''SUSUNOD KA NA!!''ito ang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko. Para na kong mababaliw kapag naiisip ko ang mga nangyayari sa amin. Kahit bago ako matulog ay sumasagi pa din ito sa isip ko kaya hirap na hirap ako matulog kapag gabi lalo na kapag tulog na lahat ng kasama ko...
= = =
''Tara na at magpahinga na muna tayo at kasama na din nating ipahinga ang ating mga isip'' saad ni Jeric
''Mabuti pa nga pero gusto ko sana sama sama na lang tayong matulog para madali tayong makapagtulungan sakaling may gumambala na naman sa atin'' suhesyon ni Quisha
''That's a good idea Quish!'' pagsang-ayon ni Darren
Kinuha na namin ang mga gamit namen at inilipat ito sa kwarto ng mga lalake dahil higit na mas malaki ang kwarto nila kaysa sa amin.
Napagdesisyunan namin na lahat kami ay sa lapag nalang matulog sakto dahil may banig at karton kaming nahanap upang maging higaan namin..
Tapos na kaming maglatag at nakahiga na kami pero biglang tumayo si Quisha
''Saan ka pupunta Quish?'' tanong ng nakatatandang kapatid nya
''Sa kusina lang kuya, iinom lang ako kanina pa kasi tuyong tuyo itong lalamunan ko'' sagot ni Quisha
''Samahan na kita'' pag-aalok ni Jian sa kapatid
''Ano ka ba! Wag na, salamat nalang pero I can do it by my own'' pagtanggi ni Quisha
''Pero baka may masamang mang--''
''Hep! Wala kuya!'' pagputol ni Quisha sa sasabihin dapat ng kapatid
''Pero Quisha baka may masamang mangyari sayo'' sabat ko sa seryosong pag-uusap ng magkapatid
''Ano ka ba Fel! Dont worry I can take care of myself'' saad ni Quisha sabay bumaba na sa kusina
''Basta mag-iingat ka!!'' pahabol kong sabi
* End of Fel's POV *
= = =
Sa kusina:
Kumuha na si Quisha ng baso at inangat ang pitsel upang ibuhos ang tubig
''Ay! Pwe! Ano bayan hindi malamig'' inis na saad nito sapagkat hindi malamig ang nilagok niyang tubig
Kaya pumunta siya sa refrigerator upang kumuha ng malamig na tubig.
Pagbukas niya dito ay tila may bumulagang batang babae na lumuluha ng dugo ang kanyang nakita kaya napaatras siya at napapikit nalang ng mata..
''Hay salamat at guni-guni ko lang!'' bulalas nito sabay mabilis na kinuha ang malamig na tubig.
''Aaah.. salamat at nabasa din ang kanina pang tuyong lalamunan ko'' saad nito
Ibinalik na nya ang malamig na tubig pero nagsalin siya sa isang baso upang ibigay sa kuya nya dahil alam nyang pagod na pagod ito kakaisip at kaka-asikaso sa kanila..
Pabalik na siya sa itaas nang may naaninag siyang kakaiba kaya tinitigan niya itong mabuti pero pagkurap niya ay nasa harap na niya ito at ilang pulgada lang ang layobsa kanyang mukha...
=============================
Authors Note :
Wag po kayong mag-alala dahil may kasunod pa ito :')
Thank you po sa pag-support :')
Dont foget to write your opinions and isa pa dont forget to vote :')
Love you! :* and salamat sa mga nagvovote at naglalaan ng oras para basahin tong story ko :)))
*master-mind
YOU ARE READING
Ang Lumang Resort (Completed)
HorrorMakakaalis pa kaya ang magbabarkada sa pinasukan nilang resort??
