[ sketch - 1 ]

Magsimula sa umpisa
                                    

“Aba, edi maganda. Hindi mo na pala kailangan lumipat sa mas malayong eskwelahan!” - mama

“teka, edi puro lalake dun? Paano kung ako lang nagiisang babae dun?”

“Ok lang yun! Ng makahanap ka na ng katapat mo! Hahaha!”- kuya dexter

“Para magkaboyfriend ka na rin Madeng! Maraming mayayaman at gwapo dun!” Hirit naman ni Mama.

“Ma, hindi sila talo no!” Sabay tumawa ng malakas si Kuya Denver.

Napikon na ako kay Mama at sa mga Kuya ko. Umakyat na ako para makapagpahinga. 

Ako si Maria Denise Buendia. Ayoko nung Maria sa first name ko. Dahil dun kaya Madeng ang tinatawag sa akin ng mga tao dito sa bahay. Siguro ang first impression nyo na sa akin ay boyish ako at warfreak na babae. Medyo tama kayo dyan. Tatlo ba naman ang kuya mo, di ka kaya lumaking boyish? 

My usual dress code is, shirt/tee,pants and chucks or rubbershoes. Di mo ako makikitang nagslesleeveless o di kaya palda. Lagi nga pala akong may suot na cap. Kahit sa school may suot akong cap kahit alam kong bawal. Hehe. Mga kabarkada ko sa amin, mga kapitbahay kong lalake. Hindi naman sa malandi ako ha, mas komportable lang talaga ako pag lalake ang kasama. Madalas nagbabasketball kami sa court malapit sa amin.Minsan naman, naglalaro kami ng mga computer games sa mga computer shops na malapit sa amin.

Pero hindi ako tomboy ha! Maaring hindi pa ako nagkakaboyfriend pero wala akong interes sa mga babae. Kahit na sa exclusive school ako nagaral, ni hindi sumagi sa isip ko na manligaw ng babae. 

At isa pa, kahit maging lalake ako, di ako magkakagusto sa mga babae dun! Saksakan ng arte ang mga babae dun! Lalo na yung grupo nila Melanie! Buti hindi ako nahawa sa kaartehan nila! Para bang hindi sila mabubuhay ng wala ang ever trusted kikay kits nila! Tuwing may sports activity kami, ayaw na ayaw nilang napagpapawisan sila at nadudumihan sa field! Mga pretty rich kids na porket nakakaangat sila, eh masyadong kinakawawa ang mga di nila kalevel. At medyo naiinis ako sa pagkahilig nila sa pink. Sumasakit na ang mata ko dahil kahit saan ako tumingin, color pink na gamit ang nakikita ko!

Pero di naman lahat ganun, may mga naging kaibigan din ako dun. At kung may kaibigan ako, may kaaway din. At yun nga ay ang grupo nila Melanie. Walang araw na hindi kami nagpalitan ng maanghang na salita at mga paangas na tingin. Sila naman lagi ang nauuna eh. Akala kasi nila, papayag ako na api-apihin nila tulad ng ginagawa nila sa iba kong classmates. Pinakahuli na ngang away namingay ang dahil sa uniform na syang dahilan kung bakit ako naexpel sa school.

Ayoko ng fitted na uniform tulad ng sa kanila para lang lumabas na sexy sila. Parang mas madali kasing gumalaw pag maluwag ang uniform ko. Ewan ko ba sa kanila at pati ba naman uniform ko eh pinapakialaman nila. Kesyo mukha na daw akong gangster sa sobrang luwag ng uniform ko. Syempre sumagot ako hanggang sa umabot sa pagtapon sakin ni Melanie ng mango shake. Papayag ba naman ako na hindi makaganti? Binuhos ko sa kanya ang toyo ng siomai ko. At ayun nagsimula na ang sapakan namin. Ang daya nga kasi pati mga kaibigan ni Melanie pinagtulungan ako. Pero naligpit ko din silang lahat. Kaso nga lang, nasobrahan ata ako sa pagkakabugbog ko sa kanila. Lahat sila naospital maliban sakin. Buti hindi nagreklamo ang mga magulang nila.

Achiever ako di tulad ng mga babaeng yun. Kasama ako sa honor roll. At varsity din ako ng basketball sa school namin. Active member ng sports club at….. suki ng Discipline Office?

Ano pa ang iba kong violations? Masakit man aminin pero troublemaker ako sa school. Malakas ang trip ko minsan eh. Dahil masyado na akong bored sa cultural show sa school naming, binuksan ko yung fire alarm para makauwi na ako agad habang nagkakagulo. Isang beses naman, nung hindi sumipot ang P.E. teacher naming at naabutan naming syang natutulog sa gym, nainis ako at tinali ko ang magkabilang sintas ng rubbershoes nya. 

SKETCH [ Book 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon