Kabanata 1

24.2K 317 9
                                    


Note: Read first the PROLOGUE part.


After lunch pa lang ay nasa mini-living room na ako ng clinic habang hinihintay ang scheduled time ko. Napansin kong tatlo pala ang assistant ng Jharis na 'yon.

"Magkano kaya ang ganyang hair color, Ma'am?" tanong ng isa na parang mas may edad pa sa nakausap ko last week.

"Three thousand pero may two thousand rin naman sa ibang parlor."

Nagpa-highlights kasi ako. Bawat isa sa amin ay may allowance kaming twenty five thousand every week. Yes, every week. Malaki talaga pero parang binabayaran na rin kami para sa mission namin.

Napabuntong-hininga ang babae at parang nag-iisip.

"Gusto mo yung ganitong kulay?" I asked her.

"Pero hindi ako sure kung bagay yung ganyang kulay sa akin. Siguro yung golden brown lang na highlights kasi kung ash gray rin katulad ng sa'yo, hindi na talaga bagay sa akin 'yan, Ma'am."

Kinuha ko ang wallet ko at dumukot ng tatlong libo. Namimilog naman ang mga mata nito nang inilahad ko ang pera sa kanya.

"Sponsor ko na lang sa'yo. What's your name?"

"Hala, salamat po talaga Ma'am! Efe ang pangalan ko," excited na sagot nito.

Napansin ko namang napatingin sa amin ang dalawang kasamahan nito.

I smirked. Mas maganda kung magpapa-feeling close ako sa kanila para naman may matatanungan ako tungkol sa Jharis Clarkson na 'yon.

Hiningi ko rin ang number nito. At agad rin namang ibinigay.

Patingin-tingin ako sa relo ko. Ang tagal namang mag-a-alas dos. Nakakaantok naman maghintay. At dahil sa antok, hindi ko na namamalayan na nakaidlip pala ako habang nakasandal sa sofa.

Napahikab ako nang maramdamang may mahinang yumuyugyog sa akin. But I gasped soundly when I realized that this is not my room.

"Hala!" sambit ko nang mapatingin sa relo.

Mas natigilan pa ako nang makita ang lalaking nasa harap ko katabi ang assistant nito.

"Uhm, sorry Doc."

He just nodded.

It felt so weird. I just don't really want to call him Doctor Clarkson. Kung pwede ngang Jharis na lang pero masyado namang feeling close pakinggan.

Nahiga na ako sa dental chair. He checked my teeth and just nodded.

"Wala namang problema kaya pagkatapos ng cleaning ay pwede na nating lagyan ng braces," he said.

I shook my head that made his forehead creased.

Kung agad-agad lalagyan na ako ng braces pagkatapos ng cleaning, it means hindi na ako makakabalik pa dito. Babalik nga pero isang beses sa isang buwan lang naman. At matagal pa 'yon.

"Huwag mo munang i-cleaning agad. I really wanted my teeth and gums to be carefully checked just to assure that I don't have any existing oral health issues," agad kong wika.

"You want a panoramic dental X-ray?"

"Uh, kada ngipin ba 'yan o lahat na ng ngipin ang makikita?"

Chase The GunOn viuen les histories. Descobreix ara