Special Chapter

1.7K 36 1
                                    

Kathie's POV.

Kasalukuyan kaming nakahiga ngayon ni Gael sa kuwarto. Kanina pa kami gising pero ayaw niya pa kong patayuin, mahigpit ang yakap niya sa akin kaya hindi rin ako makapalag.

“Love, magluluto na ko ng breakfast.” malambing na bulong ko sa kaniya.

“Hmm… mamaya na. Dito ka muna,” wika niya habang nakapikit at sumiksik sa dibdib ko.

“Ano ka ba, para namang kahapon lang tayo ikinasal eh 5 years ago pa ‘yon oh.”

He chuckled. “I know, hindi ba pwedeng na-miss lang kita?”

“Aysus, palagi naman tayong magkasama.” napapairap na tugon ko upang itago ang kilig.

“Mommy!!!” nagulat kaming pareho nang may malakas na pagkatok sa pinto kaya dali-dali kaming tumayo.

Nagmadali naman akong maglakad patungo sa pintuan at saka iyon binuksan. “Oh? Baby, why are you crying?” bungad na tanong ko sa anak ko at pinunasan ang mga luha niya.

Bahagya muna siyang humikbi bago sumagot sa akin. “Si kuya… inaaway ako,” sagot niya habang umiiyak.

Napailing ako at binuhat siya, “Skye! Bakit mo naman inaway ‘tong si Scarlett?” saway ko nang mapuntahan ang kuwarto nila. Iisa man ng kuwarto ang kambal, pero magkaiba naman ang kama nila.

“Eh kasi naman, Mommy, pinapakialaman niya laruan ko e.” pagdepensa nito sa sarili.

“Hay nako, itabi mo na lang yung laruan mo kung ayaw mo ipahiram, hmm?” ibinaba ko si Scarlett na agad namang nagpunta sa mga nakakalat niyang laruan, habang si Skye naman ay nakangusong nagpatuloy sa paglalaro.

“Love, anong nangyayari sa kambal?” tanong ni Gael kaya nilingon ko siya.

“Nag-away na naman dahil sa laruan,” naiiling kong tugon.

“Mommy! Mommy! Nasira yung doll ko oh,” pagsusumbong ni Scarlett at tumakbo palapit sa akin upang ipakita ang nasirang manika.

“Bakit nasira?”

“Naupuan ni kuya,” nakanguso niyang tugon at nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mga mata niya.

“Don’t worry, bibili tayo ng bago mamaya, okay? Huwag ka na umiyak,” masuyong sabi ko at sunod-sunod naman siyang tumango.

“Hmm! Thank you, Mommy!”

Bahagya na lang akong napangiti at tumango, “Sige na, play ka na roon.” sinunod niya naman ako at tumakbo pabalik sa mga laruan nila.

Mga bandang hapon ay pumunta kaming apat sa mall para bumili ng toys nila at para na rin makapaglibang sila nang hindi ma-bore sa loob ng bahay.

Habang naglilibot kami ay nakasalubong namin si Joseph at napansin na may kasama siya. After kasi naming ikasal ni Gael ay nagpaalam siya na pupunta muna sa ibang bansa kaya matagal na ring hindi nagkikita ang magkaibigan.

“Uy, Dude! Kumusta na?” masayang bati ni Joseph kay Gael nang makita kami at binati rin naman ako.

“Maayos naman, Dude. Ikaw ba?” tugon ni Gael.

“Maayos lang din naman,” napansin niya ang kambal kaya itinuro niya sila na halatang namangha, “Oh. Iyan na ba yung kambal?”

Tumango ako habang nakangiti, “Yeah, sina Scarlett at Skye.” sabi ko.

“Ang lalaki na pala! Sorry, hindi ako nakapunta sa binyag nila no’n. You know, nasa ibang bansa pa kasi ako no’ng mga panahon na ‘yon,” paliwanag ni Joseph.

Rental GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon