Hinubad ko na ang lahat ng saplot sa aking katawan. Pati iyong tela na nakabalot sa aking dibdib ay inalis ko na rin. Isinampay ko iyon kasama ng mga tuwalya. Itinapat ko ang katawan ko sa shower at binuksan iyon. Mabilis lang akong naligo. Tinuyo ko muna ang aking sarili at inilagay ko ulit sa aking dibdib iyong tela. Nagtapis ako ng tuwalya hanggang dibdib at lumabas na ako ng banyo.

Namimili na ako ng damit na aking susuotin nang biglang bumukas iyong pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong pumasok si Hamir. Malaaks akong napasigaw at nabato ko tuloy siya ng damit ko.

“Anong ginagawa mo dito?!” sigaw ko.

“Nakalimutan ko lang iyong-- teka nga! Bakit kung makaakto ka diyan ay para kang babae? Hoy, Kiko! Parehas lang tayong mga lalaki dito. Huwag kang umarte ng ganiyan. Hindi naman kaya totoo iyong biro ko kanina sa iyo?” Nakakaloko siyang ngumiti.

“A-anong biro?”

Kinabahan tuloy ako. Baka kasi nakahalata siya. Nawala na naman kasi sa isip ko na isa akong lalaki.

“Na isa kang binabae!” aniya sabay tawa.

Pinamulahan ako ng mukha. “Tarantado ka! Hindi ako binabae! Kunin mo na lang ang naiwanan mo at lumabas ka na para makapagbihis na ako!”

“O, kita mo na. Hindi mo kayang magbihis nang nandito ako. Bakit may tinatago ka ba diyan?” Mabilis niya akong nilapitan.

Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko alam kung bakit bigla niya na lang akong binitiwan. May kinuha siya sa kanyang kabinet at umalis na rin.

Anong nangyari doon? Bigla na lang tumahimik?





“ANG pangalan ko ay Evrio. Masaya na ba kayo na sinabi ko na?”

'Ayon. Evrio pala ang pangalan no’ng lalaki na mahilig magbasa ng libro. Kakatapos lang naming kumaing lima dito sa canteen na ang tawag nila ay kantina. Nagpapababa na kami ng aming kinain. Tapos kinulit ko nang kinulit si Evrio hanggang sa sabihin na nga niya ang kanyang pangalan. Madadaan naman pala siya sa kakulitan ko, e.

Ewan ko ba. Natutuwa lang talaga ako sa pagiging seryoso niya. Para kasing may something sa kanya na gusto kong malaman. Mysterious masyado kaya nakaka-challenge tuloy.

Napapalakpak ako. “'Ayan! Sinabi mo rin sa wakas ang iyong pangalan. Kaya simula ngayon ay magkakaibigan na tayong lima… Ay, apat lang pala. Hindi kasama iyong magnanakaw diyan na isa!” Pagpaparinig ko kay Hamir.

“Hoy, magkakasama tayo sa iisang silid kaya dapat ay maging kaibigan niyo na rin ako!”

“Ah, basta. Ayaw namin ng kaibigan na magnanakaw!”

“Huwag kayong mag-alala dahil hindi ko kayo tatalunin. Iyong paghablot ko sa gamit mo? Sinusubukan ko lang naman ang kakayahan ko sa pagnanakaw. Matagal ko na kasing hindi iyon ginagawa. Ibabalik ko rin naman iyon sa iyo pagkatapos.”

“'Kita mo na! Magnanakaw ka talaga. At huwag ka nang magpalusot, Hamir!”

“Basta! Kaibigan niyo na akong apat sa ayaw at sa gusto niyo!”

“Papayag lang akong maging kaibigan niyo kung hindi niyo ako kakausapin kapag nagbabasa ako ng libro…” ani Evrio. Pati pagsasalita niya ay seryoso ang tono. Siya iyong tipo na ang parang hirap maka-close at makabiruan. Parang pasan niya ang lahat ng problema sa mundo.

Kabaligtaran siya ni Jareth. Si Jareth ay masayahin at palabiro. Medyo nalowbat lang yata siya ngayon dahil pagod.

Tapos si Cyrus naman ay mabait talaga. Gentleman at parang romantiko. Siguro kung alam lang niya na isa akong babae, baka niligayan na niya ako. Joke lang!

Enchanted Academy (Book 2)Where stories live. Discover now