Chapter 8..

8.1K 94 4
                                    

Nasa hapag-kainan sila Summer at Sky, kumakain sila ng hapunan..

Halos parang palaging may dumadaang anghel sa pagitan nila dahil wala isa man sa kanila ang nagsasalita..

Panay lang ang sulyap ni Sky kay Summer..

Hanggang dumating si manang na may dalang juice..

"Eto na ang juice nyo oh.. Sorry kung natagalan."

"Ok lang manang.. Kain na din kayo." Aya ni Sky.

"Sige lang.. maya-maya na ko, busog pa ko e.. O sya, magtitiklop lang ako ng mga damit ko sa taas ah, iwan ko na kayo.. Yung hugasin, iwanan nyo nalang dyan.."

- Sige ho.

Saka umalis si manang at umakyat papuntang kwart- nya.

Hindi na nakatiis si Sky kaya sya na ang unang nagsalita..

" Ahm.. Summer?"

" Hmm?" Sahot ni Summer na hindi man lang tumingin kay Sky at diretso lang sa pagkain ng favorite nyang pagkain na sinigang..

" Ahmm.. I just want you to know that.. Si Shay.. Nasa school. Nagtransfer daw sya dun."

Hindi man lang tumigil si Summer sa pagnguya at ang sunod-sunod na subo nya sa pagkain..

" I know. Nakaaway ko pa sya sa labas ng office ni Ms. Shue kanina."

" Ha?"

" You heard me. Gusto ka nya ulit na bumalik sa kanya."

" Ha! If she can."

Yun lang at hindi na sila nagusap pagkatapos na kumain..

Agad na umakyat si Summer sa kwarto nya na hindi man lang tinitignan si Sky..

Si Sky naman ay puno ng pagtataka sa sarili kung bakit ang lamig ngayon ni Summer sa kanya.. Dala ba to ng pagbubuntis nya? O dahil kay Shaylee? Kailangan nyang makausap si Summer.. Asawa nya ito kahit hindi man sila kasal.. Alang-alang sa relasyon nila, lalong-lalo na sa magiging baby nila..

Kaya agad syang nagtoothbrush at naghilamos saka nagbihis ng pangtulog at kumatok sa kwarto ni Summer..

Nakailang katok pa sya bago bumukas ang pinto..

" Sky? Why?"

" We need to talk."

" About what?"

" But first, Can I come in?"

" Ahm.. I dont know.." Ilang na sagot ni Summer at di makatingin ng diretso kay Sky..

" You can trust me.. Gusto ko lang talagang magusap tayo"

" Not that may gagawin ka, Of course I can trust you.. S-so come inside."

" Thanks." Saka sya pumasok at sinara ang pinto.

Umupo sila sa edge ng kasama na may 3 inches ang layo sa bawat isa..

Nakatingin lang si Sky kay Summer habang ang huli naman ay naiilang dahil alam nyang nakatitig lang si Sky sa kanya kaya sya na ang unang nagsalita.

" So.. Anong paguusapan natin Sky?"

Halata namang bumalik sa ulirat si Sky at umiling-iling..

" Oh. Ahm.. Im sorry.. Ang ganda mo kasi e.."

Alam ni Summer na namumula sya sa sinabi ni Sky kaya yumuko nalang sya at pinilit ang sariling wag bumigay at mapangiti.

" Yan ba sasabihin mo?"

Seventeen and Pregnant..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon