Beginning

8 0 0
                                    

          Running away from your fear is the safest thing I can do right now. Masyado nang magulo ang buhay ko, para bang isa itong maze na walang labasan. 

          Napagpasyahan ng mga magulang ko na lumipat ng bahay. Sa katunayan ay kalilipat lang namin ngayon. Pinagmamasdan ko ang isang puting bahay na ang poste ng bawat kanto ay para bang mga kahoy  kahit ito ay gawa sa semento. May mga punong nakapaligid dito kaya aakalain mong nasa probinsya ka kahit malapit ka lang naman sa syudad. Napansin kong malaki ang  agwat ng mga bahay sa isa't isa, napakatahimik. Old style lahat ng bahay at para bang isa sa mga bahay na iyon ang tirahan ni Maria Clara.

          Kinuha ko na ang mga gamit ko para makapasok na ako sa loob ng bago naming bahay. Hindi ko na inintindi ang mga magulang ko dahil sa sobrang pagod. I immediately went upstairs so I can rest. Long ride is draining me. 8:47 narin kasi,buti at kumain muna kami sa isang fast food chain bago dumiretso dito.

          Agad akong nakatulog ngunit sa kalagitnaan nito ay nakarinig ako ng mga palakpakan at mga tawanan. Tinignan ko ang relong suot ko at hating gabi na pala. 

Saan kaya nanggagaling ang ingay na 'yon? At sa ganitong oras,seriously?

          Bumaba ako para tignan kung anong nangyayari at nadatnan ko sila Mama at Papa sa sala.

"Ma,what's happening? Bakit ang ingay? I asked.

"Ha?Wala namang maingay,anak. Baka nananaginip ka lang."

        Tumango ako kahit nag-aalangan.Baka kapit-bahay lang,pero ang layo ng agwat,eh.Umakyat ako sa kwarto at nahiga ulit, iniisip ang mga bagay kung bakit kami ngayon nandito. Sadya yatang kaaway ko ang tadhana at ayaw nitong gawin ang mga gusto ko. Sandali kong nakalimutan ang tungkol sa ingay ngunit mali pala ako.

          Hindi lamang noong gabing iyon ako nakarinig ng ingay,isang linggo na kami dito at nakakarinig parin ako noon. Napansin kong tuwing hating gabi iyon nagaganap kaya sa gabing ito ay napagpasyahan kong hanapin kung saan nanggagaling yung ingay. May nakita akong pintuan sa kusina, hindi ko pa napapasok iyon dahil simula ng dumating kami dito ay nakatambay lang ako sa kwarto ko. Lumalakas ang ingay ng lumapit ako sa pinto at pag bukas ko nito ay sumalubong sakin ang malamig na hangin. Labasan pala iyon papunta sa likod ng bahay namin. May nakita akong kumikislap sa hindi kalayuan at napag-alaman kong ilog pala iyon. Tumawid ako sa tulay nito at nagulat ako ng biglang may umilaw sa mga katawan ng puno,wala akong dalang ilaw dahil hindi ko na ginagamit ang cellphone ko. May mga nakasulat sa katawan ng puno,iyon yung mga umiilaw. Nakaukit sila sa katawan ng puno, nakakamangha sila.

         Ang unang puno ay may nakasulat na "To humans:" at may arrow itong nagtuturo sa kabilang puno. Sa tinggin ko ay ang punong iyon ang kasunod.Trip lang ba ito ng mga tao dito?But I think they put it for a reason and purpose.

         May nakasulat namang "If you will still go to the end of the trees," sa pangalawa at " Be home before 4:30" naman ang sa pinaka dulo. Ang ibang puno ay may mga simbolong hindi ko maintindihan kaya hindi na ako nagsayang ng oras doon. Tumuloy ako at lalong lumalakas ang ingay,tama ako na dito nanggagaling iyon.

          Nakatingin lamang ako sa mga paa ko habang naglalakad dahil baka may maapakan ako,hindi ako takot sa dilim o kagubatan dahil lagi akong sumasama sa camping namin dati. May nabunggo ako at laking gulat ko ng tignan ko kung ano iyon. Isa itong lalaking nakangiti at kasing edad ko lamang ngunit hindi iyon ang nagpagulat sa akin kundi ang nasa likod nito.......

isang Circus?

Disappearing CircusWhere stories live. Discover now