"Cute mo talaga babe halikan ko na lang para mawaala ang sakit" sabi niya at hinalikan nga chansing din eh

Magkahawak kamay kaming dumating sa bahay na tinutuluyan namin

Napatingin naman sila sa amin at nakangiti habang ang mga mata nila nakatingin sa kamay namin na magkahawak. Agad ko naman to binitawan pero mabilis naman to nabawi ni ezo at tinaas pa

"Guys kami na" sabi ni ezo na tuwang tuwa "Girlfriend ko na siya" sabi niya ulit

"Kyaahh I'm so happy for both of you" sabi ni danielle at niyakap ako siya kasi ang pinaka close ko sa lahat

"Thanks dan" sabi ko na nakangiti niyakap naman ako ni claire na tuwang tuwa dahil sa wakas daw natagpuan na ni ezo ang babaeng magpapakatino sa kanya dahil na e-stress daw siya dahil ang daming babaeng niloko niya

"Subukan lang talaga akong lokohin nitong lalaking to lintek lang walang ganti" sabi ko at matalim na tumingin si ezo
Nakita ko naman ang paglunok niya bago sumagot

"Hindi mangyayari yun babe mahal na mahal po kita at hindi kita ipagpapalit kahit sino pang babae yan kahit sexy pa yan" sabi niya at binigyan ako ng smack sa lips

Swerte ko talaga sa babe ko siniksik ko naman ang mukha ko sa dibdib niya sarap sa feeling landi ko talaga hahaha

"Aray ang dami namang langgam dito kinakagat na ako" - claire

"Get a room guys wag kayo dito maglampungan sa harap namin" - renz

"Sagutin mo na kasi claire si renz para naman hindi siya bitter hahaha" dannielle

Napuno nang halakhakan sa bahay at yon dalawa naman namumula na hindi pa kasi nila aminin ang feelings nila sa isa't isa

~Princess reyanne/Fake yuri

Muntikan na akong mahuli ng kakambal ko kelangan ko mag ingat dahil isang maling galaw masisira ang plano ko. Ayoko ma disappoint si mom sa akin at si ate.

Umupo ako sa malaking bato habang nakatingin sa mga bihag ko na duguan at bakas ang galit sa mga mukha nila habaang tinitignan nila ako.

Mga tanga masyado silang kampante hindi nila alam na may traydor sa grupo nila tsk tsk

Hindi alam ng ibang royalties na habang nasa mission sila at itong tatlo naiwan sa academy at don kona sinagawa ang plano ko at naging matagumpay yon salamat sa kanya unting unti na nasasakatuparan

"Hindi namin akalain na gagawin mo sa amin to bakit yuri? Bakit?" Sabi ni Selena na umiiyak at madilim ang mukhang nakatingin sa akin

Tumingin lang ako sa kanya na nakangisi at dahan dahan lumapit sa kanila na nakatali ang kamay at paa at binigyan ko siya ng malakas na sampal sa magkabilang pisngi

"Selena okay ka lang?Hayop ka yuri Pinagkatiwalaan ka namin bakit nagawa mo sa amin ito? Sabagay anak ka nga pala ni Queen reika hindi nakakapagtaka" patuyang sabi ni Arriane at nagbigay ng nakakalokong ngiti kahit sugutan na nagawa pang sumagot

"Tama ka nasa dugo namin yon hahaha kamusta na kaya si Aldrin mo? Kung patayin ko kaya siya? Para mas masaya" sabi ko

"Wala kang kasingsama tandaan mo kapatid mo pa din siya kuya mo siya at si selena ate mo siya bakit nasisikmura mo siyang saktan? Na wala naman silang ginawa kundi mahalin ka" sabi ni arriane

"Kapatid? Nagpapatawa ka ba? Kahit kelan hindi ko sila tinanggap bilang kapatid. Nasa Felox kingdom ang katapatan ko at si Mom at ate Venus lang ang pamilya ko at hindi sila" malamig na sabi ko sa kanila at nakita ko ang pagka gulat sa mukha nila dahil sa sinabi ko

Kei Academy- Return of The Princess  (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon