chapter i

262 9 0
                                    

Rosie

"That ends my gig for tonight, thank you for watching! See you next saturday!" Sabi ko at nagpalakpakan na ang mga tao. Nandito ako ngayon sa Starr cafe, I have small gigs here every weekend.

"Galing mo ngayon, Rosie." Sabi ni Fia, isa rin siyang nagtratrabaho dito. Siya ang emcee ng cafe palagi. Nginitian ko lang siya as a sign of thanks. What else could I say?

Nag vibrate bigla ang phone ko, nung tiningnan ko may tumatawag, si mommy. I answered it immediately.

"Where the hell are you, Rosie?" Pambungad niya sakin. Tiningnan ko ang orasan, 11:28 pm, shit.

"I'm at a cafe mom" sabi ko sakanya. Papagalitan nanaman ako nito pag uwi ko. Pati ni daddy.

"You better not be singing at that cafe again! Nako Rosie sinasabi ko sa'yo, wala kang mapapala sa kaka kanta mong yan! Malapit na exams niyo bakit yan parin inaatupag mo? Utang na loob Rosie mag tanda ka naman!" Sabi nito sakin, sumakit nanaman dibdib ko. Lagi namang ganito, bakit hindi parin ako nasasanay?

"I'm going to tell Sedric to pick you up right now" sabi ni mommy. Sedric, He's my twin brother.

"No need, mom, alam mo namang pagod rin si Sed sa training niya, I can manage" sabi ko sakanya. Pwede pa naman akong mag taxi.

"Mag tataxi ka? Pano kung may mangyari sayo? Why the hell are you out late at night ba kasi? Wala ka nang ibang ginawa kundi ang idisappoint kami. Papunta na diyan si Sedric, hintayin mo siya." Sabi niya at binaba na yung call.

And then again i'm a disgrace to the family just because sinusunod ko kung ano gusto ko, hay nako dapat sanay na ko dito eh.

"You okay?" Tanong sakin ni Fia. Kakatapos lang nung next singer sakin kanina, isa na lang then closing time na.

"Yup, bakit naman hindi?" I managed to say without breaking my voice. Sanay na ako.

"Hey, I'm here if you need a friend." Sabi ni Fia sakin. Nginitian ko ulit siya sabay sabi ng "Thanks, I appreciate it a lot."

Nag phone na lang ako habang naghihintay kay Sedric. Tinitingnan ko ang instagram ko ng may nagtext sakin bigla. Unknown number.

Rosie, baby please. Let's talk.

Hindi ko yun pinansin at in-off na lang phone ko, baka kailangan kong magpalit ng number para tigilan niya na ako.

Maya maya dumating na si Sedric, halatang bagong gising ito. Linapitan niya ako at umupo muna sa tabi ko.

"Sorry Sed, nagising ka pa tuloy" sabi ko sabay pout para kaawaan ako ng kambal ko. Pinisil niya lang ang cheeks ko. Sobrang lakas.

"Aray ko Sed!!!" Sabi ko sabay palo sa braso niya, tinawanan niya lang ako. "Uwi na nga tayo!" Sabi ko sakanya sabay irap.

"Order muna ako ng inumin, para hindi ako antukin pauwi" Tumango na lang ako at nagorder na nga siya.

"So, kamusta naman gig mo kanina?" Tanong nito sakin, sa buong pamilya namin siya lang ang nagsusuporta sa pag kanta ko. He loves it when I sing. Siya lang ang may tiwala sa kakayahan ko.

TalaWhere stories live. Discover now