Dagli SE1: Magkahawak-kamay

594 0 0
                                    

Isa...







Dalawa...










Tatlo...




Tatlo. Tatlong kanta na ang natapos, pero wala pa ring nakaka-alam kung nasaan ako.

Sampu. Sampung minuto na ang nakalipas...simula ng makulong ako rito.




Wala pa ring nakakahanap sa akin.






Niyakap ko ang aking sarili dahil malamig sa loob ng bodegang ito...

Narinig ako ng mga yapak ng paa na paparating sa kinaroroonan ko.

"Claire? Nandyan ka ba?"

Isa...

Isa sa mga boses na gusto kong marinig sa mga panahong ito.

"Oo! Nandito ako! May tao ba dyan?!" Sigaw ko habang papalapit sa pintuan ng bodega.

Nakarinig ako ng pagtunog ng doorknob at bumungad sa akin ang postura ng isang lalaki na nakatayo sa may pinto at hinahabol ang kanyang hininga.

Hindi ako nagdalawang isip na yakapin sya.

Niyakap ko sya ng mahigpit na tila ba ayaw ko nang bumitaw.

Nang hindi ko namamalayan, umiiyak na pala ako.

"Shh. Tahan na...wag ka nang umiyak. Sorry kung ngayon lang kita nahanap."

"Natatakot ako...Jay. Akala ko wala nang makakahanap sa akin."

"Tumahan ka na. Ligtas ka na ngayon. "

Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin...ngunit hindi sya bumitaw sa pagkakahawak sa aking kamay at mas lalo pang hinigpitan.

Pinunasan nya ang aking mga luha at sinamahan ako papunta sa school clinic.

Kinuha nya ang kanyang cellphone at tinawagan ang president ng aming classroom.

"Aalis lang ako saglit. Babalik ako mamaya. Parating na dito si Ms. President. " sabi nya sabay bitaw sa aking kamay.

Sinilip ko ang mga tao sa labas ng school clinic. Tanaw na tanaw ko syang kasama ang mga taong nagkulong sa akin sa bodega.

"Niligtas mo ano?" Tanong ng lalaking kaharap nya.

"Anong niligtas? Nakita ko syang lumabas sa bodega at saktong kailangan kong magpanggap na tutulungan ko sya. Hindi ako magliligtas ng babaeng katulad nya! Ang gusto ko lang ay itueing akong mabait ng mga taong nasa paligid ko...lalo na ang makakuha ng recognition sa teacher."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.

Nagsisisnungaling lang naman sya eh.

Alam kong sinadya nya akong iligtas kanina...

...sadyang ayaw nya lang malaman ng iba na gusto ko sya at gusto nya ako.

Magkahawak nga kami ng
kamay...

Hinahawakan nga niya ang aking kamay...

Ngunit ganoon lang iyon...pag walang ibang nakakakita.

》》》

Facebook: Charliette Mae Kim

~Penpen

Dagli SE1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt