Part 18 :: Romantic Horror

1.9K 68 4
                                    

When Prince turned the doorknob of the classroom door, he realized that it was open, just like the other classrooms that appeared to have been intentionally opened by someone else. Dahil sa strange na pakiramdam at pagtataka, kinailangan niya munang humugot ng lakas-loob bago niya iyon itinulak.

Nahigit naman ni Hazen ang kanyang hininga. Her body was shaking in fear, but she tried to keep her mouth shut. Sana okay lang si Je Em. Jusko!

"Je Em?!" Just a moment, she heard Prince called in Je Em's name. Tapos ay may pagmamadali ang binata na pumasok na sa loob ng classroom.

Hazen's mouth hung open in wonder. Ginusto niyang sundan ang binata pero pinili niyang sundin ang utos nito sa kanya, that no matter what would happen she would just stay out of the classroom. Huwag na huwag daw siyang papasok hangga't hindi nito sinasabi.

Nang bigla ay malakas na tunog siyang narinig.

"Oh, God!" impit na tili niya Mariing napapikit siya ng mga mata at napatakip sa magkabilang tainga. Para ba'y may bumagsak kasi na bagay sa loob.

Sana hindi si Prince...

Sana hindi si Je Em...

"God, please help us," She prayed, and that made her tears fall again. Sobrang nginig na rin ulit ng buong katawan niya. Binalot ulit siya ng matinding takot.

"Hazen?!" Prince suddenly came out of the classroom. Tinakbo siya nito. Malamang ay napansin agad nito ang pangangatog niya. "Natakot ka ba? Sorry, sorry but it's nothing. Natabig ko lang 'yong nasa desk na ewan kung ano 'yon, but it's okay." At parang bata siyang niyakap at inalo.

Sumisigok na nag-iiyak siya sa mga bisig ni Prince. Grabe ang kapit niya sa t-shirt ng binata. Hindi na talaga niya kakayanin kung pati si Prince ay may mangyaring masama katulad nang nangyari kay Mieko. Hinding-hindi.

Mas napaiyak siya rito nang husto.

"Hazen, please calm down. Nothing has happened. I'm fine, and Je Em isn't here," pampapakalma pa rin ni Prince sa kanya. He's gently caressing and patting her back. "Huwag kang mag-alala, mahahanap natin si Je Em. Walang magyayaring masama sa kanya. We can all go home safe at pagbabayarin natin ang gumawa niyon kay Mieko."

She nodded, but it didn't lessen her fear in the slightest. Kumampante lang siya dahil yakap siya ng lalaking alam niyang hindi siya pababayaan.

Hinayaan muna siya ni Prince. Silence enveloped the both of them, pero saglit lang ay naramdaman niya na napakamarahan na inilalayo na siya ni Prince ng yakap. Yuko ang ulo niya at sisinghot-singhot na nagpatianod. Ang nagpagulo sa utak niya ay nang ikinulong ni Prince ang magkabilang pisngi niya sa mga palad nito at marahan na iangat iyon hanggang sa magtama ang mga naluluha nilang mga mata.

"Prince..." Hindi niya alam bakit niya nagawang isatinig ang pangalan ng binata. Nagtataka lang kasi siya kung ano ang ginagawa ni Prince. Hindi ito ang tamang oras upang maglambingan o ano pa man.

"Hazen, I'm begging of you," panimula na ni Prince kaya natigil ang utak niya sa mga iniisip niya. Naramdaman niyang humigpit ang pagkaka-cup ni Prince sa magkabilang pisngi niya. "Magpakatatag ka, please? Mabuhay ka. Mabuhay tayo. Lumaban tayo. Let's work together to find the killer. Remember, we both want to graduate, that's my chance to court you."

Heavy tears voluntarily fell and ran down her soft cheeks as she heard Prince's plea for her.

"Don't worry; I'm here for you. I'll protect you, no matter what happens. Just keep standing strong for me, okay?" dagdag sabi pa ni Prince na animo'y nakikiusap.

Crying, she looked straight to his eyes. Thank God she has this guy.

Prince smiled at her wholeheartedly. "You know how much I love you, right?"

Kaysa sagutin ang binata ay buong pagmamahal na ikinulong din niya sa mga palad niya ang guwapong mukha ni Prince. Bahala na, pero oras na rin siguro para iparamdam niya rito na mahal niya rin ito.

