Hinubad ko na muna ang gown dahil kailangan ko munang maligo. Pagkatapos ay nag-ayos na rin ako ng buhok at mukha nang maisuot ko na ‘yon after kong maligo.

Habang nagsusuot ng sapatos ay bigla akong nakarinig ng busina ng sasakyan kaya binilisan ko na ang pagsusuot nito bago kinuha ang clutch purse ko at pagkatapos ay bumaba na.

“Manong, ikaw na ba ‘yong susundo raw sa‘kin?” tanong ko sa isang driver pagkalabas ko ng bahay.

“Opo, Ma'am.” sagot niya at pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse. Nagpasalamat muna ko bago pumasok sa loob at nag-drive na siya patungo sa venue matapos niyang umupo sa driver’s seat.

Pagkarating namin sa venue ay pinagbuksan niya ko ulit bago ako lumabas sa kotse, tulad kanina ay nagpasalamat muna ko bago tuluyang bumaba. Pagkatapos ay naglakad na ko papasok sa venue, napansin ko ang dami ng tao at ang mga kulay ng suot nila.

Nagtaka ako dahil parang ako lang ang nakaputi sa venue na ‘to. Bigla naman akong kinabahan at nag-alangan na baka mali ang venue na napuntahan ko. Huminto ako sa paglakad at talagang tinitigan ang mga suot nila, nakumpirma kong nag-iisa nga lang akong nakaputi.

Hahakbang na sana ako palabas ngunit biglang may sumalubong sa akin na staff.

“Good evening, Ma'am. Hatid ko na po kayo sa table niyo. This way po,” tumango na lang ako at hindi na nakatanggi dahil nahihiya ako. Itinuro niya naman sa’kin ang daan papunta sa table.

“Thank you,” wika ko at nginitian siya.

Ngumiti rin siya sa akin pero makahulugan, “Good luck po.” ang sabi niya bago siya umalis sa harap ko. Hindi na ko nakapagsalita at pagkunot na lang ng noo ang natugon ko mula sa narinig.

Good luck? Para saan?

Nang makakita ako ng waiter na nagse-serve ng red wine ay kumuha ako ng isa.

“Okay, everyone. ARE. YOU. READY...?!” bahagya akong nagulat nang makarinig ng nagsalita sa mic. Hindi ko kasi expected na may paganoon agad.

“YEAH!!!” sigaw naman ng mga tao maliban sa akin.

“Okay! Let's start!” pagkasabi no’n ng kung sino mang nagsasalita ay namatay lahat ng ilaw at biglang nanahimik ang buong paligid.

Ilang saglit pa ay bigla akong nakarinig ng tunog ng instruments.

If you're not the one
Then why does my soul feel glad today?
If you're not the one
Then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine
Then why does your heart return my call
If you are not mine
Would I have the strength to stand at all.

Pamilyar ang boses ng kumakanta kaya hinanap ko ngunit wala akong makita dahil sa sobrang dilim ng paligid.

Maya-maya lang ay may biglang tumapat sa akin na spotlight.

Wait, this is kinda familiar…

I'll never know what the future brings
But I know you're here with me now
We'll make it through
And I hope you are the one
I share my life with.saglit na huminto ang kumakanta at may isa pang spotlight na tumapat sa taong di-kalayuan sa akin.

I don't want to run away
But I can't take it,
I don't understand
If I'm not made for you
Then why does my heart
Tell me that I am?
Is there any way that
I can stay in your arms?doon ko napansin na iyon ang may hawak ng mic. Hindi ko makita yung mukha niya dahil sa distansya namin.

Rental GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon