Hindi niya napigilan ang ngiti sa kanyang mga labi.

"I'm full," anag boses na nagmula sa pintuan ng kusina. Nakatayo si Matthew roon at nakatingin sa kaya. Ngumiti rin ito nang magkatinginan sila.

"Malayo pa ang biyahe mo, Kuya. Kumain ka muna nang maayos bago ka umuwi," ani Lynette. Binalingan siya ng kaibigan. "Hindi ko napilit mag-agahan 'yan. Dito na raw para sabay na kayo."

"Lulutuin ko lang ito," aniya. Tumalikod na at inumpisahang lutuin ang order ng binata.

"Lumabas ka na, Kuya. Bawal ang hindi empleyado rito sa loob," ani Lynette.

Pagsarado ng pinto ay tumayo si Lynette sa tabi niya. "Kahapon pa dapat tayo nakapag-usap, pero dahil makulit ang kuya ko, hinayaan kita. Pero ngayon hindi ka na makakatakas sa akin."

"Ano ba ang dapat nating pag-usapan?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na kuya ko pala ang nanliligaw sa iyo? Kung hindi pa sinabi nina Nanay at Tatay, hindi ko malalaman!"

"Lynette.."

"Ma'am, ako na po ang magtutuloy ng pagluluto," ani Aleina.

"Salamat, Aleina," ani Lynette, hinigit siya nito palayo sa kalan. "Explain!"

"Sabi ko nga sa'yo, di ba? Hindi ako sigurado kung seryoso s'ya," aniya, isinuot ang kamay sa bulsa ng suot na uniform, kinagat niya ang labi.

"Kailan pa nagkainteres sa'yo ang kuya ko?" pinipilit nitong paseryosohin ang mukha pero nakikita niya ang pinipigilang ngiti ng kaibigan at ang kislap ng panunudyo sa mga mata nito.

"Ang kuya mo ang tanungin mo n'yan dahil hindi ko rin alam. Basta isang araw, bigla na lang idineklara sa akin na liligawan daw n'ya ako," huminga siya nang malalim, "Kung kailan at kung bakit siya nagkainteres sa akin, siya lang ang makakasagot."

"Kailan n'ya sinabi na manliligaw s'ya sa'yo?" ang panunudyong pinipigil kanina ay bakas na sa ngiti nito.

"Noong nagkita kami sa bahay n'yo. Sumunod s'ya sa akin sa bakeshop."

"Naalala ko, noong nasa ospital kami, panay ang tanong n'ya tungkol sa iyo. Hindi ko lang binigyang pansin dahil panay rin ang kwento ni Daphnie tungkol sa iyo noong araw na iyon."

Hindi na niya sinagot ang kaibigan. Ito naman ay nahulog na sa malalim na pag-iisip.

"Luto na po, Ma'am," ani Aleina.

"Mahaba-habang usapan pa ulit ito Kathryn. Unahin mo na muna ang pagkain ni kuya. Hindi talaga umuwi 'yon kahapon. Gusto raw niyang personal na ibigay ang bulaklak sa iyo ngayong umaga. At gusto raw umpisahan ang linggo na maganda. Sa tingin ko, malakas ang tama sa'yo ni kuya," ani Lynette bago siya tuluyang iniwan.



Ipinatong ni Kathryn ang pancake sa harapan ng binata, pati ang kape. Iniuutos niya iyon sa mga staff pero walang gustong sumunod sa kanya. Kahit nagkunwari siyang nagagalit ay walang kumilos sa mga ito. Dahil na rin sa sinabi ni Lynette na siya lang ang magseserve kay Matthew. Costumer is always right daw, at dahil ang request ng costumer ay siya ang magserve, siya ang dapat magserve.

"Enjoy your meal, Sir."

"Halika, sabay na tayo. Alam ko hindi ka pa rin nag-aagahan," ani Matthew.

Karaniwan na'y alas-otso siya kumakain. Tuwing umaga ay kape lang ang iniinom niya, at kakain na lang siya kapag tapos na ang early morning rush.

"Hindi na. Ayos lang ako. At marami na kaming costumer," aniya. Ngunit bago siya makatalikod ay hinawakan ni Matthew ang kamay niya. Parang may kuryenteng nanulay sa balat niya pataas sa kanyang mga braso, papasok sa kanyang katawan.

Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)Where stories live. Discover now