one

446 2 0
                                    

Scarlet's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na pumasok sa bintana ng kwaro ko. Tumingin ako sa orasan sa table sa tabi ng kama ko. 7 o'clock na pala. Buti hindi ako nag-overslept, kundi lagot ako unang araw palang ng pasukan.

Bumangon ako at dumiretso sa CR para maligo.

After 15 minutes natapos na ako. Sinuot ko ang uniform ko na white na blouse at dark blue na plaid skirt, na syempre may black shoes. Kinuha ko ang bag ko sa kama at pumunta sa kusina para kumuha ng tinapay. Lumabas ako ng bahay at nilock ang pintuan. Nasa bag ko naman ang susi.

Naglalakad ako papuntang school dahil malapit lang naman. Mga 1 km lang ata.

Wala rin namang maghahatid sakin o ano kasi mag-isa lang ako sa bahay. Ang mga magulang ko, nasa ibang bansa. Pero hindi naman ako malungkot. Actually masaya naman kasi pwede ko gawin kung ano gusto ko. Tapos nakaka-video call ko naman sila once or twice a week.

Naglakad pa ako at nakita ko na ang bago kong school, ang Jewel Academy. Grade 12 na pero lumipat parin ako ng school. Wala lang, new life or something. Nakakasawa na rin kasi sa dati kong school.

Pumasok ako at nakita ko ang mga bago kong mga schoolmate. Kailangan ko mag-adjust.

Sabi sa akin nung enrollment, ang section ko ay 12 STEM-D. Sa 4th floor ng third building na madadaanan.

-

12:00pm

"Scarlet, sa 'min ka na sumama!" masayang sabi ni Qin sa 'kin.

"Sige," sagot ko sabay ngiti. "Sino mga kasama mo?"

"Sila Reese, Royce, Klein, Ash, at Astrid."

"Ang dami niyo pala." I giggled.

Sa mga kaibigan niya, siya at si Ash lang ang kaklase ko. Nakipagkita kami sa kanila sa second floor ng canteen pagkatapos bumili ng pagkain. Umupo na kami at nagkwentuhan.

"Uy Scarlet," napatingin ako kay Astrid na nagsalita. "So far, okay ba sayo 'tong school namin?"

Hinampas siya ni Reese. "Hindi lang atin ang school na 'to no. Dito rin kaya si Scarlet!"

"Ay, oo nga." at tumawa kami.

Nagkunyari akong nagisip at napatawa nanaman sila. "Oo naman no. Ang saya niyo kaya kasama. Buti ni-recuit niyo ko."

"Yes naman!" sabi ni Ash at saka ngumiti.

Ngumiti nang nakakaloko si Qin at tumingin kay Astrid. "Astrid, kamusta nga pala kayo ni Ash?"

Nanlaki mata ni Astrid at biglang dinepensahan sarili niya, "Walang kami."

"Oo nga!" pagkampi ni Ash sa kanya.

"Sus, eh gusto mo si Ash last year!"

"Dati pa yun no. May bago na 'kong crush."

"Che!" nagkunyaring mataray si Qin, at natawa naman kami sa kanila. "Eh ikaw Ash, yung kay Maia?"

"Wala akong crush. Tapos na yun." sagot ni Ash.

Kumain na kami ulit at naalala ko yung ngiti ni Ash kanina nung sinabi niya yung 'yes naman.' Ang cute niya, para siyang tuta. Yung boses niya naman parang deep na ewan, basta ang pogi. Tumingin ako sa kanya na katabi ni Royce na katapat ko at nakita kong naka-pokerface lang siya habang kumakain. Ang hot niya naman pag ganito.

Nagulat ako nang mapatingin din siya sakin. Naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya.

Pero hindi ko parin tinanggal yung tingin ko sa kanya. Nagtitigan lang kami hanggang sa siya na ang umiwas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Scarlet [SPG]Where stories live. Discover now