LC#2

10.1K 199 35
                                    

LC stands for Last Chapter. Mahabang last chapterXD

LC#2

LEANNE

 

Nandito ako sa may terrace ng bahay kung saan kita yung dalampasigan.

Tanaw na tanaw ko yung bangkang gamit namin kanina papunta dito. Maganda nga ang lugar na ito tulad ng sabi ni Jin. Pagkababang-pagkababa ko pa lang kanina may naramdaman na agad ako.

Isang pakiramdam na kuntento at matiwasay…marahil siguro dahil sa kwento ni Jin tungkol sa lugar na ito.

Sinong niloko ko kung sabihin kong tumitingin lang ako sa View. I'm here waiting for him. Naghihintay ako  sa taong matagal na akong binitawan.

Ilang beses na ba akong nasabihan ng mga tao sa paligid ko na tama na ang pagiging tanga ko. Tama na ang pagpupumilit ko sa sarili ko sa isang taong kinalimutan na ako.

Masakit ang katotohanan pero gusto ko pa ring subukan. May bukod tanging tao lang ang naiintindihan ang nararamdaman ko at iyon ay si Jin. Kahit na anong pigil sa akin nung iba nandyan pa rin siya at sinasabihan akong ituloy mo lang. Sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo.

 

"parte ng buhay ang masaktan Leanne pero ang pagsuko hindi sa lahat ng oras ginagawa."

Tanda ko pa ang mga salitang binitiwan niya dati sa akin.

Posible kayang magkaroon rin kami ng magandang alaala sa lugar na ito?

“Don’t think too much Leanne” napalingon ako kay CJ tsaka ngumiti.

“where’s Kylie?” nakangiting tanong ko.

“tulog” simpleng sagot niya tsaka tumingin sa dalampasigan. Mukhang napagod sa byahe si Kylie ah…

"iniintay mo ba siya?" nilingon ko si CJ  walang bahid ng kasiyahan sa mukha niya. Ngumiti ako.

"hanggang kailan mo ba hihintayin ang taong wala ng kasiguraduhan?"

"hanggang sa matanggap na ng puso ko na wala na talaga..." sambit ko.

Matagal din namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"paano kung tanggap na ng puso mo na wala na talaga tapos mayron naman pala. Sa lahat ng oras na akala mong wala na ay yun pala may kwenta pa..." tumingin ako sa kanya kaso sa dalampasigan ang tingin niya.

"alam ko mapaglaro ang kapalaran CJ pero minsan sa paglalaro nito nalalaman natin ang mga hangganan ng mga bagay-bagay. Katulad na lang ng pagmamahal niya sa akin...naabot na nun ang hangganan nito." masakit man sabihin pero iyon ang katotohanan.

Umpisa pa lang naman tanggap na ng puso ko na wala na talaga...pero may parte sa akin naghihintay lang ng sign para huminto na ako at iyon ang hinihintay ko.

E.N:DUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum