Chapter 20: Secret Admirer

255 3 0
                                    

GRAEXIN

Sinabi ko kay kuya xavin lahat ng nangyari at tinawagan niya si leycie.

Buti naman at sumagot kaso hindi sila nagkausap ng maayos.

Dahil binabaan din siya ng tawag matapos ang mahabang sermon ni kuya ....

Nakikita ko naman siya sa school pero hindi man lang niya kami makausap o matignan man lang.

Matindi talaga ang galit niya samin.

Si viel nga hindi pa din mapakali dahil kay leycie. Gusto niya talagang humingi ng tawad dahil si viel ang matindi ang galit .. kaya sa pag sigaw at pananalita niya kay leycie ang dahilan din na alam namin kung bakit galit siya.

Naiintindihan naman namin siya kaso ang unfair niya. Kailangan pang umalis .

Sana nga talaga at mag bago ang isip na niya at umuwi na siya sa bahay ng matahimik na kami sa pamomoblema sa kanya.






LEYCIE

Pagkadating ko dito sa looban ng classroom ay bumungad sakin si jai at xyra na tili ng tili. Kainis nga eh. Hindi nahiya lakas pa ng bunganga.

Tapos may iniabot silang  boquet at chocolates..

Ano to? Pinagloloko ba nila ako?

"Anong meron?" Taka kong tanong ..

Anong balak nila at may pa flower and chocolate ?

"May nagpapabigay daw" sabi ni  jai at tumili .. nakakarindi ah.

Tsaka bakit nakikisabay tung taong nagpapabigay neto sa problema ko? Anong gusto niyang iparating? Flowers ang chocolates. Hindi nila ako maidadaan sa ganyan.

Umirap ako sa ere at tinignan sila.

"Sino naman?" Tanong ko

Ngumuso ang dalawa at nagkibit balikat. 

Kinuha ko yung maliit na papel at binasa ang naka sulat

Hai leycie ?! I just want to say good morning.  Hope you like it . I will not tell who i am but i hope this makes you smile .. from secret admirer

What? Secret Admirer? 

"Anong nakasulat? Hindi pa namin yan binasa huh?" Sabi ni xyra at tumawa

"Hindi daw niya sasabihin kung sino siya. Tsaka gusto lang niyang bumati ng good morning. Eh wala ngang good sa morning ko ngayon. " sabi ko at umirap

Kahit mahilo pa ako ng mahilo sa pag iirap ko basta trip ko lang

"From who?" Tanong naman ni jai

Tsk!

"From Secret Admirer" walang ganang sabi ko..

Tumawa sila

"Secret admirer? Ayiehhh.." -jai

"Uyyyy..." dagdag pa ni xyra

"Tsk! Wala. Hindi ko yan kilala at wala akong alam kung sino nga ang nagkakagusto sakin. Ngayon nga lang yan magbibigay ng ganyan eh." Sabi ko 

Tsk! Sorry nalang siya kase wala akong balak na sagutin siya.

May mahal akong iba. Ay mali may gusto akong iba. Hindi ko pa naman alam kung mahal ko na.

"Kahit na. Heto na yung makakatulong sayo para maka move on ka kay viel" -jai

Binanggit nanaman niya yung pangalan na yun.

"Hindi ko kailangan ng ibang tao para lang mawala yung feelings ko kay viel. Tsaka ginawa ko na ang salitang 'move on' pero hindi ko nagawa .. mas lalo lang along nasaktan. Hindi ko na ipag pipilitan ang sarili ko. Kung ano man ang nararamdaman ko , rerespetuhin ko nalang " sabi ko at aakmang ibabasura na yung binigay nila ng pigilan ako ni jai


"Hindi mo kailangan. Pero sana respetuhin mo din yung Secret Admirer mo dyan sa ibinigay niya. "- jai

"Pasalamat ka at naging inspirasyon ka niya. Yung leycie na maldita" xyra at tumawa

Kahit kailan talaga .
Namemersonal pa

"Sige na nga. Tatanggapin ko nalang ito" sabi ko at umupo na

"Mabuti yan para naman malaman ng secret admirer mo na nirespeto mo yang bigay niya" -jai

Ang daming alam huh?

"Oo na . " sabi ko

Paulit ulit pang binibigkas ang secret admirer huh?

Kung sino ka mang secret admirer thanks nalang dahil naging inspirasyon mo ako

'Minsan talaga kailangang magpasalamat sa taong nagbibigay galit man o saya sayo dahil nagiging inspirasyon ka'

Fell Inlove With My Brother's Bestfriend Donde viven las historias. Descúbrelo ahora