CircusWhere stories live. Discover now