"I love you too, Prince," pag-amin na niya. Nag-unahan pa lalo ang pagpatak ng luha niya pagkatapos niyang sabihin iyon. God knows kung gaano niya tinitikis ang damdamin niya noon pa para hindi masagot si Prince. Kasi hindi pa pwede. Kasi kailangan pa nilang maka-graduate.

Prince's jaw literally dropped, and his eyes widened as if he had seen a ghost on her face. "Hazen, sinabi mo bang mahal mo rin ako?"

She smiled shyly. Nahihiya siya ulit pero nasabi na niya kaya paninindigan na niya. "Sorry if ngayon ko lang nasabi. Kung kailan nanganganib ang buhay natin. Sorry."

Kaysa magsalita, Prince planted a first kiss on her lips, her first kiss!

Gulat na gulat siya, ni hindi niya naipikit ang mga mata.

"What the heck?! Ganito na nga ang sitwasyon natin nagagawa niyo pa ang ganyan? Like seriously?" Suddenly, Harvey popped up from nowhere.

Hazen swiftly pushed Prince away from her, feeling a rush of heat rising inside her and quickly spreading outward until she knew she was blushing furiously.

Oo nga naman. Ano itong ginagawa nila ni Prince. This is not the right time para sa mga damdamin nila.

"Bro, kami na ni Hazen! She already said that she loves me too!" Si Prince ang walang pakialam. Parang bata itong umakbay sa kanya.

Siya tuloy ang mas nahiya. Alam niya mas namula pa ang mga pisngi niya.

"Talaga? Masaya ka pa, Bro? Eh, mamatay na nga tayong lahat!" Harvey said frustratedly. He ran a hand to his face.

"G*go ka pala, eh!" Na hindi nagustuhan ni Prince.

"Prince, no!" Mabilis na hinila ni Hazen ang binatang ngayon ay nobyo na niya at makakasama na niya sa mga pangarap kung makakaligtas sila sa kinakaharap nila ngayon na panganib. "Tama naman si Harvey, eh."

Mabangis ang naging pabiglang tingin ni Prince sa kanya.

"Harvey was right. Hindi ito ang oras para sa ganoong bagay. Saka na lang natin ipagsaya ito if we survive from this horrible situation," mahinahong paliwanag niya rito. Though, hindi rin naman niya masisisi si Prince dahil kahit siya ay. gusto rin naman sana niyang namnamin ang pagsagot niya sa binata, nga lang kasi ay tama talaga si Harvey. Now is not the appropriate time for a romantic scene.

"But—" Aangal pa sana si Prince pero mabilis niya itong hinalikan sa labi at nginitian nang matamis.

"Puwede ba panoorin niyo na lang 'tong nangyari kay Mieko at baka makilala niyo ang killer. Tama na 'yan!" sita ulit ni Harvey sa kanila.

Sa pagkakataong iyon ay para silang naibalik ni Prince sa nakakarimarim na sitwasyon. Sabay silang napatingin kay Harvey na pabigla.

"What's that?" seryoso na ulit si Prince na tanong. Nawala na ang kilig-kilig moment dito.

"A video about how Mieko was killed," Harvey quickly replied, showing them the cellphone he was holding. "Aksidente na na-video-an ni Mando ang nangyari."

Wari ba'y noon lang nila napansin ni Prince na kasama pala ni Harvey ang pinagbibintangan nilang killer. Kumaway sa kanila si Mando na nakangisi.

Prince brows narrowed dangerously. "Eh, 'yang baliw na 'yan ang killer, eh!" At duro nito kay Mando.

"No. Not him, bro." Humarang agad si Harvey sa dalawang binata na nakadipa ang dalawang kamay.

"Hoy, hindi ako baliw. Baka ikaw!" duro rin ni Mando kay Prince.

"Aba't—"

Hazen quickly snatched Prince's wrist and gave him a stern glare to silence him. Thankfully, Prince calmed down immediately.

"Harvey, can I see that video?" Hazen asked to Harvey in an emphatic voice after a while. Inilahad niya ang kamay sa harapan ni Harvey. Gusto niyang mapanood ang video kahit na nag-uumpisa na naman siyang matakot.

Ilalagay na sana ni Harvey ang cellphone ni Mando sa kamay niya nang bigla iyong hablutin ni Prince. Ito na ang unang nanood.

"Patingin din," she grabbed the cellphone. Binawi niya iyon kasi hindi niya makita kapag si Prince ang hahawak.

Natahimik na sila. Hanggang sa unti-unti nang rumihestro ang takot sa muha ng dalawa habang nagpe-play ang video.

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Where stories live. Discover now