“Wala ito. Huwag mo na lamang akong pansinin. Marahil ay pagod lang ako.”

“'Sus! Ikaw? Mapapagod? Imposible! E, palagi ka kayang puno ng energy!”

Huminto siya sa ginagawa. “Ako ay nababahala lamang tungkol sa iyo. May makakasama pala tayong iba sa isang silid. Kailangan mong ingatan na huwag nilang malaman ang tunay mong pagkatao. Alam mo na naman siguro ang mangyayari kapag nangyari iyon, 'di ba?”

Tumango ako. “Oo. Kamatayan… Gaya ng sinabi ng bruhang si Prosfera kanina!”

“'Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa iyo. Hindi lang kilos ang dapat mong pag-ingatan kundi pati na ang iyong pananalita.”

“Alam ko iyon. Mag-iingat ako. Huwag kang mag-alala.”

Tumigil lang kami ni Jareth sa pag-uusap nang lumabas na si Cyrus ng palikuran. Sinimulan na rin niya ang pag-aayos ng mga gamit niya. Pagkatapos namin sa aming ginagawa ay namili naman kami ng aming higaan. Pinili ko iyong sa gitna tapos sa kaliwa ko si Jareth at sa kanan ko si Cyrus. Pinapagitnaan na naman nila ako katulad ng pwesto ng aming mga kabinet.

Kumportable naman iyong kama. Malambot pati na iyong mga unan. Siguradong magiging masarap lagi ang tulog ko dito gabi-gabi.

“Nasaan na kaya iyong dalawa pa nating makakasama, 'no?” Maya maya ay biglang tanong ni Cyrus.

“Sana naman mababait sila…” sabi ko.

Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto ng silid. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng salamin sa mata ang pumasok. Nagbabasa siya ng aklat habang naglalakad at hindi man lang kami tinapunan ng tingin. Para bang hangin lang kami na hindi niya nakikita. Dire-diretso siya sa bakanteng kama sa dulo na malapit sa bintana. Ibinagsak niya doon ang kanyang bag at umupo sa gilid ng kama. Tutok na tutok pa rin ang mata niya sa libro.

Dahil doon ay nagkaroon ako ng chance na pagmasdan ang kanyang anyo. Alon-alon ang kulay abo niyang buhok. Maliit ang kanyang mukha at medyo chinito. Matangos din ang kanyang ilong at manipis ang labi. Sakto lang ang kanyang pangangatawan na tama lang naman sa taas niya. Ang gwapo niya, sa totoo lang! Kaya lang parang ang sungit niyang tingnan. Hindi man lang kami binati nang pumasok siya. Imposible naman na hindi niya kami nakitang tatlo, 'no.

“Kumusta ka, kaibigan? Ako nga pala si Cyrus…” Si Cyrus na ang bumasag sa katahimikan. Huminto ang lalaki sa pagbabasa at tiningnan nito si Cyrus. “Siya naman si Kiko at ito naman si Jareth.” Magiliw niya kaming ipinakilala sa bago naming room mate.

Nanatili itong nakatingin kay Cyrus. Medyo nakakatakot iyong hindi niya pagsasalita, ha.

“Wala ka bang sasabihin, kaibigan? Hindi mo ba sasabihin ang pangalan mo sa amin?” tanong ni Cyrus.

Tumikhim ang lalaki at bumalik ang atensiyon sa librong hawak nito. “Nakakaistorbo ka sa aking pagbabasa. Isa pa, hindi ko obligasyong ipaalam sa inyo ang aking pangalan.” Mahinahon nitong sagot.

“Aba at ang yabang mo naman yata!” bulyaw dito ni Cyrus. “Nakikipagkaibigan lang naman kami sa iyo dahil magiging magkakasama tayo sa iisang silid sa loob ng ilang buwan.”

“Hindi ko kailangan ng mga kaibigan. Kaya kong mabuhay nang hindi umaasa sa kahit na sino man. Nandito ako upang mag-aral hindi para makipagkaibigan. At kung kayo lang din naman ang magiging kaibigan ko… kahit huwag na lang.”

“Ang yabang mo talaga!”

Susugurin sana nio Cyrus iyong lalaki pero mabilis namin siyang inawat ni Jareth.

“Cyrus, hayaan mo na lang siya! Huwag mainit ang ulo!” sabi ko.

“E, ang yabang niyan, e! Akala mo kung sino! Bitawan niyo ako at tuturuan ko lamang ng leksyon ang balasubas na iyan!”

Enchanted Academy (Book 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora