CHAPTER 3

7.2K 165 9
                                    

                                                  "Tandaan mo, Pierce. Kalimutan mo na ang lahat, huwag lang iyong ice cream ko," pangungulit ni Sky kay Pierce na kausap niya sa cellphone.

"Sigurado akong hindi ko makakalimutan iyon kahit pa pahirapan at patayin nila ako, Sky. Panlimang tawag mo na ito. Sinasapian ka ba ni Granny G?" eksasperadong sagot naman nito.

At kahit hindi niya ito kaharap ay parang nakikinita na niya ang pangungunot ng noo nito habang umiiling-iling. Bago pa niya muling makulit ito ay pinutol na nito ang linya.

Napangiting dumapo naman ang tingin ni Sky sa photo frame na nakapatong sa kaliwang side table niya. Malawak ang ngiti ni Granny G sa litratong iyon, tila wala itong iniindang sakit at hindi nanghihina gayong kinunan ni Pierce ang litratong iyon ilang araw lang bago pumanaw ang matandang babaeng pareho nilang minahal ng binata.

Sa loob ng maraming taon na pagkakaibigan nila ni Granny G ay itinuro ng matanda sa kanya ang lahat ng mga bagay na hindi pinagkabalahang ituro sa kanya ng sariling mga magulang niya. Ang ilang mga leksyon nito, tulad ng pagbabawas sa pagiging padalus-dalos niya, kawalan ng pokus at atensyon, pag-iingat, pagiging responsable, kawalan ng---okay, okay, medyo marami-rami sa mga leksyon nito ay hindi niya masyadong natutunan.

Pero ang isa sa mga leksyong itinuro ni Granny G kay Sky na ipinagmamalaki niyang isinapuso talaga niya ay ang 'No retreat, no surrender' motto in life ng yumaong matanda. Kaya nga heto at hindi pa rin siya sumusuko kahit mahigit isang buwan na niyang hindi mahagilap ang pinaghahanap niyang nobyo.

"Ma'am Sky, nandeto na po si Ser Pers!" pasigaw na wika ni Wanda mula sa sala ng bahay niya.

Malamang nakatutok na naman ang babae sa tapat ng flatscreen TV at pinapanood ang paborito nitong drama series sa hapon. Kaya hindi na ito pwedeng abalahing tumayo upang pagbuksan ang bisitang inaabangan niya.

Tumayo mula sa pagkakaupo sa gitna ng kama si Sky, hawak ang celebrity magazine na binabasa na lumabas siya ng silid niya. Bumaba siya ng hagdan at lumabas ng bahay upang pagbuksan ng gate si Pierce. Hindi kasya ang dalawang sasakyan sa garahe niya kaya sa tapat ng bahay na lang niya ipinarada ng binata ang itim na Pajero nito. May bitbit ang binata na plastic bag na may tatak ng convenience store na nasa kanto ng subdivision niya.

"I just realized this on my way here. Tell me the truth, Sky. Naglilihi ka ba?! Bakit nagpabili ka ng dried manggoes, sampalok candy at peanut butter? Akala ko ba ayaw na ayaw mo ng peanut butter? May rocky road ice cream ka pa! Are you pregnant?! Tell me!" agad na bungad na interogasyon ni Pierce sa kanya.

Hindi malaman ni Sky kung matatawa o gugulong sa tawa sa ekspresyon ni Pierce. He was too young to have a heart attack but it looks like that is what would happen if she answered yes.

"Are you pregnant?!" muling tanong ni Pierce kay Sky. Mukhang malapit nang magwala ang lalaki. There was panic, terror and anger on his face.

Tuluyan nang napahalakhak si Sky. Kinuha niya ang plastic bag mula kay Pierce.

"Kumalma ka nga lang diyan, Pierce, para kang sira. Hindi ako buntis. At saka hindi rin naman ako ang nagpapabili ng mga iyan, si Wanda," aniya.

"Thank fuck!"

"Pierce!" gilalas na sambit niya.

Pierce avoids using that word in front of her because he knows it offends her. At patunay lang ng labis na pangamba nito sa isasagot niya kanina ang pagsambit nito sa salitang iyon ngayon.

Barely Heiresses- SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon