Bessy

3 0 0
                                    

Inuna kong pinasok ang bag ni Czarina sa locker namin bago ang bag ko. Sampung minuto na lang magsisimula na ang klase namin. Ako na ang nagbitbit mg mga libro namin pagkasarado ko ng locker namin. Si Czarina na nagdala ng mga binders namin na notebook. Kinuha muna ni Czarina ang maliit niyang Juicy cologne mula sa bulsa niya at naglagay nito sa mga kamay niya at ipinahid sa maputi niyang leeg.

Maririnig ang ingay ng ibang estudyante sa hallway na medyo nagmamadaling pumasok para hindi mahuli sa kani-kanilang klase.

Napansin kong hindi maayos ang pagkakasabit ng ID lace ko na hindi ko naman maayos dahil sa dala-dala ko pa ang mga libro namin ni Czarina.

Papaliko na kami papunta sa hagdan patungo sa classroom namin nang makasalubong namin si Benedict na nagmamadaling makababa ng hagdan kaya nabangga niya si Czarina at nawalan ng balanse silang dalawa. Nalaglag at nagkalat ang mga dalang binders ni Czarina sa hagdan.

"Pasensya ka na, Czarina! Pasensya na talaga! May nakalimutan kasi akong kunin sa locker." Pagpapaliwanag niya habang tinutulungan si Czarina na ayusin ang mga notebooks at alalayan si Czarina para makatayo. Pinagpag ni Benedict ang mga kamay niya sa kulay maroon niyang pants.
Si Czarina nakatulala lang sa kanya habang papatayo. Nakangiti at hindi nagsasalita. Tumingin si Benedict sa akin.

"Mag-iingat ka sa susunod, Ben. Mabuti at hindi kayo nahulog sa hagdan natin. Mataas din 'to." Pagpapaalala ko. Hindi pa din ako makagalaw sa pwesto ko. Kinalabit ko ng paa ko ang binti ni Czarina para ayain siyang tumuloy na sa pag akyat ng hagdan ng hindi mahuli sa klase. Tumingin siya sa akin saglit.

"Ahhm, Benedict, sige okay lang. Goodmorning pala! Sige mauna na kami ni Bessy. Bilisan mo para hindi ka ma-late." Sabi ni Czarina sa wakas. Ngumiti si Benedict at humingi ulit ng pasensya kay Czarina at sa akin din. Pagtapos nun, pagkaalis na pagkaalis ni Benedict tumingin si Czarina sa akin. Nangungusap ang mga mata, may gustong sabihin ang mga titig niya.

"Bessy! Buo na kaagad ang araw ko, OMG! Ngayon ko lang nakausap nang ganun si Benedict, Bessy! Nagsorry siya sa akin! Tinulungan niya pa ako kunin 'yung mga notebooks natin. Nahawakan ko saglit 'yung mga kamay niya!" Kinikilig si Czarina sa pagkwkwento sa akin. Gamit ang matibay na kutsara hiniwa ko ang makunat na porkchop na ulam ko. Umiling-iling ako sa reaksyon niya sa nangyari kaninang umaga.

"Oo, kitang-kita ko ngang tulala ka na sa kanya. Kulang na lang tumulo laway mo sa pagkamangha mo sa kanya. Saka kainin mo na 'yang baon mo ni isang subo hindi mo pa nababawasan 'yang pagkain mo." Medyo naiinis kong sabi. Iginalaw na din niya nga mga kamay niya para sumubo ng pagkain.

"Opo, bessy ko! Pero hindi pa din talaga ako makapag-move on! Kahit saglit ko lang nahawakan 'yung kamay niya naramdaman kong ang soft ng palad niya. Grabe, bessy!" Tumingin-tingin ako sa paligid baka nasa tabi-tabi lang pala si Benedict at marinig na bukambibig siya ng bestfriend ko.

"Baka kasi tamad siya." Sabay sumubo ako ng kanin na may ketchup. Napatigil sa pagkain si Czarina at naguluhan sa sinabi ko.

"Ha??"

"Baka kasi tamad siya." Pag-uulit ko. Baka hindi niya pala kasi narinig 'yung sinabi ko.

"Anong connect nun, bessy sa malambot ang kamay?"

"Ahhh. Kasi baka wala masyadong ginagawa sa bahay kaya hindi malambot ang mga kamay niya." Pagpapaliwanag ko naman. Nainis si Czarina sa sinabi ko.

"Bessy don't judge him."

"Ano ba kasing espesyal sa ginawa niya kanina? Natural lang naman na ganun ang gagawin niya kapag nakabangga siya. Ako, ganun din gagawin ko kung sakali."

"Basta ang gwapo-gwapo niya at gentleman. My ideal boyfie talaga is Benedict, bessy!Sana maulit ulit 'yun"

"Na? Na magkabanggaan kayo ulit sa hagdan? Sa lahat ba naman ng hihilingin mo 'yun pa. Delikado kaya 'yun. Muntik na kayo malaglag sa hagdan."

"Ha? Bessy ang OA mo ha. Huwag ka nga. Sinisira mo ang moment ko." Kinuha niya ang tumbler niya at tutungga sana napansin niyang ubos na pala ang tubig niya at kinuha ang tumbler ko at doon uminom. Napabuntong hininga na ako. Tumahimik ng ilang segundo na tumagal ng ilang minuto hanggang sa wala na munang umimik.

Hirap naman maging besfriend lang~ Ang sakit na makita na kinikilig siya kay Benedict. Nagseselos na talaga ako. Pwede na kaya ako umamin? Aamin na ba ako? Panahon na ba? Kailan ba kasi dapat? Hindi ba masyado pang maaga? Itago ko na lang kaya ito kahit kailan.

Sinara ni Czarina ang pink niyang lunch box. Uminom ako ng tubig sa tumbler ko.

"Uy!" Sambit ko. Inayos ko ang pagkakaupo ko para makaharap ko siya nang mas maayos sa lamesa.

"Oh, bessy?"

"Ahh.." Ayaw lumabas ng mga salita sa mga labi ko. Biglang bumilis tibok ng puso ko. Hindi ko masabi ang mga gusto kong sabihin sa kanya. Ano ba 'to?

"Bessy, ano?" Nag-aantay na si Czarina ng sagot. Hindi ko alam.

"Ahhh.. kasi. Teka." Wala akong masabi. 'Yung kanang kamay ko ay inabot ang kanang kamay niya. Hinimas-himas ko ang palad miya gamit ang hinlalaki ko. Napatingin ako sa mga mata niyang naguguluhan at nakakunot ang noo niya.

"Bessy ang weird mo ngayon~" mahina niyang sabi habang natatawa sa ginagawa ko.

"Ang lambot din ng palad mo. Nagawa ka pa ba ng gawaing bahay?" Hindi ko alam kung bakit 'yun ang nasabi ko.

"Hoy! Bessy, hindi ako tamad no! Ang judger mo na, bessy! Kainis ka." Sabi niya at inalis ang kamay ko sa kamay niya. Tumayo siya para pumunta sa water refill station. Nag-check ako ng oras sa wrist watch ko. Kailangan na pala namin bumalik sa classroom. Sumunod na din ako sa kanya para punuin din ng tubig ang tumbler ko.

Marami kaming nakasabay na mga estudyante papalabas ng eskwelahan. Kitang-kita pa din sa mukha ni Czarina na kinikilig siya sa nangyari kaninang umaga. Nakasanayan ko nang nakangiti siya pero ibang-iba ang ngiti niya buong araw na ito.

Madidinig ang daldalan ng mga Sophomores habang sabay-sabay silang naglalakad sa harap namin. May magulang na nagsundo ng mga anak nila sa eskwelahan. Tahimik lang kami paglalakad. Si Czarina kinuha ang yellow ponytail niya at ipinusod ang buhok niya.

"Bessy, bagay ba?" Tanong niya kaagad.

"Bakit ka pa nagpusod pauwi na tayo ah?"

"Ito naman kahit kailan napakasungit, 'di nga, Bessy? Bagay ba sa akin nakapusod nag buhok?"

"Oo."

"Talaga? Magpusod kaya ako bukas pagpasok natin baka makasulubong ulit natin si Benedict. Makita naman niya na new look ako. Day by day." Sabi niya sabay kinuha ang singlaki ng kamay kong salamin niya para tingnan ang hitsura niya.

"Oo, bagay sayo."

"Thank you, Bessy ko! The best ka talaga kahit na lagi mo akong binibwisit lagi mo din naman ako sinusupport sa kaartehan ko." Sabi niya at niyakap ako habang naglalakad kami. Ang mga kamay ko ay nasa loob ng mga bulsa. Gusto ko din siya yakapin sana kaso huwag na lang. Hindi na lang ako sumagot. Alas kuwatro imedya na pero nasa kalsada pa din kami ni Czarina patungo sa bahay nila. Ang bagal 'ata namin lumakad ngayon. Napansin kong malamig na din ang simoy ng hangin. Malapit na talaga ang pasko. May nadaanan kaming bahay na malakas na nagpapatugtog ng Slow Hands ni Niall Horran.

"Bessy! May sasabihin ako. Ay hindi may itatanong pala." Biglang sambit ni Czarina.

"Bakit hindi mo ba ako tinatawag na bessy? Pwede bang tawagin mo din akong bessy, Bessy?" Napakacute niya nung tanungin niya ako. Parang puppy na gusto kong alagaan.
Napaubo ako bago sumagot.

"Hmm. Hindi kasi ako sanay sa mga ganyang tawagan. Pero sige susubukan kong sanayin sarili ko, bessy." Sabi ko. Natuwa si Czarina. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig at nakita niyang tinawag ko siyang Bessy sa unang pagkakataon.

"For the first time in forever tinawag na ako ni Bessy ko na Bessy~" sinabi niya iyon sa tono ng First Time in Forever ng Frozen animated movie. Nagtawanan kami. Kumbaga para sa kanya, at siguro para na din sa akin, eh dream come true na 'yun. Mga labinlimang minuto ang lumipas eh naihatid ko na siya sa bahay nila.
--------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi Siguro Ako 'Yung Tipo Mong LalakiWhere stories live. Discover now