"Did you receive the flowers?" anang pamilyar na tinig sa kabilang linya. Nahigit niya ang hininga, biglang lumakas ang tibok ng puso niya.

"Yes, thank you."

"Did you like it?"

"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo, Matthew?"

"Nasabi ko na kahapon sa'yo, di ba?"

"Bakit ginagawa mo ito?"

"Bakit nanliligaw sa babae ang lalaki?"

"Bakit ngayon?"

"Tanong ko rin sa sarili ko 'yan. Bakit ngayon lang kita makita?"

"Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw?"

"Wag mong sagutin ng tanong ang tanong ko sa'yo. Seryoso ako, Matthew."

"Seryoso rin ako, Kathryn. Hind ako naging ganito kaseryoso sa tanang buhay ko."

Natahimik si Kathryn. Napapikit na lang siya nang mariin.

"Kathryn?"

"Hindi ko alam ang dapat kong sabihin, Matthew."

"Mas kakabahan ako kung sasagot ka ngayon. Mas gusto kong hindi mo alam ang isasagot mo sa akin. Hayaan mo muna akong ipakita sa'yo ang totoong ako."

Matagal na namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Mabilis para sa kanya ang mag-turn down ng mga manliligaw. Pero bakit hindi niya magawa iyon kay Matthew?

"I will see you on Saturday, Kathryn."

"Bye," aniya.

Naibaba na niya ang telepono pero hindi pa rin siya tumatayo. Her eyes fixed on the flowers. She absentmindedly touched a petal of a red rose in front of her.





"Madam, sino si Mysterious Mr. M?"

"Paano na si Sir Rex?"

"Nanliligaw pa lang naman kay Ma'am si Mysterious Mr. M. Hindi naman agad sasagutin ni Ma'am!"

"Ang tanong, may sasagutin naman kaya si Ma'am? Ilan na ang nanligaw kay Ma'am, hindi naman nakapasa."

"Malay mo, makalusot si Mystery Man. Iba ang pakulo eh."

"Hindi kaya si Sir Matthew si Mysterious Mr. M?"

"Love at first sight daw. Eh, matagal na silang magkakilala ni Ma'am."

Hindi sinasagot ni Kathryn ang mga tanong at kumento ng mga staff niya. Hinayaan lang niya nga mga ito sa kanya-kanyang opinyon. Pero bigla siyang natigilan sa sinabi ng isang staff. Bakit nga ba ganoon ang nasa card?





"May nabalitaan ako ah, may Mysterious Mr. M ka raw na nagpapadala ng bulaklak sa cafe," biro ni Lynette. 

Pumunta siya sa bahay ng kaibigan para magpapirma ng tseke na gagamitin sa pagbabayad sa supplier nila sa cafe. Kailangan ang pirma nilang dalawa sa lahat ng tseke na ini-issue nila.

"Pati ba naman dito? Kaya nga inako ko na ang pagpunta sa'yo para makaiwas ako sa panunudyo ng mga tao sa cafe at kay Tita Demy," aniya. Naupo siya sa bangkong katapat nang inuupuan ng kaibigan.

"I have my eyes and ears, you know! Ilang araw ka nang nakakatanggap ng bulaklak? Apat na araw? At wala ka man lang nasasabi sa akin! Narito ka kahapon, ah!"

"Ang boses mo, baka magising si Damien," nilingon niya ng sanggol na natutulog sa kuna. "At saka, hindi big deal iyon."

"Big deal sa amin iyon. At sa totoo lang, gusto ko ang lalaking ito. Mukhang maalam manuyo ng babae," hininaan na nito ang boses, pero ang panunudyo ay nasa mga mata pa rin, maging sa pagkakangiti nito ay halatang excited.

Coffee and Cookies (COMPLETED, Unedited Version)Where stories live. Discover now