IV

 

 

Kathleen’s POV

Ambilis ng panahon ngayon, first day of class. Parang kagra-graduate ko lang kahapon eh, ngayon college student na ko.

Bigla na lang may kumapit sa kamay ko. Hindi ‘to si bessy sure ako. Iba kasi kamay ni bessy, medyo malambot. Paglingon ko si Kurt. Nagulat ako, kasi nga di ako lagi nagre-reply sa kahit anumang text niya. Bet nga kasi siya ng bessy ko, ayoko namang masira ang friendship namin aba!

Nakatingin lang ako sa kanya.

“Let go.” Yun lang ang sabi ko.

“T-teka lang Kathleen, ayaw mo ba sakin? You know I like you very much, pati favorites mo alam ko. Lahat gagawin ko para sayo, maniwala ka lang sakin.” Sabi niya na parang totoo naman.

“Then prove it.” Ngumiti lang ako kay Kurt.

I pulled my hand.

Lumakad na ko palayo sakanya.

“Grabe, hindi niya ba kilala si Kurt?”-girl1.

“Baka freshman naman kasi?”-girl2.

“Naku, kung ako lang lapitan ni Kurt! Yayakapin ko yun!”-girl3.

Edi yakapin niyo, eh hindi nga bet ng bessy ko para sakin. Bet nga kasi ni Clarence.

Honestly, type ko. Ayoko lang talagang mag-away kami ni Clarence.

Hinanap ko na yung lalakeng matangkad at kulay dark brown ang buhok.

Bakit andaming tao, ayun siya! Nilapitan ko na si besh. Andaming nakapalibot sa kanyang babae. Harhar! Parang iba na siya?

Woman to WomanizerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!