Special Chapter

51 1 1
                                    

3rd Person's POV

"Hi Sofia" greet na salubong ng isang batang lalaki sa babaeng nakaupo sa may pintuan ng bahay nito.

"Hi Nathan" sabi naman nito sa kaniya.

"bakit mag isa ka dito?" tanong ni Nathan.

"wala kasi akong kalaro sa loob ee, tapos wala pa si mommy at daddy" malungkot na sabi ni Sofia.

Inakbayan naman siya ni Nathan at ngumiti kay Sofia.

"Edi ako ang magiging kalaro mo" sabi ni Nathan.

Napangiti naman si Sofia sa kaniyang narinig. Naglalaro ang dalawa, ganun sila datnan ng dalawang pang batang lalaki.

"Hoy! bakit mo hawak ang kamay ng favorite cousin ko?" tanong ng isang lalaki.

"Oo nga! bakit kayo ang naglalaro?! Alam mo bang  bawal siyang makipaglaro sayo mga tulad mo?!" sabi ng isang akala mo sunodsunuran sa lalaking unang nagsalita.

"Henry?! Zyrey?! bakit kayo nandito? akala ko ba hindi niyo ako bati?" sabi ni Sofia.

"sinong nagsabi na hindi ka namin bati?" tanong ni Henry.

Unti-onting itinaas ni Zyrey ang kamay niya.

"si Zyrey" sabi ni Sofia.

"Ikaw?!" galit na tanong ni Henry.

"akala ko kasi hindi natin siya bati kasi sinira niya yung laruan natin ee, kaya nung umalis ka tapos nung nagtanong siya, sinabi ko hindi natin siya bati" Zyrey explained.

Henry glared at him which cause Zyrey look away from Henry.

"Ah... Sofia, uwi na ako, baka hinahanap na ako ni Mama" sabi ni Nathan kay Sofia.

Biglang nalungkot si Sofia. "uuwi ka na?" tanong ni Sofia.

Ngumiti ito ng alanganin at nagkamot ng batok. "oo ee" sabi ni Nathan.

Ang malungkot na ekspresyon ni Sofia ay napalitan ng seryosong tingin.

"you're lying" sabi ni Sofia.

Naguluhan at kinabahan ang batang lalaki.

"H-huh?" ang tanging lumabas sa bibig ni Nathan.

Nag iba ang kulay ng isang mata ni Sofia na kinagulat ng bata.

Nagulantang naman ang dalawang magpinsan sa pangyayari. Agad na tumakbo ang mga ito palapit kay Sofia. "Umalis ka na dito! Bilis!" sigaw ni Henry.

"H-huh? bakit? anong nangyayari?!" natatarantang tanong ng bata.

"Gusto mo ikaw na lang mag patahan sa kaniya? gusto mo maagang mamatay?" sarcastikong sambit ni Zyrey. 

"Wag mo ngang takutin yun!" sabi ni Henry.

"Eh, totoo naman yung sinasabi ko ee" sabi ni Zyrey. Sa pagkakagulo ng dalawa hindi na nila nagawa ang dapat nilang gawin at yun ay ang...

"Ayoko ng nagsisinungaling sa akin"  sabi ni Sofia sa bata.

Halu-halong emosyon ang nadarama ng bata.

"Sofia!!! wag mo siyang sasaktan!" sigaw ng dalawa.

"Anong nangyayari dito?--- Sofia?... Bakit?"  Nakahinga ng maluwag ang dalawa sa pagdating ng Magulang ni Sofia.

"Tito Liam, Tita Dite, buti po nandito na kayo, kundi baka---asbhdgffao" Tinakpan ni Henry ang bibig ni Zyrey kaya hindi niya natuloy ang pagpapaliwanag niya.

"Sige po, Tita at tito, uuwi na po kami" sabi ni Henry sabay hatak kay Zyrey at kay Nathan.

"Walang magsasalita sa inyong dalawa tungkol sa nangyari ngayong araw na ito, kundi lagot kayo sa akin pareho" banta ni Henry nang makalayo na sila.

"Teka nga lang, ako ang dapat mong katakutan ee! ako ang may Special---ahsjdpjd" again. Tinakpan na naman ni Henry ang bibig ni Zyrey. 

"Anong special?" tanong ng Nathan.

"Special Child kasi siya ee, pagpasensyahan mo na ah, alis na kami" sabay hila kay Zyrey pauwi sa kanila.

"Hay naku, kahit kailan talaga ang kulit mo" sabi ni Henry kay Zyrey habang nasa sala sila ng bahay ni Zyrey.

"Bakit anong nangyari Henry?" tanong ng isang lalaking casual na nakasuot na pababa ng hagdanan.

"Ah, Tito Zyrus, si Zyrey po kasi muntik ng magbanggit na naman" sabi ni Henry kay Zyrus.

Tinuon naman nito ang attensyon sa anak.

"Zyrey, how many times do I have to tell you not to do that? it's for your own safety, paano na lang kapag kuyugin ka ng ibang tao?" nag aalalang sabi ni Zyrus sa anak at yinakap ito.

"Daddy..." Napahiwalay naman sa pagyayakapan ang dalawa ng tawagin siya ng anak.

"Bakit Zyrey?" tanong niya.

"Daddy, Ano pong ibig sabihin ng 'Kuyugin'? ikukulong ko pa nila ako pagnalaman nila?" tanong ni Zyrey.

Hindi makapaniwala si Zyrus sa sinabi ng kaniyang anak pero hindi na siyang nag atubiling mag paliwanag. "Oo, makukulong ka nila kapag nalaman nila ang tungkol sayo" sabi ni Zyrus. Nakita naman nito ang pagkatakot ng anak kaya yinakap na lang niya ito.

****

A/N:

Since dumami ang mga readers ko, this is a special chapter and also a sneak peek for the next book that I'm writing about their children. I hope you like it, Medyo binitin ko talaga yan para ....

Wala lang, para mainis kayo, joke. 

Kasi para mabasa niyo ang isa pang book ko. hahahahaha.

My little secretWhere stories live. Discover now