Chapter 20 & Epilogue

Comenzar desde el principio
                                    

Galit na galit na sumigaw si Prosfera. “Mga kawal! Patayin ang mga estudyanteng kumakalaban sa akin!” Agad naman na kumilos ang mga kawal na naroon.

Ngunit hinarap sila nina Evrio, Miya, Hamir at Jareth. Nakipaglaban ang apat sa abot ng kanilang makakaya. Punung-puno naman ng kasiyahan ang aking puso dahil ang akala ko ay papabayaan na lang nila ako at hahayaan na mamatay. Hindi pala. Kaibigan pala talaga ang turing nila sa akin dahil kahit alam nilang mapapahamak sila sa paglaban kay Prosfera ay ginawa pa rin nila.

Muling humarap sa akin si Prosfera. “Huwag ka munang magsaya, Kanika!” Ikinumpas niya ang kanyang kamay at sa isang kisapmata ay napuntang muli sa kanyang kamay ang espada. “Paalam, itinakda!”

“Prosferaaa!!!” Isang malakas na sigaw ng lalaki ang nagpahinto sa alteza para saksakin ako.

Mula sa kalangitan ay nakita naming lahat ang mga Ligero na nakasakay sa walis at papasugod sa Enchanted Academy. Pinangungunahan iyon ni Calvin at nina Haring Davidson at Reyna Jadis!

Tinira ni Calvin ng bolang enerhiya ang hawak na espada ni Prosfera at nabasag iyon na parang isang bubog. Tumama pa ang ilang piraso niyon sa mukha ng alteza kaya nagkaroon ito ng munting sugat sa pisngi. Nangigigil na gumanti si Prosfera sa pamamagitan ng pagbato rin ng bolang enerhiya pero nakaiwas ang mga Ligero.

Isa-isa silang bumaba sa lupa habang nagtatakbuhan na ang mga estudyante na nanonood kanina para magtago. Napaaraming Ligero ang dumating para ako ay iligtas. Sa tingin ko ay lahat ng kawal namin ay kasama ng hari at reyna.

“Hindi kami makakapayag na patayin mo si Kanika na aming lira!” sigaw ni Haring Davidson.

“Tama ang hari! Tatapusin na namin ang kasamaan mo, Prosfera!” dugtong ni Calvin.

“Isa kang tunay na taksil, Calvin! Isa kang Osoru ngunit umanib ka sa mga duwag na mga Ligero! Tunay ngang nararapat na ikaw ay itakwil ng aming lahi!”

“Matagal ko nang kinalimutan ang pagiging Osoru simula nang ikaw ay mabuhay, Prosfera!”

“Ligero! Sugoood!!!” sigaw ng hari.

Parang mga langgam na sumugod ang mga kawal ng Ligero. Si Prosfera naman ay gumawa ng malaking itim na usok at mula doon ay lumabas ang kawal na kasing dami ng kawal ng Ligero. Naglaban ang mga iyon habang si Calvin ay si Prosfera ang pinuntirya. Lumikha siya ng espada at ganoon din si Prosfera. Inilayo ni Calvin sa akin ang alteza. Sa pagkakataon na iyon ay nilapitan ako ni Hamir at tinanggal niya ang pagkakatali ko sa kawayan.

Nabuwal ako sa lupa pero naging maagap naman siya para ako ay saluhin.

“Kanika, salamat sa Bathala dahil ikaw ay buhay pa…” Naluluha niyang sabi.

“H-hindi pa ako pwedeng mamatay, Hamir. May tungkulin pa akong dapat gampanan dito sa Erkalla.” Pinilit kong ngumiti sa kabila ng paghihirap.

Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay at lumikha siya ng shield na nakabaikot sa aming dalawa. “Hindi ka na nila masasaktan hangga’t hawak kita. Dito lang tayo, hihintayin natin ang hatinggabi hanggang sa sumapit ang iyong kaarawan. Sa ngayon ay hindi ka pa ligtas kay Porsfera dahil wala ka pa sa edad na labingwalo…”

“Maraming salamat, Hamir…”

“Kumapit ka lang, Kanika. Hinding-hindi kita iiwanan. Mahal na mahal kita!”

Natigilan ako sa sinabing iyon ni Hamir. Mahal niya ako? Tama ba ang aking narinig? O baka naman dahil sa nanghihina ako kaya kung anu-ano ang aking naririnig.

“Bakit hindi ka makapagsalita diyan? Hindi ka ba naniniwala na mahal kita?”

Hala! Totoo nga ang aking narinig kanina. Mahal ako ni Hamir!

Enchanted Academy (Book 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora