Chapter 1 Prinsesa Ng Kamalasan

Start from the beginning
                                    

.

.

.

.

.

.

.

.

..

.********

Nag lalakad na ang dalaga palabas sa kanto ng Brgy. 17. Mag aabang sya ng Jeep na pampasahero. Binilang nya ang pera sa kanyang wallet meron na lamang syang 300 pesos. Dahil ibinigay na nya ang 2000 para pambayad sa inuupahan nilang bahay. Ang pinoproblema na lamang nya ay pambayad sa Kuryente, tubig at bayarin ng kapatid nya. Alas dyis na ng umaga. Pinara nya ang parating na jeep pagkatapos ay sumakay na sya. Busy sya sa pag bubuklat ng Biodata nya ng may naamoy syang dikanais nais. Napalingon sya sa katabi. Isang lalaking naka hawak sa tubo na hawakan ng jeep.

"Boom Panes" sabi ng katabi nya sa kanan na teen anger. Napangiti pa sya ng marinig yun. Nagbayad sya ng pamasahe. 30 mins. ng tumatakbo ang jeep ng bigla itong huminto at malayo pa sya sa ortigas. Nag reklamo lahat pero wala naman silang magagawa dahil nasira nga ang sasakyan. Bumaba na lamang sya ng jeep. Madaming taong naglalakad patawid sa kabilang kalye ng may humablot sa bag nya. Napasigaw sya bigla. At hinabol ang lalaki. Lahat ay nakatingin sa kanila ng tumakbo ang lalaki sa may tawiran ay naka green light pa. Hindi tuloy sya nahabol ng dalaga. Bagsak ang mga balikat nya at napahawak sya sa parehong tuhod.

"Ang bag.. ko.." umiiyak nyang sabi. Nanlulumo sya paano sya uuwi gayong wala na syng pera sa pagkamalas malas nga naman. 300 pesos na nga lang ang pera nya nanakaw pa. Kasama ang cellphone nya. Naglakad sya na parang lutang ang isipan. Feeling nya ang malas malas nya luhaan syang naglalakad na basta na lang tumawid sa kalsada ng may sasakyan na parating, parang wala syang narinig sa pag busina nito. Pumreno ito. Sa gulat nya tumilapon ang folder na hawak nya at tumilapon ang resume nya na kumalat sa kalsada.

"Arghhhh!!!" sigaw nya na nag lupagi / naglupasay sya sa kalsada na umiiyak. Bumaba ang may ari ng kotse.

"Why do you always doing that?" napalingon ang dalaga sa nagsalita. At laking gulat nya ng makita ang lalaking kasama nya kaninang umaga. Naka long sleeve polo ito na grey na fred perry na nakatupi na naka tuck in sa  maong pants at naka leather shoes ito na halatang mamahalin. Naka aviator shades din ito at napaka gwapo nito sa suot. Hinawakan sya ng lalaki sa braso para itayo pagkatapos ay pinulot ang ilang papeles na kumalat sa daan. Pagkatapos isinakay sya nito sa kotse nito na Meserati. Biglang pumasok sa isipan nya na baka maniningil ang lalaki dahil sa basta na lang sya umalis kaninang umaga. Mukhang mayaman ang lalaki at wala syang ibabayad dito. Nanlumo sya sa naisip. Napaka malas ng araw na ito para sa kanya. Paano pa sya mag hahanap ng trabaho kung wala naman.syang pera naisip nya yung bayarin nila. Wala pa naman syang trabaho. Napaiyak nanaman sya ng maisip yun. Napansin ata ng binata na umiiyak ang dalaga kaya inabutan nya ito ng panyo. Nabigla ata ito ng iabot nya ang panyo.

"Tanggapin mo na" sabi nito. Tinanggap naman nya ang panyo na napaka bango, amoy polo blue. Pinahid nya ang kanyang luha.

"S...salamat..'' yun lang ang namutawi sa kanyang labi.

"San ba ang punta mo at mukha kang lutang..?" sabi nito na ibinaling ang kotse.

Pumasok bigla sa isipan ng dalaga na baka maniningil ito.

"Please wala pa akong pambayad saka ka na lang maningil kapag may trabaho na ako.. nakikiusap ako sayo.. babayaran kita kapag may trabaho na ako.. basta wag  nagyon..''

Napakunot noo naman si Vice sa narinig. Anong utang? nasabi nya sa sarili. Mukhang may pinagdadaanan ang babae, base na rin sa pag iyak nito mukhang mabigat ang pinagdadaanan nito. Muntik pa nga itong masagasaan kanina.

My Conceited Prince || ViceRylleWhere stories live. Discover now