Eleven (Part Two)

386 13 1
                                        


ARAW ng miyerkules, iyon ang araw nang graduation day ni Kerkie. Hindi tulad nito na pumunta sa graduation day nila at nakasama nila ng pamilya niya kumain. Susunduin lang siya ng binata sa kanila para sa party nito mamayang gabi. Inin-vite ni Kerkie ang pamilya niya pero hindi makakasama ang kuya Aldrin niya dahil may out of town business trip ito. May meeting ang Daddy naman niya. Mukhang ayaw rin sumama ng kuya Alden niya pero nag-leave ito at ang girlfriend nitong si Barbara.

Kaya kahit alas-nuweba pa lang nang umaga ay hindi na siya magkandaugaga sa kung ano ang isusuot niya. Gusto niya na maganda siya mamayang alas-kuwatro kapag sinundo nito. Kagabi ay ilang beses nito sinabi sa kanya na ipakikilala siya ni Kerkie sa ama at stepmother nito. Ewan niya kung bakit ganoon na lang ang kaba niya. Iniisip niya kung paano kung hindi siya magustuhan ng mga ito? Paano kung hindi tulad ng pagtanggap nang Daddy at kuya Alden niya ang gawin sa kanya ng mga ito? Paano kung tumutol ang mga ito sa kanya tulad nang pagtutol ng kuya Aldrin niya para sa kanya?

Hindi namalayan ni Sabrina ang mabilis na paglipas ng oras. Alas-dos na nang muli siyang napatingin sa orasan. Nagpasya na siyang gumayak para handa na kapag sinundo ng binata. Simpleng kulay yellow lacy dress ang isinuot niya na lalong inilabas ang puti at kinis ng mga balat niya. Kulay puti ang wedges shoes at clutch bag niya. Nagpatulong na siya sa pag-aayos sa girlfriend ng kapatid niyang si Alden na si Barbara. Magka-schoolmate din ang mga ito at almost five years na ang relasyon. Kung engineer ang kapatid niya ito naman ay isang editor in chief ng isang sikat na teenage magazine sa bansa. Dito nga sila ni Ricky natututo ng mga kikay tips and stuffs. Sa ngayon ito at ang kapatid ang kasama niya sa bahay nila. Naka-leave ang ate Barbara niya para ayusan lang siya.

"Blooming ka, ah? Inlove ka nga." Nangingiting tukso nito.

"Pati ba naman ikaw, ate?"

Tumayo ito at lumapit sa likod niya. Nakaupo siya sa harap ng salamin. Wala nang mga araw na iyon ang Daddy niya dahil na rin sa trabaho nito sa isang oil company sa bansa bilang COO. Ngayong taon na ang retirement nito. Samantalang nagta-trabaho naman ang kuya Aldrin niya bilang Head of commerce and advertising sa isang matayog na food corporation sa bansa. Ang balak nga niya ay doon na rin magtrabaho sa susunod na buwan. Ang kuya Alden naman niya ang civil engineering sa isang firm sa Ortigas.

"Ano'ng gusto mo? Ballerina bun na lang?" tanong nito habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok.

Tumango na lang siya at tinignan ito sa salamin habang inaayos ang buhok niya. Pa-Ballerina bun ang ginawang style nito sa mahaba niyang buhok. Una muna niyang pinahiran ang mukha hanggang leeg ng concealer saka sinunod ang paglalagay ng ka-skin tone na foundation. Ito ang naglagay sa kanya ng maskara at kaunting eyeliner, pagkatapos ay kinurte nito ng brown eye brows ang mga kilay niya. Pinahid niya sa mga labi ang kulay peach lipstick at mala-orange na blush on at eye shadow ang nilagay naman nito sa pisngi at mga mata niya. She like the citrus warm up of her looks.

"Mas mai-inlove ang ka-date mo sa'yo, bunso." Nangingiting sabi ni Barbara sa kanya.

Nagpasalamat naman siya sa pag-aayos na ginawa nito sa kanya. Nang tumungtong ang alas-kuwatro ng hapon ay nag-text na si Kerkie na nasa labas na ito. Bumaba na siya at dumeretso sa pagbukas ng gate nila. Bago pa siya makalabas ng salas ay nginisihan lang siya ng kapatid. Kasunod lang niya ang girlfriend nito sa pagbaba. Nagpaalam na siya kina Barbara at Alden na aalis na sila.

Nang makalabas ay nakita niya agad si Kerkie na nag-aabang na sa kanya. Nakasuot ito ng tuxedo. Nang tumingin ito sa kanya ay muling hinagod nito ng tingin ang kabuuan niya. Nagkaroon na naman tuloy ng komusyon sa loob ng sistema niya. Pagkalapit niya sa puwesto nito ay mabilis na dumukwang ito para halikan siya sa noo. Bumaba pa ang mukha nito at bumulong sa tainga niya.

"You look dazzling, sweetie." He huskily whispered.

Gumapang ang kilabot hanggang batok niya. Kay tindi nang naging sipa sa loob ng dibdib niya sa naging papuri nito.

"Bolero ka talaga, ano?"

Ngumisi ito. "Kinilig ka naman."

Inirapan niya ito.

"Let's go?"

Tumango siya. Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse nito at pumasok na siya. Nang umibis ito at sumakay ay pinatakbo agad nito ang sasakyan. Wala silang imik na dalawa habang nasa biyahe. Wala naman kasi silang puwede mapag-usapan. Isa pa, hindi pa rin siya tuluyang naka-recover sa sinabi nito. Kinikilig siya. Pasimpleng hinawakan niya ang mga pisngi. Sigurado siyang namumula pa ang mga iyon. Nang mapansin niya ang mahigpit na kapit nito sa manibela. Napalingon siya sa binata at nagtaka kung bakit nakatiim-bagang ito.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Shit!" malutong na mura nito.

Inihimpil nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nagulat siya nang mabilis na tinanggal nito ang mga seatbeat nila at namalayan na lang niyang binuhat siya ng lalaki patungo sa kandungan nito.

Akmang magpo-protesta na sana siya nang tinakpan nito ng bibig ang labi niya. Naging marubrob ang naging hagod ng labi nito sa kanya. Napasinghap siya nang mas inilapit siya ni Kerkie sa katawan nito. Sinamantala nito ang pagsinghap niya upang galugarin ng dila nito ang buong bibig niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ito sa gitna ng mga hita niya. He was aroused. She felt his growing manhood. Nagsimula na maglakbay ang mga kamay nito sa buong katawan niya. Binigyan nito nang mumunting halik ang panga niya pababa. Suot pa naman niya ang damit ngunit ramdam na ramdam niya ang init ng kamay nito. Hindi man lang niya naramdaman na nahawi na pala nito ang undergarment niya. He felt her down there. Humagod at naging malikot kaya naramdaman niya ang pagnanasa. Pati siya ay tinutupok na rin ng apoy sa ginagawa nito ngunit naalala niyang may pupuntahan nga pala sila. Nabalik lang sa huwisyo ang kamalayan niya nang marinig niya ang pagbubukas ng zipper nito.

Naitulak niya si Kerkie sa balikat kaya nagkatinginan sila sa mga mata. His eyes were full of needs and lust.

"Hindi puwede," Hinihingal na protesta niya.

Napapikit ito at marahas na humugot ng malalim na buntong-hininga. "Ayos ka lang?"

Tumango siya. Ang bilis pa rin nang paghinga niya sa tindi ng init na lumukob sa buong pagkatao niya.

"Baka ma-late tayo." Sabi na lang niya.

Dinampian nito ng halik ang labi niya.

"Sorry," hinging-paumanhin ni Kerkie sa masuyong tinig. Paunti-unti na rin humupa ang init na naramdaman niya. Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya.

Niyakap niya ito. Ramdam niya ang paninigas ng katawan nito. Natawa siya nang mapagtanto kung ano ang ginawa nila. Buti na lang at tinted ang salamin ng sasakyan nito kundi may nakakita na sa nangyari sa kanila.

Nakalabi na tumingin ito sa kanya. "Ano'ng nakakatawa?"

Hindi niya napigilan ang sarili at binigyan ito ng mabining halik sa labi. "Ni minsan kasi hindi ko na-imagine ang sarili ko makipag-making out sa loob ng sasakyan."

May gumuhit ng ngiti sa mata at labi nito, kapagkuwan. Ibinalik nito ang mukha sa leeg niya. "I'll calm myself first before we go. Huwag kang gagalaw at hayaan mo lang ako."

Tumango siya at hinalikan ang tungki ng ilong nito.

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Where stories live. Discover now