SMH 2

772 35 12
                                    


Sino nga ba si Antonio Paolo Navarete?

Isang binata galing sa mayamang angkan sa Mindoro na nagmamay-ari ng isang Safari Zoo na naging tourist spot na sa kanilang lalawigan at talaga namang dinarayo hindi lang ng kapwa Pilipino kundi maging ng mga banyaga.

Ulilang lubos at nag-iisang anak kaya naman solo niyang pinamamahalaan ang mga ari-ariang iniwan ng kanyang mga magulang noong sabay na mamatay ang mga ito sa plane crash.

Bente-uno anyos lamang siya noon. Ang mayordoma nilang si Nana Selya ang nagsilbing pangalawang magulang niya. Dito siya naglalabas ng saloobin kaya naman kilalang-kilala na siya ng matanda.

Sa pagnanais na mapasaya pa at dumami ang hayop na inaalagaan ng kanyang zoo ay napadpad sila ng matalik na kaibigan na si Taylord sa Cambodia kung saan prospect nilang makabili ng iba't-ibang klaseng ibon sa malinis na paraan.

Si Taylord ay isang veterinarian na nag-aral pa abroad. Marami din itong koneksyon kaya naman ito ang kinuha niyang doktor para sa kanyang zoo.

The night Taylord die was the day that they closed the deed of sale for a certain breed of bird.

Na sa kasamaang palad ay hinahabol din pala ng isang mafia boss sa hindi pa niya malamang dahilan.

Nagalit ito sa kanyang matalik na kaibigan at sinundan hanggang sa makorner ito sa isang kagubatan at walang awang pinatay.

Nagtatagis na naman ang bagang ni Antonio Paulo sa pagkakaalala sa kanyang kaibigan. Huminga siya ng malalim saka inubos ang laman ng kanyang kopita.

"Magbabayad ang kung sinumang may kinalaman sa pagpaslang sayo Taylord!", nagngingit-ngit na pangako ni Antonio sa sarili.

Saka niya naalala ang babaeng mahimbing na natutulog sa kabilang kwarto. Laking pasasalamat niyang siya ang nakakita dito bago pa man mahuli ng mga pumatay sa kaibigan.

Alam niyang malaki ang maitutulong nito sa pagbibigay hustisya sa kaibigan at alam din niyang nasa panganib na ang buhay ng dalaga.

Kaya naman pinapangako niyang siya mismo ang gagawa ng paraan para manatiling ligtas ang babae na pumupukaw sa kanyang damdamin.

Those strange feelings that is too foreign for him. Doon sa babaeng iyon lamang niya nararamdaman ang kakaibang kabog ng kanyang dibdib pag nadidikit siya dito. Sa kanya lamang siya parang pinapangapusan ng hininga sa tuwing nasa malapit lang din ito.

But no! He must restrain his self kung ayaw niyang magkanda-leche-leche ang buhay niya.

He learned his lesson when it comes to love department. At hindi na siya muling magpapatalo sa laro ng pag-ibig.

Not now. Not even in the future.

.....

Tunog ng telepono ang nagpagising kay Sey kinabukasan. Agad ang pagbalikwas niya ng bangon at hinahanap ang tumutunog.

She's just so glad that her things were placed in the bedside table.

Ang cellphone niyang patuloy na nag-ri-ring at ang kanyang camera.

She immediately ejected herself from the bed and gently hop to pick her phone.

"H-hello?", anas niya.

"Oh dear! I am so glad you already answer it! Where are you??", sambit ng nasa kabilang linya. Ka-team niya ito at kaibigan na rin dahil halos limang taon na rin niyang katrabaho ito.

"I'm sorry Cramie. I'm....", pansumandaling nag isip si Sey. "I'm with a friend."

"I see. I went to your hotel room last night but there's no one to be found. I just got worried."

Forever Love Series 4: Stolen My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon