7 LETTERS [One-Shot]

2.1K 64 22
                                    

[Property of: keinilene]

[A/N: Gusto ko lang pasalamatan ang aking butihin best friend na si Rizel sa pagtulong sa akin na gawin ito. Actually, karamihan sa kanya galing ang mga pick-up lines sa istoryang ito. Ahihihi! Korni man, pero nakakakilig! :""> Thanks RIZEL! MMMWWAAAHHH!!! (* 3*)]

*******

Danica,

Miss sa FEU ka ba nag-aaral? Kasi TAMAraw na mahalin kita!

-brokenlove-

*******

Ewan ko ba kung kikiligin ako o tatawa sa mga nabasa ko ngayon. Pero kahit korni ang pick-up lines niya, kinilig ako! Ahihihi! Ito kasi ang first time na may nagbigay sa akin ng 'LOVE LETTER' (I guess :">) kaya naman kinilig ako at sa locker ko siya nakita. Kahit nakasulat lang siya sa isang pinunit na papel galing sa notebook, di ko maiwasang ngumiti sa nilalaman ng sulat na ito habang naglalakad ako sa may hallway at sa tingin ko, iniisip nila na baliw na ako kasi ngumingiti ako ng mag-isa. Aba pasesya naman, first time lang ako makatanggap nito! At the same time, sumagi din sa isipan ko na baka jinojoke time lang ako ng mga mapang-trip na estudyante. Sana naman hindi x >___< x

Hello guys! Ako nga pala si Danica Robles. A 4th year high school student. Sabi nila cute daw ako kaya naman nagtataka sila kung bakit walang naglalakas loob na magka-gusto sa akin. Hindi naman kasi ako attractive! Simple lang ako noh! Di ako kagaya ng iba na todo make-up at todo ayos ng sarili para lang makapagpa-cute sa mga crush nila.

"HEEEEYYYYAAAA!!!! Anong ningingiti-ngiti mo jan?! Baliw?" Bungad sa akin ni Lindsay pagkapasok ko pa lang sa classroom. Siya ang best friend ko :">

"Ehh kasi naman.... Look!" Pinakita ko sa kanya yung papel tapos umupo ako sa may upuan ko. Binasa niya ito at...

"YYYIIIEEEEE!!! Kinikilig ako kahit na korni yung pick-up lines niya!!"-Lindsay. Sabay hampas sa balikat ko.

"Kung maka-hampas WAGAS! (=o=)>"

"Teka! Bakit codename lang ang nilagay niya? Brokenlove? Sino kaya yun?"-Lindsay. Oo nga noh?! Sino kaya yung brokenlove na yun? (?___?)

"GOOD MORNING MGA CLASSMATE!! (^____^)V" Nagulat kami ng biglang sumigaw ang isa sa mga kaklase ko na nasa may pinto at hingal na hingal. Siguro tumakbo siya kasi malelate na siya.

"Good morning pre!! Nice one! Umabot ka!! Hahahahaha!" Sabi ng isa ko pang kaklase sa kanya.

Lumapit siya sa akin at...

"Good morning bhe! (^___^)/" Naka ngiti siya ng wagas sa akin, ako naman no reaction. Sabay-sabay nag-'yiiieeeee' ang mga classmate namin. Yung iba sumisigaw ng 'sagutin mo na yan!', 'bagay kayo!' etc.. etc.. Parang mga t@nga noh? Ang sarap ilibing ng buhay! =____=

Nga pala, siya si Marvin Doinog. Ang classmate kong EPAL! Hindi ko siya BF at talagang trip niya lang na tawagin akong 'bhe'. Ewan ko ba kung ano ang sumapi sa lalaking yan, palagi niya na lang akong inaasar. Yung asar na biglang magsasabi siya ng 'I Love You bhe!', 'Pa-kiss naman bhe!', 'Galingan mo bhe!!! Labyu!!' etc.. etc.. Baka abutin tayo ng siyam-siyam kapag nilagay ko lahat ng mga asar na lines niya sa akin. (=___=) Kung minsan pa nga tatabihan niya pa ako sa upuan ko at kukulitin niya ako na kung kelan ko daw siya sasagutin! Ang tanging sinasabi ko na lang ay 'Bakit, nanliligaw ka ba?' kaya naman bigla siyang natatahimik kapag sinasabi ko yun. Abnormal talaga ang lalaking ito!!

*******

Danica,

Ano ang pinag-kaiba namin ni Rizal? Si Rizal sa likod tinamaan, ako SAYO tinamaan!

-brokenlove-

*******

Weeee~ Kinikilig na naman ako. Sino ba talaga si brokenlove? Babae ba siya o lalaki? Seryoso ba siya o jinojoke time niya lang ako? Sa tingin ko naman, lalaki itong si brokenlove! Imposible namang babae, baka tomboy! O___O ERASE! ERASE! Di naman ako kagandahan para ma-tibo sa akin yung babae! XD By the way, this is his 2nd letter to me! At kinikilig na naman ako!! :"""">

SEVEN LETTERS [One-Shot] -Editing-Where stories live. Discover now