Chapter Four

24 4 44
                                        

Raven's POV
Lumipas ang tatlong oras at andito na kami sa mansion.

Nakatingala lang ako at pinagmamasdan ang napakalaking bahay sa harap ko. Ganitong ganito pa rin iyon kahit noong bata palang ako. Walang pinagbago. Pero syempre joke lang yun. May pinagbago kaya siya. Sa loob nga lang ng mismong mansion. Yung sa labas, ganung ganun pa rin.

Dati kasi old style ang mansion na 'to eh. Marami pang antique na kagamitan ang naka-display. Pero ngayon pang modern na siya. May elevator na rin para kapag tinamad kang akyatin ang napakahabang spiral staircase, hindi ka na mapapagod. Ghad. If you're curious about how big the mansion is, I could say that it is VERY BIG. It has five floors and I think 25 rooms? Dunno. Nakalimutan ko na. Hehe.

Nakita kong nakahilera ang mga kasambahay sa ibaba ng hagdan. Nasa unahan ang isang matandang kasambahay. Nakangiti ito ng malawak at marahan itong nagtungo sa kinatatayuan ko.

"Welcome home, Ray, ija," naiiyak na wika niya. Nagtataka ko siyang tinignan dahil sa facial expression niya. Why is she at the peak of crying when it's only our first time to see each other?

"A-Ah, s-sino po k-kayo?" Tanong ko. Medyo nawala ang mga ngiti niya sa labi at gulat pero nagtatakang tinignan si Mang Resty, yung driver na sumundo sakin kanina na nasa likod ko lang naman. Agad naman itong lumapit sa kaniya at may ibinulong. Napaawang naman ang bibig ng kasambahay at dahan dahan naman itong tumango na animo'y nakuha niya ang ibig sabihin ng sinabi ni Mang Reto.

Muli itong humarap sa akin at nagpakilala.

"Ako si Manang Melba, Ray. Ang tagapag-alaga sa iyo," nakangiti nitong wika sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at inilahad ang aking kamay.

"Nice meeting you po, Manang," sagot ko.

Pinakilala niya rin sa akin ang iba pang mga kasambahay sa mansion. Pagkatapos ng pagpapakilala ni Manang sa kanila, nagsi-alisan na rin ang mga kasambahay.

I immediately went to the dining room to see the table filled with food.

Wow.

Mauubos ko kaya 'to lahat? Parang halos lahat ng tao rito sa mansion ang kakain dahil sa dami ng nakahain sa mesa.

I just shrugged then took a sit. Kumain na rin ako.

After ko kumain ay dumiretso na rin ako sa kwarto ko na itinuro ni Manang. Nag-shower ako at nagpalit na ng loose t-shirt at pajama. Mas komportable kasi ito lalo na at matutulog na.

Humiga ako sa kama at ini-on ang laptop ko. Nang mai-on ito, agad akong nag-log in sa Skype at nakitang naka-online si Kuya Hate. Himala nga at online ito. Eh hate kaya niya ang social media. Malay ko kung bakit. Gumawa lang talaga siya ng accounts niya para daw kunwari cool. Tsk. Bagay sa kaniya pangalan niya. Hate Niccolo Rade.

I tapped the video call button since gusto ko nga naman siya makausap. He immediately answered it.

"Hey, Venny! How are 'ya?" Masiglang tanong niya sakin. Halatang halata sa boses niya na masaya siya at tumawag ako. Ngumiti ako at kumaway sa screen.

"Hello, kuya H! I'm fine!"

"Hmm. How's Philippines?"

"Syempre Pilipinas pa rin, kuya! Asan sila Kuya Mate, Kuya Late, Kuya Light at Kuya Dark?"

Ngumiti ng pagkatamis tamis sa akin si Kuya Hate and in just a blink of an eye, andun na ang mga pangalang binanggit ko.

"Hello bunsooooo!" They shouted in unison. I looked at them carefully and noticed something.

"Where is Kuya Late, mga Kuya?" I asked.

Isa rin yun. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan niya. LAGI RING LATE EH.

"Yiiee si BP hinahanap akooo," biglang sabi ng kung sino. Napatingin ako sa gilid nila at nakita kong andoon si Kuya Late. Nangingiting napailing naman ako.

"Sira. Hahaha," I laughed.

"So, how's you're flight, bro?" Kuya Mate asked.

"It was fine. Medyo pagod lang," sagot ko. They all nodded their heads and looked at each other meaningfully. Mukha tuloy silang baliw.

"Sila mama?"

"Wala sila. Nasa France," sagot ni Kuya Dark.

"Eh? Ano ginawa doon? Naglabing labing?" Tanong ko. Minsan lang kasi mag out of the country sila mama at papa ng magkasama kasi pareho nilang pinapatakbo ang mga kompanya namin. Sa ibang bansa si mama at sa ibang bansa rin si papa, something like that. Madalang lang talaga silang magkasamang mag out of the country, as in. Tanging sa bahay nga lang sila nagkakasama at naghaharutan sa tuwing umuuwi sila eh. Haaay.

"Probably. Tagal na rin kaya nilang hindi naglalabing labing," sagot ni Kuya Mate. Nang tignan ko siya ay nakalagay na ang index finger at thumb sa baba niya na animo'y may iniisip. Nangingiti nalang muli akong napailing.

"I miss you guys so much already," I suddenly exclaimed. Totoo naman eh, miss na miss ko na sila kahit pa ilang oras palang kaming hindi nagkakasama.

"Aww," sabay sabay na sambit nila. Pansin na pansin mo ang pagkislap ng mga mata nila, na ang ibig sabihin naman nito ay naiiyak na sila.

"Tigil tigilan niyo nga ako dyan sa drama niyo, mga kuya. Di niyo bagay," sabi ko sa kanila at pinaikot ang aking mga mata. Napasimangot naman sila ng sabay sabay na siyang ikinatawa ko.

"Babye na nga bunso. Tampo kami sayo! Hmp," Kuya Dark said and turned his back as if he's going to leave already.

"Kaya nga. Ahetyu na. Bleeeh," sabi naman ni Kuya Light at nagbelat pa na parang bata sabay takbo.

Napailing iling naman ang tatlo ko pang mga kuya dahil sa panganay na kambal At nagpaalam na rin sa akin.

Nag-log out naman na ako sa Skype at pinatay na ang laptop ko sabay lagay nito sa ibabaw ng study table ko at bumalik na ulit ako sa pagkakahiga sa kama ko.

Ilang minuto akong nakatitig sa kisame. Iniisip ang mga bagay bagay.

Pero ang totoo, wala talaga akong iniisip.

Napabuntong hininga na lang ako at kinuha ang cellphone ko sa side table ng kama para tignan ang oras.

11:58 pm

Since hindi pa naman ako inaantok, in-open ko muna ang Messenger ko. Sari-saring chats naman ang pumuno sa chat box ko. Halos lahat ay mga messages lang nila na nagsasabing miss na nila ako at sana I'll keep in touch and such. Ibinalik ko nalang uli ang cellphone ko sa side table at sinubukang matulog. Di kalaunan nakatulog ka uli ako.

A Memory to Remember [ON-GOING]Where stories live. Discover now