Prologue

3 0 0
                                        

"So pumila na kayo sa labas dahil aalis na tayo. Walang maiiwan dito. Lahat ng estudyanteng pumasok ngayon ay obligado para sumama sa simbahan sa ayaw nyo man o sa gusto. Naiintindihan ba ninyo?" Si maam baltazar yan. Adviser namin, tumango na lang kami ng kaibigan ko at nagligpit na ng mga gamit namin.

Nagtataka kayo noh? Sa simbahan kami pupunta kung gusto ninyong malaman. Ika-21 na kasi ngayon ng marso. At ngayon din namin idadaos ang thanksgiving mass. Para saan? Para magpasalamat sa lahat ng mga dinanas namin sa buong school year. Pati nga nung araw na nabugbog ako sa aking eskwelahan ay ipinagpasalamat ko pa eh. Bait ko no?

Nang matapos akong magligpit ng gamit ko, umupo na ako nang maayos at inilibot ang tingin sa buong silid aralan. Apatnapu't siyam kami sa seksyon namin. Sa King Walden University ako nag aaral, sa katunayan isa ako sa pangkat Amity. Yun, yun ang tawag sa aming mga estudyanteng nasa unang ranggo ng seksyon. Nasa ika-anim na baitang ko na rito at masasabi kong madami na akong naging kaibigan sa lugar na ito.

Napatigil ang aking mata sa isa kong kaklase. Sa isa kong lalaking kaklase. Si Ralp Jacob Rentoria. Ang nag-iisang lalaking hinangaan ko simula pa nung makatungtung ako ng unang baitang.

Madami akong naging kaibigan sa seksyon namin, ngunit karamihan sa kanila ay babae. Hindi ko idinidiklarang kaibigan si Ralp para sa akin. Ni hindi ko nga sya nakakausap eh. Sya ang tinaguriang dakilang Snob ng aming pangkat. Halos tatatlo lang ang kinakausap ni Ralp sa buong seksyon. Wala rin syang pakialam kahit na mamatay ka sa harap nya. Ngunit kahit ganoon isa parin ako sa mga tagahanga nya.

Kinuha ko ang telepono ko at inihanda na para kunan ng litrato i Ralp ng may bumatok sa akin, Si Angelica Polan. Isa sya sa mga matalik kong kaibigan. "Pinagnanasaan mo na naman si Ralp, Tsk!" Parang babala nitong paalala sa akin. Mapanakit at maldita si angelica, pero sa magandang paraan. Kaibigan ko sya mula noong ikaapat ko na baitang dito.

Transferee kasi sya noon. Mula kasi nung tumungtong ako sa paaralang ito, lagi akong nasa seksyon amity. Marami ang nagsasabi na kaya ako nanatili sa seksyon ko ay dahil paborito ako ng mga guro ko. Siyempre hindi ko sila pinansin. Lagi akong nakasuot ng earphone kapag ako ay dumadaan sa mismong entrada ng unibersidad na ito. Lagi kasi akong nakakarinig nang kung ano anong bagay tungkol sa akin.

Kilalang kilala na nga ako sa paaralang ito eh. Lagi daw kasi akong nagyayabang nang kung ano ano. Minsan nga muntik na akong mamatay sa bugbog eh. Pero may nagligtas sa akin.

At sya yun.....

Si Ralp.

mapapansin kaya ko ng crush kong snob?
Ako si Scarlet Caliber at ito ang love story ko.....

A/N: uhmm.. Ang storyang ito ay hango po sa buhay ko. Sana po ay magustuhan nyo.

Non-fiction, action, at teen fiction po ang kanyang category

Flashback story alert!!!!!!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SNOBWhere stories live. Discover now