So I was saying don't put out many unnecessary flashback every other time that a character talks about the past.
Point out ko lang;
Pwede mo nalang siguro na i-italicized ang flashbacks at tanggalin na ang usual Flashback/End of Flashback.
Show vs. Tell
Bahagyang kinulang ka din sa parteng ito.
Hindi lang sapat na sinabi mo ang nararamdaman o amg ekspresyon o emosyon ng karakter na nagsasalita. Kailangang pagsabayin ito ng kilos o ng five senses such as touch, hearing, sight etc.
Specially the scenes from chapter 2. Nang pumasok siya sa practice room. Para ulit may sinundan na pattern sa pagpapakilala making it so obvious.
Una binati siya ni Lucio, pinakilala niya sa mambabasa. Sumunod so Dexter at ganoon din ang ginawa niya and so on.
Siguro may ganito talaga dati pero kailangan na nating mabago. Kailangan na may flow ka lang sundan mo lang 'yong rhythm mo sa simula hanggang matapos.
Parang ganito kasi diba ang kinalabasan,
"Oh late ka." Bati ni Lucio, nang makapasok ako sa room.
Siya ay ganito ganyan blabla
"Oo nga bawal late." Sabi naman ni dexter.
Siya naman si ganito si ganyan.
And then so on and so forth, may nagawang pattern.
And I was saying again, they should be real. Kapag ba pumasok ka ng room, okay babatiin ka ng isang kakilala. Sige ipapakilala mo siya. May susunod na ba agad-agad? Not like wala silang ginagawa sa loob at naghihintay talaga sa'yo, as if on cue they started to talk.
Why did it something just like this,
Nang makapasok ako sa loob ng practice room ay nadatnan ko agad ang mga kagrupo ko na may kaniya kaniyang ginagawa. Mahina kong isinara ang pintuan, kaya lamang napansin agad ako ni Lucio, (pwedeng ipakilala na siya)
"Oh, late ka." Puna niya sa akin ngunit nakangiti naman, baliw. "Dali pasok na!" Malakas na pabirong utos niya kaya naman nakakuha na din kami ng atensyon sa iba pa at itinigil ang ginagawa nila.
"Kanina pa namin kayo hinintay nasaan si Lex?" Tanong ni Dexter na bahagya pang lumapit kung nasaan ako, siya namang ang blabla...
Tapos sunod-sunod na. Umakto ka lang na natural sa paggawa ng mga eksena.
Format of the text
Madali namang nababasa ang mga talata, wala namang napakadaming spaces sa pagitan ng mga talata.
Kaya lang minsan sumosobra at madaming pangungusap sa isang talata o linya. Kapag siguro may apat na o limang pangungusap ay putulin na ang talata.
Grammar
Wala namang madaming error. Tama naman ang mga bantas, malinis ang pagkakasulat.
Ngunit minsan nagkakaroon na ng sobrang pag-uulit sa mga salita o deskripsyon. Katulad ng " Bakit blabla? Bakit nga blabla bakit nga ba blabla".
Ganoon din ang mga cliché descriptions, huwag sobrahan ang katulad nang ganito. Commonly used sa mga poetry;
Matamis na ngiti, nakakabihag niyang kilos
I mean be realistic when describing the emotion or physical details about the character.
Style
Ang style ng manunulat ay wordy, mas naeemphasize ang paglalaro ng metapora at mga salita.
Further Evaluation
Mas napagtuunan ng manunulat ang pagbabalik tanaw kaysa sa kasalukuyang panahon. Bumabagal tuloy ang progress ng kwento sa bawat kabanata.
Nagiging predictable din ang mga eksena dahil sa sinasabi kong mga pattern.
Gayunpaman, naisaad naman ang nais maipahayag ng mga eksena at ang naging goal ng pangunahing tauhan.
Consider target readers
Mas magaappeal siya sa mga highschool lalo na kung makakarelate sa plot at mahilig sa best friend thingy. Ngunit kung ang target reader ay ang new gen o ang pangkalahatang klase ng mambabasa sa wattpad, I don't think the story will appeal to them.
My overall opinion
Kailangan mong magtuon ng pansin sa paghubog ng mga karakter, sa pagdagdag ng kakaibang twist sa plot mo para magkaroon ng bagong atake sa konsepto, iwasan ulit ang pattern para hindi maging predictable ang eksena at ang mahalaga buhayin mo sa isip mo ang mga tauhan mo.
Critic Reminder;
Answer my Survey.
Rating: 7/10
Author: modernpeculiar
Critique was made: 3-26-18
Critic by: keep_it_unknown
Keep on writing!
VOCÊ ESTÁ LENDO
From the Reader's POV (Open)
DiversosA critique book for all new and aspiring writers. Wherein I'll say my point of views over the submit stories, request now! Random: #337 Batch 1 (Closed) Batch 2 (Closed) Batch 3 soon
Batch 2 #1
Começar do início
