Preface and Episode 1: Plot

933 9 4
                                    

Word: Antique

Preface/Author's Note/Panimula/Introduction

Una sa lahat, ito pong guide (o storya) na ito ay pawang katuwaan lamang. Pangalawa, kung ang mga mababanggit ay pamilyar sa inyo... ORAS NA PARA MAG-ISIP-ISIP kung maganda pa ba ang ginagawa niyo (o kung tama pa ba). Pero hindi ko rin sinasabi sa inyo na baguhin niyo ang storya niyo. 'Ayusin' ang mas tamang term, no? Improve it.

At ang panghuli sa lahat... drum roll please... tinatawag ko itong 'guide' na ito bilang 'crack'. Crack po ay sa madaling salita... medyo walang sense at pure humor. Meron din namang tinatawag na 'crack pairing', pero sa susunod ko na ipapaliwanag iyon. Basahin niyo na lang para malaman niyo.

Sa mga authors: No, hindi ko sinasabi na baguhin niyo ang story niyo. I'm just making an observation. So, kung medyo ring a bell at feeling niyo na-ooffend na kayo, I'm sorry. Let me remind you again, this is made solely for fun purposes! So 'wag ma-ooffend, gawain ko rin naman ito eh.

At dito na nagtatapos ang mahaba kong introduction. Enjoy the guide. But before that...

Kung itong episode na ito ay dedicated sa iyo, 'wag kang mag-alala, hindi ako nagkakamali na ikaw ang napili ko (kahit hindi tayo magkakilala). I'm doing a game. Per episode, mayroon akong isang random word, at kung sino man ang unang lalabas sa dedication/discovery box, sa kanya ko ide-dedicate ang episode... maliban na lang kung ang next episode ay gusto kong idedicate sa iba. (Full details on my profile)

Episode 1 : Plot

Ang unang daan para makagawa ng istorya (walang kwenta man o hindi) ay plot. Ala nga namang magsulat ka ng storya kung wala itong plot, 'di ba? Kahit nga itong guide na ito ay may plot eh. Pero ano nga ba ang mga dapat mong gawin?

1a. Think of the main plot.

Seriously, maraming uri ng plot, pero may tinatawag na main plot, 'di ba? Siguro naman alam mo kung ano ang main plot. Pero kung hindi, let me explain:

Main plot - ito ang pinaka-plot mo. Main nga, 'di ba? Dito iikot ang storya mo.

Paano mo malalaman kung main plot ang plot mo? Una, make your plot overly cliché. As in, super overused na iyong plot, na halos to the point, eh alam mo na ang susunod na mangyayari, isama mo pa ang ending.

Pangalawa, follow the trend. Basahin niyo na lang ang second example para maintindihan niyo.

E.g. 1

Boy meets girl. Opposites attract daw. So si girl tahimik-to the point na nerd na siya ng school- tapos poor, magaling sa academics... then si boy naman gwapo, rich, popular, ladies' guy... etc. etc. Things happen, somehow na-end up sa isang bet. Kailangang paibigin ni boy si girl, na ang nangyari naman eh si boy ang na-in-love... nalaman ni girl.

Then insert the overly used drama here. Iyak si girl, habang nirereveal niya feelings niya... sinasabing, "Akala ko pa naman totoo ang mga ginawa mo... iyon pala ang lahat ay laro lang para sa iyo!" or something along those lines.

Itong engot na boy (pasalamat ka handsome ka) naman eh sinusubukang magpaliwanag, parang ganito: "No, (insert girl's name here), it's not like that. Aaminin ko sa una, bet nga lang ang lahat, pero ng makilala kita, nagbago na ako!"... tapos siyempre ang pangit kung doon lang magtatapos ang lahat, 'di ba?

Ayaw maniwala ni girl, kasi determinado siyang lahat ng sinasabi ni boy eh pawang kasinungalingan lamang. Aalis si girl, tatakbo palayo kay boy, habang si boy susubukang habulin siya, pero may pipigil sa kanya. Kasi, aminin man natin, boring kapag ganoon lang ang nangyari, 'di ba?

So ang mga epal na buddies ni boy singit naman sa self-pity session ni boy. Insulto si girl right here and there, asarin si boy dahil na-in-love siya sa isang ugly girl... tapos syempre, galit si boy. Sapakin isa sa buddies (iyong tumawag ng ugly kay girl) tapos sabay walk-out.

Guide on How to (not!) Write a Perfectly Great StoryOn viuen les histories. Descobreix ara