10th Chapter: Inner Stein

3K 134 9
                                    

"TONIGHT, we celebrate the first night of our count down to the much-awaited Luna Queen's Night. Alam ko, na sa gabing ito, ang ilan sa inyo ay nakapili na ng babaeng nais n'yong makasama habambuhay. May anim na gabi pa ang kababaihan na makapag-isip kung handa n'yo na bang tanggapin ang proposal ng mga lover n'yo. So everyone, let's enjoy the party!" masiglang anunsiyo ni Primo kasabay ng pagtugtog ng romantic song.

Napabuntong-hininga na lang si Stein, saka pasimpleng hinagod ng tingin ang paligid. Kasalukuyang nasa malawak na bakanteng lote ang halos lahat ng residente ng Luna Ville. Sa gitna ay may isang malaking bonfire. Sa paligid sana niyon gaganapin ang ikalawang ritwal sa pagdiriwang ng paglabas ni Luna Queen—the dance party during the first night.

Tuwing darating ang Luna Queen's Night, may tatlong bagay na kailangang gawin ang isang lalaking natagpuan na ang tamang babae para dito. The first step was to give a long-stemmed rose to the woman he wanted to spend his life with. The second was to dance with her. And the third was to tie a red ribbon around the old ruins with her. Pagkatapos ay si Luna Queen na raw ang bahalang magtali ng mga kaluluwang nakatakda para sa isa't isa sa pamamagitan ng pagtugtog ng violin.

But of course, only fools would believe it. And Stein Albert Alventra was not among them.

This is stupid.

"Pearl, my lovely Pearl!" malakas na bulalas ni Primo habang palapit sa babaeng tinawag nito.

Napatingin si Stein sa direksiyon nina Primo at Pearl. Pearl was Primo's personal bodyguard. Mga bata pa lang sila ay parati nang nakabantay si Pearl sa "panginoon" nila. But she did that in the shadows. Kaya nagtataka siya kung bakit nagpakita ngayon ang dalaga roon.

"I'll kill you if you touch me, milord," banta ni Pearl sa malamig na tinig.

Nawala lang sa dalawa ang atensiyon ni Stein nang makita niya si Eura. Natigilan siya. She looked very beautiful in her simple ivory halter top dress. Alon-alon ang normal na deretsong itim na buhok na lalong nagpaelegante sa maganda nitong mukha. Hindi lang siya ang nakapansin na lalong tumingkad ang ganda ni Eura dahil napapatingin dito ang halos lahat ng lalaking walang kapares.

Ah, his heart went wild once again.

Kusang kumilos ang mga paa ni Stein para sana lapitan si Eura nang maunahan siya ng kung sino—ni Melvin. Nakipagsayaw ang magaling niyang kaibigan kay Eura.

"What a scary face."

"Shut up, my lord." Naikuyom ni Stein ang mga kamay nang makitang lumapat ang kamay ni Melvin sa baywang ni Eura at ipinatong naman ng dalaga ang kamay nito sa balikat ng mokong. He felt so murderous at the moment. Murderous and very... very...

"Jealous?"

Tiningnan niya si Primo. "Bakit dinala mo si Pearl dito?" pag-iiba niya ng usapan.

"Hindi ko pinapunta si Pearl dito para maging date ko," nakangiting paliwanag ni Primo. Pero sumeryoso din agad. "She's here to investigate."

Biglang nanlamig ang buong katawan ni Stein. Mukhang alam na niya kung bakit pinapunta ni Primo si Pearl doon.

Inabutan siya ni Primo ng isang baso ng alak. "Mahalaga sa 'kin ang Luna Ville, that's why I'm cautious. Outsider pa rin siya, Stein," seryosong sabi nito.

Marahas siyang bumuga ng hangin, saka nag-iwas ng tingin. "Alam ko."

Right then and there, Stein was reminded that no matter how foolish Primo may act around women, he was still very dangerous—someone he would never mess with. There was a reason he was called "lord" after all.

Tinapik siya ni Primo sa balikat. "Nag-aalala lang ako," anito, saka siya tinalikuran para sundan si Charly na dumaan sa harap nila. "Hey, Charly! Let's dance."

Luna Ville Series 3: Playful Fairy Trick (COMPLETE)Where stories live. Discover now