21. Magmamahal sa kanya

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi siya iiyak. Susubukin niyang hindi umiyak. Knowing him, he will try to be as strong as he could for his sister. So please - if nobody can comfort him, comfort him. Tell him how much you love him - because I know, from the way my son looks at you - he loves you. 

Love him... 

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga luhang iniiyak ko habang binabasa ko ang sulat ng nanay ni Ares para sa babaeng magmamahal sa kanya. Ang sakit sa dibdib. Hindi ko man ganoon katagal na nakilala ang nanay ni Ares pero damang-dama ko ang pagmamahal niya para sa anak niya. Sinong nanay ang gagawa ng sulat para sa babaeng mamahalin o magmamagal sa anak niya? May nanay pa bang ganoon? Ibinalik ko sa sobre ang sulat ng nanay ni Ares. Wala namang pangalan kaya alam kong hindi talaga para sa akin iyon. Maybe it is for Maria. Siguro naman sa siyam na taon nilang paglolokohan ni Ares ay nakilala siya minsan ni Mrs. Consunji at nakita niya kung paano tingnan ni Ares si Maria. 

Napahagulgol ako. Gusto kong hanapin si Ares Consunji ngayon at yakapin siya nang napakahigpit. Gusto kong gawin sa kanya ang mga nakalagay sa sulat na iyon na galing sa nanay niya. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit sa akin ibinagsak ang sulat na iyon samantalang wala naman akong nararamdaman talaga para sa lalaking iyon...

Naulinigan ko ang pinto. Pinahid ko ang luha ko at saka lumabas ng silid. Alam kong si Maria ang dumating. Nangako siya na uuwi siya matapos nilang mag-usap ni Ares. Sinalubong ko sya pero natigilan ako nang makita kong hindi siya nag-iisa. Kasama ni si Ares Consunji and they were holding hands. Nagtagpo ang aming mga mata  - suddenly I could see the amount of pain he was in - naluha ako. 

"Bathsee..." Maria called me. Puno ng pagtataka ang mukha niya. I looked at her. "Are you alright?"

No... I'm not. I wanted to run to Ares and embrace him. I wanted to tell him exctly what his mother would want the girl who will love him - that he isn't alone, that crying over the loss of a person so dear is normal  - na pwede siyang maging mahina...

Na nandito ako para sa kanya. 

"What's wrong?" He spoke to me. I shook my head. 

"Si..." I tried calming myself down. "Chichi, ma-may sipon... Naiiyak ako, may s-sipon ang baby..." 

"What?" Agad na wika ni Maria. "Where is she? Chichi, girl!" 

Agad naman tumugon si Chichi sa tawag ng tunay niyang nanay. Nagyuko ako ng ulo. "Lalabas lang ako." Paalam ko. 

"Baby, magdala ka ng payong, dark and gloomy ngayon." Nakangiting wika ni Maria habang kinakarga si Chichi. Binalingan niya si Ares. "Matulog ka muna, Ares, pagod ka. Mag-usap tayo kapag okay ka na... I'll cook dinner for you." Maria kissed Ares' cheek. He smiled a bit. Napangiti din ako. 

They looked so good together. Sana tuloy-tuloy na. 

---------------------------------------------

"And the winner for the love team of the year! Arcedes!" 

Binato ko ng crumpled paper si Kuya Johnny nang isigaw niya iyon. Natawa na rin naman ako sa kanya. Halos isang linggo na ang nakaraan mula nang mabasa ko ang sulat na bigay ng mama ni Ares na alam ko namang hindi para sa akin. Hindi ko talaga alam kung bibigay ko iyon kay Mercedes - sa nakikita ko kasi ay maayos na sila. Palagi si Ares sa bahay, doon na nga yata siya natutulog. Paminsa-minsan nakakarinig ako ng mga sexual moans and groans - kasama naman talaga iyon sa buhay - sa halip na maasar at mag-alala ako kay Maria napapangiti ako ngayon. Nakikita ko naman kasi na masaya siya sa ginagawa niya ngayon. Last night we were talking and she was telling me that Ares told her that he wanted to give it a try - pareho lang halos sila ng iniisip. Masaya ako para sa kanya - pero nababagabag ako sa sulat na bigay ng Nanay ni Ares. Ibibigay ko ba iyon kay Maria?

