Episode 2: Title and Point of Views

1.7K 12 7
                                    

Chapter 2 : Title and Point of Views



1. Title

Titles. Isa sa pinakamahirap at pinakamadaling gawin sa larangan ng pagsusulat. Bakit? Kasi una, dapat may connection ito sa story mo. Pangalawa, dapat unique at catchy ang title mo. Tapos may instances pa na dapat ang title mo ay maganda sa pandinig, hindi nakaka-offend, at lalong-lalong hindi foul words. Eh paano ka naman makaka-isip ng title kung ganito ang requirements?



1a. Make sure that it's (not!) connected to the story.



Una, mag-isip ka ng mga words na as in walang kaconnect-connect sa istorya mo. Katulad noong una palang akong nagsusulat, grabe ang kaadikan ko sa mga title na may kinalaman sa darkness at light-nope, hindi po tungkol sa Death Note iyan.

Pangalawa, kung anong word ang unang lalabas sa utak mo, iyon na ang gawin mong title-'wag lang foul words, ha?-kasi mas maganda at spontaneous daw.

Pangatlo, tingin ka sa labas ng bintana o pinto ng bahay niyo. Observe the nature-or in short ang ma-polusyong lugar natin. Kapag sa mataas na lugar ka nakatira, mas maganda... kapag hindi naman, tingin ka na lang sa langit kaagad. Bakit naman? Kasi kapag nasa mataas na lugar ka, kung ano ang una mong makita iyon kaagad ang gawin mong title. Kapag wala ka naman sa mataas na lugar, sa langit na lang... para at least ang title mo ay Ulap, Bughaw na Kalangitan, Araw, etc. etc.

Pang-apat... ito ang pinakagusto ko sa lahat, kasi para kang nag-spirit of the glass/coin/ouija gamit ang dictionary o kung ano mang libro-pwede rin ang pocketbooks-ang meron ka. Mas maganda pa kapag ang librong nakuha mo ay Math textbook, kasi mas maangas at unique ang title mo. Paano mo naman gagawin ito? Simple lang, kuha ka ng kahit anong librong makuha ng kamay mo-ingat lang at baka hindi naman libro ang makuha niyo-tapos buklatin mo sa random page, igalaw mo ang daliri mo-like circular or random motion, tapos 'wag mong tingnan para mas exciting-then just stop. Kung ano mang words ang natapat sa daliri mo, eh di iyon na ang gawin mo.



E.g.

1. Let's pretend na ang story mo ay typical boy meets girl, love at first sight, may bet na involved... or bakit hindi na nga lang nating gamitin ang example ko dun sa first episode, ano? Ganun rin naman ito eh.

Like a Marble (A story of boy meets girl) ... o kaya naman... Let's Roll! (A story of boy meets girl)

O di ba? Walang connect ang title mo sa story... unless gagawan mo ng connection... pero hindi ba ang point ay gumawa ng walang connection sa story? Paano kikita itong "guide" na ito kung puro tama ang ilalagay ko? Bigyan ko kayo ng clue kung paano 'to nakakatulong... sa huli ng episode. Enjoy pa ako sa mga example eh.



2. Grabe (A bet on you) ... pwede ring... Tren (Ang istorya sa tabi ng riles) ... tapos ano pa ba?... Isip pa ako. Kung ano nga ang unang papasok sa utak ko, 'di ba? Writer's Block (Ang malaking yelo sa utak ni Writer) ... last one... Hammer (Ang nawawalang pako)





3. Ito at ang panghuli ang pinakagusto ko sa lahat. So kung ako ang titingin ngayon sa labas ng bintana, ang title ng story ko ay Kadiliman (Ang maitim na gabi) ... pero syempre mas maganda siguro ang naiisip kong examples.

Una, sabihin nating nasa mataas ka na lugar, like sa overlooking, o sa bundok, sa rooftop, o kahit sa eroplano pa eh. Tapos tingin ka sa baba... paano kung may nakita kang nakahubad na tao-kasi pulubi siya eh, walang pambili ng damit, sira-sira na suot niya-pero syempre dahil sa rules ng number 3, kailangan mong sundin. Pero medyo sugar coated natin ng konti kasi ala nga namang ang ilagay mo ay, Hubad (A story of boy meets girl) ... ano naman ang iisipin ng readers mo? Lalabas ngayon ang mga taong may kulay berdeng utak kapag ginawa mo iyan... pero pwede rin iyon, para maging dissapointed sila at pagka-gising mo sa umaga, may rally na sa labas ng bahay niyo. Exaggerated much? Gawin mo na lang na, Strip (A story of boy meets girl) ... o kaya naman... Ruined (A story of boy meets girl) ... kasi nga sira-sira ang damit niya, di ba?

Kapag nasa bundok ka naman, tingin ka sa baba... ano nakita mo? 'Wag mong sabihin sa aking nakakita ka ng gwapo, kasi siguro puno lang iyan. Nasa itaas ka ng bundok, for Pete's sake! Ala nga namang may makita kang papa, maliban na lang kung eagle eyes ka... or nasa tabi mo ang pagkain-este, papa pala. So ang title mo ay pwedeng ganito, Trees (Ang mapunong bundok) ... o kaya naman... Nayon (Ang bayan sa baba ng bundok) ... pwede na siguro iyan no? Wala naman silang connect sa story eh, which is better.

Kapag wala ka naman sa mataas na lugar, katulad ng sabi ko kanina tingin ka na lang sa taas. Kung makulimlim, e di gawin mong, Maitim na Kalangitan (A bet on you) ... o kaya naman... Paparating na Bagyo (Maitim na langit) ... kapag napatingin ka naman sa araw... Masakit sa Matang Araw (Anak ni Araw) ... super walang sense iyong huli, no?



4. Last para sa unang topic natin. Sabihin natin na Math textbook nga ang nakuha mo, ang possible titles mo ay marami...

Trigonometric Functions (A story of boy meets girl) ... o kaya naman... Pythagorean Theorem (A bet on you) ... kung pangbatang math book ang nakuha mo... How to Multiply (Two times Two is Four)

Kapag random books naman, pwedeng Tagalog, pwede ring English... ganito ang possible titles mo.

Rain (Ang Tag-ulan) ... kapag sa Tagalog naman... Ikaw (As in You) ... tapos syempre try ko naman ito talaga (book used My Wicked Little Lies)... Residing (Hiding with You) ... ito pa (book used Chopsticks 2 -as in iyong mga comics sa Manila Bulletin)... Kwang (A Bet)



5. Sabihin nating bonus na ito. Kung wala ka talagang makuhang title. Kung anong bagay na lang ang makita mo ngayon. Kahit paa mo pa iyan o kamay mo, o ang mabahong damit ng kuya o kamag-anak mo... o kahit pa ang maingay mong kapitbahay na dumaan sa harap ng bahay niyo... pwede na silang title ng story mo.

Mouse (Hindi Ako Daga) ... Headphones (Listen to Me) ... The Pocketbook (Tuck Me In) ... Medyas (Ang Mabahong Paa ni Kuya) ... Bunganga (Kapitbahay Ko)



Ngayon kung walang-wala ka talaga, eh i-unknown mo na lang o kaya unnamed iyang story mo... ang dami ko ng example na binigay, ewan ko na lang kung hindi mo pa magawa iyan. Pero kung ako sa'yo, gawin mo iyong number 4 o kaya 5. Mas madali silang dalawa eh. Pwede rin iyong number 3.



1b. Creating a sub-title. Make sure that it's (not!) connected to the story but wholly so to the title.



This is perfectly optional. Pwede mong lagyan ang istorya mo, pwede rin namang hindi. Katulad ng 1a, dapat irrelevant sa story mo ang sub-title... but perfectly relevant sa title mo. Hindi ang story mo at ang sub-title mo ang may koneksiyon. Ang title at sub-title dapat ang meron. Pero may mga instances naman na pwede ring may koneksiyon silang dalawa ng story mo. Kung examples ang hanap niyo, just refer to the above examples of titles.

As I said, optional ito at hindi ganoon karami ang naglalagay ng sub-titles. You can skip this step, if you want. Ang susunod naman ay kung paano ang font style ng title mo; lowercase ba? Uppercase? Italic? Bold? O halo-halo? O kaya Jejemon naman-uso pa ba ito?





1c. Keep your font style (not!) proper. Keep your font style interesting.



Font styles. Ano nga ba ang appropriate na font styles para sa title mo? Kailangan ba UPPERCASE? lowercase? Naka-bold o italic? O parang J3j3m0n lang? O kailangan ba eh, curvy ang font? Ala medieval style ba? O script? Cursive? Simple? O kaya naman, elegant but simple... pero sobra naman sa kaseksihan ng mga letra.

Whatever pa na font ang gamitin, kung gusto mo ng tawag atensyon sa istorya mo, why not use them, 'di ba?

Una, walang problema sa uppercase o lowercase. May mga font style namang ganun eh.

Pangalawa, wala ring problema kung simple lang ang font mo... mga Arial nga ba... o kaya Comic Sans... meron ding Tahoma, Verdana, Georgia... and so on and on.

Pangatlo, ito ang importante sa lahat. Kung gusto mo ng tawag atensyon, mag-jejemon ka. O kaya naman alternate ang uppercase at lowercase mo... isabay mo pa ang elegante pero simpleng font. Iyon bang halos hindi mo na mabasa iyong mga words dahil sa sobrang seksi at flexible nila. Iyon! Ganun ang gawin mo! Siguradong makakatawag ka ng atensyon. Pero syempre dapat maganda rin ang book cover mo. Unfortunately, hindi natin ita-tackle ang tungkol sa covers.

Meron ka na bang insight tungkol sa font na dapat mong gamitin? Ang dami na ng tips na naibigay ko sa iyo. Tingnan mo na lang ang title nito. Just keep it (not!) proper and interesting. Kapag nagawa mo iyang dalawang iyan, successful na ang title mo! Wala ka nang iba pang dapat gawin! Siguro naman hindi ko na kailangan ikaw bigyan ng examples. Madali lang naman iyan eh.





2. Point of Views (POVs)



Point of Views (POVs) ay isa sa mga pinakamadaling i-accomplish sa istorya. Bakit? Aba, eh iyan ang voice ng story mo. Maaaring first person (as in ung character/s ang nagna-narrate), second person (as in ibang tao ang nagna-narrate. Taong may koneksiyon sa mga characters pero pwedeng hindi rin nag-appear sa story. Or refer na lang natin ito sa pronoun na you. Mas madaling intindihin, 'di ba?), or kung gusto mo naman eh, mag third person ka (as in narrator ang nagna-narrate. As in ibang tao na walang kahit na ano mang koneksyon sa characters. Katulad ng CaD ko), pero kahit ano man ang piliin mo, POV pa rin ang tawag sa narration na gagawin mo.

Paano magiging successful ang narration mo?



2a. Choose what POV you're going to use (and do not! stick with it).



Katulad ng nabanggit sa itaas, may tatlong uri ng POV: first, second, or third person. Kung nakinig ka sa English class niyo, siguro naman alam mo iyong mga person na sinasabi ko. If not, let's do a quick lesson.

First person refers to I or We. So first person means iyong bidang character-or kung sino mang character-ang nagna-narrate ng story. Mostly ay iyong bida. As in iyong iniisip nila ang mababasa mo... which is really creepy. Kasi isipin mo, nababasa mo iyong iniisip nila... eh di ibig sabihin nun mind reader ka? Or pwede namang... nasa loob ka ng utak nila?!

Corny, I know.

Second person naman ay you, you, at you. Lagi na lang you. Ano naman ibig sabihin nito? Ang narrator nito ay ibang character. Hindi siya bida, pwedeng side character lang, o kaya naman nakakakilala lang dun sa mga bida. Para bang iyong mga kwento ni Lola Basyang. Kasi hindi ba kahit pwede nating sabihing third person iyon, para na ring second person? Ah, basta, iyon na 'yon. Hindi kasi gaanong ginagamit ito, kaya may kahirapan din na gamitin.

Third person naman ay he, she, it, or they. As in third person personal pronouns din. Katulad nung dalawa sa taas. Ito at ang first person ang pinaka-common na POV na ginagamit. Pwedeng ang nagkukuwento eh isang tao na hindi naman character ng istorya, o kaya ito naman ay ang author lang din, or someone naman na alam ang lahat ng nangyayari sa story. Para bang iyong Grimm's Fairy Tales. Isang uri iyon ng third person... o kaya ng mga pocketbooks na nabibili ngayon.



Ano naman ang pinagkakaiba ng tatlo?





Ang gandang tanong, ano? Syempre, una, spelling. Aba, eh hindi naman talaga sila pare-pareho ng spelling eh! Aminin mo, iba-iba sila, 'di ba?

Okay... seryoso na.

Ang first person ay, katulad ng sinabi ko, ang character ng story ang nagna-narrate. Mostly bida nga. Iyong mga iniisip nila at ginagawa nila ay nalalaman mo. At dahil nga nasa loob sila ng story, hindi mo alam ang nangyayari sa ibang characters. Eh, bakit iyong ibang stories, alam natin ang nangyayari at iniisip ng ibang characters, kahit hindi sila ang bida?

Dito na papasok ang guide natin. Nabasa mo naman sa taas, 'di ba? Do not stick to one POV. Kaya nga ang daming authors ang gumagawa nito eh. Marami akong patunay, gusto mong makita? Boring naman kasi kung isang utak lang ng character ang nababasa mo, 'di ba? So why not make POVs for each one of them? Kaya nga na-dub din ang first person na unreliable narrators.

-Quick lesson: ano ba ito? Hanapin mo sa Wikipedia, makikita mo dun.

Second person naman, ay gaya nga ng sinabi ko-ulit-ay ibang character or someone na nakakakilala sa mga bida ang nagkukuwento. Maaaring hindi mag-appear ang character na ito sa kuwento, maaari rin namang sa bandang huli mo lang malalaman na isa pala siya sa mga characters. As I've said, hindi ito gaanong ginagamit, kaya medyo may kahirapan din itong gawin. Maliban na lang kung super galing mo.

Third person naman ay isa sa pinakamadaling gawin, katulad ng first person. Pero kung tatanungin ako, mas madali ito kesa doon... at ito rin ang narrative mode na pinakamadaming kaek-ekan. Dito, ang narrator ay pwedeng omniscient o limited.

Omniscient, katulad ng word, ay alam ang lahat ng nangyayari: places, oras, mga involved na tao, at ang mga events. Like I said, lahat ng nangyayari. Ano naman ang 'limited'? Katulad din ng word, limited ay iyon nga, limited. Pwedeng ang narrator ay alam lahat ng iniisip ng isang tao-say, iyong bida-lahat ng pangyayari sa taong ito, pero limitado. Meaning, hindi niya alam ang mga bagay na hindi alam ng character na iyon. Hindi niya kayang idescribe ang mga bagay na hindi nito alam. Gets?

Dahil tapos na ang mahaba kong lesson tungkol sa POV o narrative modes, let's get to the real thing, shall we?

Una, pumili ka kung anong POV ang gagamitin mo. Kung gusto mong first person, eh di first person gamitin mo. Pwede mo ring gamitin lahat para mas cool ang dating ng story mo.

Pangalawa, 'wag mong gayahin iyong mga nababasa mong libro. Iyong iisa lang ba ang POV. Alternate ka para mas maintindihan ng readers mo ang nangyayari. Kung frist person ka, alternate mo ung POV ng characters. Ganun din ang gawin mo kahit naka-third person ka. Madali lang naman gawin iyon kasi kadalasan ang gagawin mo lang naman, eh isulat ang iniisip at ginagawa ng characters mo... maliban na lang kung naka-third ka. Kasi sa third nga, hindi ako o kami ang gagamitin mo kundi sila, siya at siya. Pero kahit ganun 'yun, halos parehas lang din naman. Kasi sa third isusulat mo ang nararamdaman at nangyayari sa paligid nila.

Madali lang naman pumili ng POV eh. At kung ayaw mo ng isang POV lang ang gawin mo, gamitin mo lahat... o kaya first at third ang gamitin mo. Alternate lang sila. Parang ganito:

A's POV

blah...blah...blah...

B's POV

blah...blah...blah...

Normal POV

At dito na nagtatapos ang episode na ito.

Next episode: Characters and their characters... in short, characterization

:

:

:

O 'di ba? Ayos lang ang pagtatapos ko ng episode. Haha. Mas mahaba itong episode na ito dahil medyo nag-enjoy ako sa pagsusulat, kahit na hindi ko alam ang mga naisulat ko... basta sulat lang! Sinabi ko nga rin pala na magbibigay ako ng clue kung paano ito makakatulong. Simple lang. Read between the lines. ;)

Bakit? Kala niyo ibibigay ko ang pinaka-obvious na clue? Aba, kapag hindi mo pa nakuha ang mga pinagsasabi ko dito, basahin mo ulit. Haha. Obvious, obvious na nga kung ano ang gagawin niyo eh... basahin mo lang ng mabuti ang guide ko. Kala niyo ba puro walang kwenta ito? Slight lang. Haha.

O siya, see you na lang sa next episode! Masyadong mahaba itong note na ito. Dedicated ang chapter sa unang taong nagcomment dito. :)

Pagpasensyahan ang mga mistakes na makikita niyo... such as wrong spellings. Sa susunod ko na lang babasahin ito ulit. Masyadong mahaba eh. Haha. Off to the other story!



~Elica Nean

Guide on How to (not!) Write a Perfectly Great StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon