chapter v

139 5 0
                                    

Rosie

Nagmadali akong pumunta sa Starr cafe kasi hindi naman pwedeng wala ako ngayon sa special occasion na to eh. Pag pasok ko eh nakita ko agad si Fia, kinaway kawayan ko lang siya.

"Rosie!" She said, nabigla ata siya na nandito na ako. Yinakap ko naman siya agad.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya sakin, umupo muna kami sa may bar. Nakita kong sumenyas si Fia sa nagaayos ng sound system, tinuro niya naman ako kay kuya Hiro, pag tingin niya kumaway siya at lumapit sa stage.

"Well, I couldn't miss this day diba?" Sabi ko sabay turo sa ukulele na dala ko. I know hindi ako palaging kumakanta gamit ang ukulele pero sa kakamadali namin kanina, ukulele lang nabitbit ko at hindi yung guitar.

"Sabagay! Good call, rin. Bored na ibang tao sa bandang tumutugtog" sabi niya, tiningnan ko naman ang mga tao, mukhang nag eenjoy naman silang lahat ah?

"Hindi naman ata sila na bo bore eh" sabi ko, biglaan naman tinuro sakin ni Fia ang isang table, dalawang lalaki ang nakaupo dun tapos naguusap lang sila habang kumakain.

"Malay mo may pinaguusapan lang, to naman di yan boring!" Sabi ko sabay tawa. Nagkwentuhan lang kami ni Fia ng nakita kong pumasok na si Sedric. Lumapit naman ito agad samin.

"Tagal mag park?" Sabi ko, tumabi naman siya sakin.

"Oo eh, nahirapan lang akong maghanap ng mapaparkingan" sabi niya, tumango naman ako. Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko, may nag text.

Hey, baby let's talk after your gig

Napatingin naman ako sa gilid gilid, wala naman siya dito. Pano niya nalaman na may gig ako ngayon?

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at binigay kay Sed phone ko, kakatapos lang ng last song ng banda kaya sumenyales si kuya Hiro na lumapit na ako sa stage.

"Thank you for a wonderful set!" Sabi ng lead vocalist nung banda, nagsihiyawan naman ang ibang tao. What if I don't get to give them the same hype?

"Before we go, we wanted to invite one special person to sing with us! Idol na idol namin siya kasi lagi kami nanonood dito whenever she sings" oh, ako?

Napatingin naman ako sakanila, tumingin sakin yung vocalist at kumaway. Kumaway na lang ako. Nakita kong siniko ako ni Fia. Tiningnan ko naman siya.

"Tingin ko crush ka niyan" sabi niya, tinarayan ko na lang si Fia at tumawa. Nope, he's not my type.

"Uhm, can we request miss Rosie on stage?" Tanong nung lead vocalist, nagpalakpakan naman ang mga tao. Mga regular customers andito eh, kaya kilala nila ako. Naglakad na ako papunta sa stage at umakyat. Makikipag shake hands sana ako kaso lang biglaan niya akong yinakap. Tumawa na lang ako at tinapik ang likod niya.

"Hi, please stop hugging me" bulong kong sabi sakanya, hindi parin siya kumakalas. Nakaharap ako sa mga tao, lahat sila nakangiti, napatingin ako kay Fia at pinandilatan siya ng mata, nakita kong nag shrug siya senyales na hindi niya alam ang nangyayari, nakita ko ring napatayo si Sedric.

"You're hot, do you fancy a drink after you sing?" sabi bigla nung vocalist, tina try ko nang umalis sa yakap niya, naramdaman kong hinawakan niya ang pwet ko at biglaan na rin siyang kumalas. Tiningnan ko siya ng masama. Fucking pervert! Kinuha ko yung mic nang hindi nagdadalawang isip.

TalaWhere stories live. Discover now