I sighed. "Buti nga okay na sila. Hindi na ako namomoblema sa best friend ko." Nginitian ko si Kuya Johnny. Nag-aayos ako ng registry noong araw na iyon. May mga bagong dating kasi na research books kaya bago ilagay sa shelf ay kailangan ko munang ilista. 

"Bakit ka naman problemado sa kaibigan mo, eh gusto naman niya iyon." Komento ni Kuya Johnny sa akin. I made a face. Basta okay na ako na masaya si Maria at kuntento. Kung sabagay mas gusto ko si Ares kesa kay Oli. Si Oli kasi ay may asawa na - kung sakali man na ipaglalaban niya si Maria dapat iyong malaya na siya at walang sabit. 

Maghapon ang lumipas sa library nang paganoon-ganoon lang kami nila Kuya Johnny. Nag-early out ako kasi balak kong magpunta sa mall at gumala. Papagabi ako ngayon, Sabado naman bukas at isa pa baka gustong masolo nila Maria ang bahay. 

Dumiretso ako sa mall. Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad. I bought a cone of ice cream. Habang naglalakad sa mall ay nagpapalinga-linga ako. Nakakita ako ng batang lalaking kasama ang nanay niya - bigla ay naalala ko si Ares. I sighed. Mula nang mabasa ko ang sulat ng nanay niya ay hindi ko na siya nakalimutam - palagi na lang akong nag-aalala para sa kanya. Ayoko naman siyang isipin, kaya siguro kapag nakikita ko siya sa bahay kasama si Maria ay ganoon na lang ang relief na nararamdaman ko - mas nadodoble iyon kapag nakikita ko silang masaya ni Maria. 

Pumasok ako sa isang toy shop. Gusto kong bumili ng teddy bear  o kaya man bone toy para kay Chichi. Napansin ko kasi na nangigigil siya nitong mga nakaraang araw. Nakalimutan ko pa siyang dalhin sa veterinarian nitong nakaraan - busy kasi sa office. Nilabas ko ang Iphone ko para tawagan si Maria. Ibibilin ko sa kanya si Chichi. Aso naman niya iyon eh. 

"Maria!" Sigaw ko nang marinig ko ang boses niya sa phone. Ngumiti ako. "May sakit si Chichi pakidala mo naman sa doctor." 

"Oo nga napansin ko din na matamlay siya, baby. Nasaan ka?"

"Nasa Mall, nagpapalipas oras lang. Bibilan kita ng pasalubong!" Napahagikgik ako.

"Talaga? Kettle korn ha! I love you, baby." Sabi niya bago niya binaba ang phone. Natatawa na lang ako, minsan naiisip ko para kaming tunay na magkapatid ni Maria, magkaiba lang ang kwebang nilabasan namin pero by heart and by soul - we are really sisters. 

Habang naghahanap ng kettle korn ay napadaan ako sa play ground sa mall. Madaming bata. Nakakatuwa silang tingnan. Kasama nila ang mga mama nila but there's this one particular boy that I saw. He was just sitting on the lap of his mother. He looked so bored. Napangiti ako. Maglalakad na sana ako paalis nang mapansin ko ang isang lalaking naka-3/4 na plo shirt na sky blue at semi tight denim jeans na nakatayo sa gilid ng batang iyon.  He was looking at the boy on his mother's lap. I bit my lowe lip. 

"A-ares..." Tinawag ko siya. Parang nagulat pa siya nang marinig ang boses ko. Dahan-dahan siyang tumingin sa direksyon ko. Napaluha na naman ako. Walang salitang namutawi, lumakad ako sa direksyon niya at saka siya niyakap nang napakahigpit.

"You are not alone, Ares..." Mahinang wika ko. I felt his arms hugged me back. 

"Yes, I'm not alone.Cedes is with me..." 

I closed my eyes right after hearing that. Bumitiw ako sa kanya at saka ngumiti. Tama siya. Hindi siya nag-iisa nandito si Maria at siguro tama ring ibigay ko kay Maria ang sulat na bigay ng nanay ni Ares dahil sa ngayon alam na alam ko naman na si Maria ang magmamahal sa kanya - nagmamahal ng buong-buo. 

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon