Chapter 30 [Status: Compl...]*

Start from the beginning
                                    

****

Friday na. 

Hindi na sila gaanong busy tulad nung Monday.

Kahit papaano ay humupa na ang tambak na gawain.

"Chessa, pag tinanong kita ng 'Wii you be my girl' anong isasagot mo?" Napatigil si Chessa pero naisip niya na naman ang madalas gawin.

Ang pant-trip at pamimilosopo sa binata.

"Mamatay ka na." XD

"Ano? Kaya mo yung sabihin sa akin?"

"Oo. Ilang beses mo ba gusto mo? 5? Mamatay ka na. Mamatay ka na. Mamat--"

"Aish! Bahala ka nga diyan!" Kung may hindi nagbago kay Charles, yun ay ang pagiging seryoso ng mukha niya lalo na pag napipikon.

Si Chessa naman ay naging ubod ng kulit lalo na nitong mga nakaraang araw. 

"Oy! Joke lang! Hmm. Alam ko na kung anong isasagot ko." Tinignan lang siya ng kausap na nag-aalinlangan pa sa isasagot ni Chessa dahil baka pamimilosopo ulit ito. "Siguro bago ako sumagot, dapat ka munang maghirap." Seryoso na sagot ng dalaga.

Ayaw naman niyang sabihin ang salitang 'Ligaw' dahil parang hindi ito angkop sa katauhan niya. Malay niya ba, pero yun ang naiisip niya.

"Okay. Paghihirapan ko talaga yan. Tara na!" Hinila na siya ng kasama habang siya naman naka nganga.

Hindi niya kasi inasahan ang sagot nito.

Medyo nakakahalata na si Charles kay Chessa na may gusto na ito sa kanya pero hindi niya naman ito masabi dahil baka mali ang hinala niya. Kaya naisip niyang dahan-dahanin nalang ito. At idaan sa tamang proseso.

"Ano yun?" Saka niya lang napagtanto na naka nganga siya nang tumigil si Charles sa paghila sa kanya. Nakita niya itong naka dungaw sa plantbox.

Dumungaw rin siya at nakita ang mga estudyante na nagmamadaling pumunta sa grounds.

"Anong meron?" Tanong nito kay Charles.

"Hindi ko rin alam. Kaya nga nagtatanong ako eh." (__.__") 

"Sabi ko nga! Bumaba rin kaya tayo para malaman natin?" Nag-nod lang si Charles at bumaba na sila.

Sinubukang hanapin ni Chessa ang iba pang mga kaibigan para magtanong.

"Uy! Ayun sila Kelly! Puntahan natin. Baka may alam sila." Bago pa sumang-ayon ay hinila na agad ni Chessa si Charles sa may kabilang hagdan kung saan naroon ang kabarkada.

Gangster's "I Hate You"Where stories live. Discover now