Lahat kasi talaga ng nakita ko sa kung paano sila magbehave, paano magsalita, sino sila... hindi na talaga bago sa panlasa ko. Para ring may sinusundan na lang na pattern, na dapat ganito siya kumilos, ang ugali niya magiging ganito dapat. Hindi sila nagreregister na totoo sa akin, I'm speaking as a reader.
Make their own life, give them their own decisions. Siyempre ikaw pa din ang manunulat at sa'yo pa din ito nakasalalay ngunit hindi sila ikaw. Gawaan mo sila ng sarili nilang pagkatao at isipin mong totoo sila na lahat ng gagawin nila o magiging desisyon ay bilang Mika o Alex. Bigyan mo sila ng buhay. Ilayo mo sila sa mundo mo dahil may sarili sila.
Dialogue
Maayos naman ang dialogue kaya lang ulit, may relasyon sila ni Characterization. Kung sino sila ay ganoon sila magsasalita.
Babalikan ko ulit ko sinabi ko sa category kanina, ang mga tauhan mo ay totoong tao sa ginawa mong mundo nila at siguraduhin na kapag nagsalita sila ay magmumukha itong buhay at tuloy-tuloy.
Isa sa lang sa pinaka napansin ko ay ang stutterings.
"B-b-bakit a-a-ano ang g-ginagawa m-mo?" Subukan mong basahin ng malakas ngayon. Ganiyan ba ang totoong tao magsalita? Sobrang dami bang stuttering sa letra?
Ofcourse not, kapag kinakabahan tayo at nauutal minsan ay napapalunok, nababaluktot ang mga salita, tumitigil, mga bahagyang sinok at kung minsan isa lamang naman sa letra.
Masyado mo kasi itong ginamit na nagmumukha nang hindi totoo.
Just do it something like this,
Napalunok na ako, hindi alam ang sasabihin. "B-Bakit..." napatigil siya sa ginagawa niya at napalingon sa akin. Muling nangatal ang labi ko sa takot. "A-ano ang... ano ang g-ginagawa mo?" nauutal kong tanong na may bahid ng pangamba.
POV
First Person's naman at si Mika pa lang ang nagkakaroon ng POV kaya wala naman akong nakitang mali dito.
Conflict
Ang main conflict ay ang relasyon sa pagitan ni Alex at Mika. Dahil nga may gusto siya sa bestfriend niya kaya lamang kaibigan o kapatid lamang ang turing sa kaniya nito.
Isa pa ay ang tungkol din kay Maxine dahil sa ugali nito. Nakikita ko din na magiging potential love triangle si Lucio.
Plot
Malinaw naman ang plot ngunit hindi na talaga ito bago o masasabing cliché na.
Napakadami ding flashbacks. I mean every chapter parang may flashbacks. I get it, you want us to know their back story but you're doing it wrong.
Dahil sa sobrang daming flashback may tendecy na mabagot ang mambabasa at mawalan ng interes sa pagbabasa.
Huwag kang basta na lang maglagay ng back story kada biglang makakaalala ng nakaraan ang tauhan. Binibigay mo kasi lahat na mawawalan na nang bagay na kailangan pa nilang tuklasin sa mga susunod na kabanata.
May masasabi tayong Good Flashbacks and Bad flashbacks. Which is nagkakaiba sa timing.
Ang mga tamang timing na flashback ay nakakapagbigay ng interes sa mambabasa dahil nabigyan sila ng background sa nangyari dati na masasabi namang may role sa eksena o sa kabanata o sa karakter sa present in general.
And about sa bad timing flashbacks, alam mo iyong nanonood ka ng movie or anime or even just a drama, nasa tuktok na iyong eksena kaya lamang biglang pinasukan ng pagbabaliktanaw na maiisip mo na lang na panira ng mood. Turns out wala namang interesting or just nothing about this certain flashback do anything about the scene at all.
YOU ARE READING
From the Reader's POV (Open)
RandomA critique book for all new and aspiring writers. Wherein I'll say my point of views over the submit stories, request now! Random: #337 Batch 1 (Closed) Batch 2 (Closed) Batch 3 soon
Batch 2 #1
Start from the beginning
