Kaunti nalang ang mga tao ngayon dito kaya dalawang table lang at mag kakasama na kami doon. Katabi ko si Valie, katabi niya naman si Les. Kaharap ko si Jaydy na siyang katabi si Eunice at sa kaliwa naman niya ay nandoon si Kijan.

Hindi ko na kilala pa ang iba pang kasama namin dito sa table dahil ang iba ay college friends ni Jaydy. Nag simula na kaming mag inom. Hindi naman ako makagalaw ng maayos dahil sobrang ilang na ilang talaga ako kay Kijan. 

Bwiset naman kasi itong si Valie eh! Nakikipag kwentuhan sa bawat isa at naiinis nalang akong makita ang dalawang lovers dito sa harap ko. Si Jaydy at Eunice.

Tumayo na muna ako para kumuha ng beer sa may isang malaking ice box na malapit lang sa table. Nag pakuha nadin saakin si Valie at Les. Pagkakuha ko doon, maglalakad na sana ako  papunta sa may table nang makita kong papunta sa direksyon ko si Kijan.

Habang abala ito sa pakikipag usap, huli na nang mapagtantong kong napatagal ang paninitig ko sakanya. Nakangiti ito habang may kausap sakanyang cellphone. Is it his girlfriend? Fiance? Is he married?

Iniwas ko na ang tingin ko sakanya at muling binalik ang atensyon ko sa pag kuha ng beer. 

"Ilan kukuhain ko?" Tanong ng isang lalake sa may di-kalayuan. Kumukuha din siya ng beer sa ice box na nag pupuno ng bote ng alak at mga yelo.

"Excuse me, Miss." Napa urong naman ako ng kaunti dahil kumukuha siya pero hindi ko inaasahan ng may bato pala sa gilid ko kaya na out of balance ako at napadikit sa matigas, malapad—tangina si Kijan!

Somehow an electrify feeling flowed slowly into my system. It was very familiar. Something that I really owned a long time ago... Natawa ako sa sarili ko at sa mga nararamdaman ko ngayon. 

Likod niya lang 'yon!

"Be careful." Malalim ang boses nito. It's like a whisper to my ear.

Tumayo na ako ng maayos at dali daling umalis na doon. Bumalik na ako sa pwesto ko at binigay na ang mga beer sakanila.

"You okay?" Tanong saakin ni Valie habang naka taas ang thumb finger niya sa harapan ko. Napansin niya ata ang pagiging balisa ko. Hindi talaga magandang ideya na nag stay pa ako rito.

Tumango ako ng ilang beses at lumagok ng alak. Palihim akong napatingin kay Kijan na siyang kumukuha na ng beer doon habang may kausap padin sakanyang cellphone at tumatawa. Inalis ko nalang ang ideyang pumasok sa utak ko at nakisali nalang sa usapan ni Valie at Les.

Ilang oras lang din at nag siuwian na ang iba. Dalawang babae at isang lalake nalang ang natira sa mga kaklase ni Jaydy nung college. I can't help myself to glance at Kijan while Jaydy's college friend—Olive is flirting at him. 

Inabala ko nalang din ang sarili ko sa pag lagok ng alak at pakikipag kwentuhan kay Valie. Hindi ko alam kung nakikisama si Kijan or nagugustuhan din niya. 

Of course, Mikee! 

Sa pustura ng pangangatawan nitong si Olive ay hindi imposibleng hindi niya magustuhan ang ginagawa nito sakanya. Kulang na nga lang ay ingudngod nitong mukha ni Kijan sa lumuluwang dibdib ni Olive, eh. For sure nakatayo narin ang sandata niya! The hell! 

Sa porselanang kutis ni Olive, mahabang buhok, balingkinitan, eh hindi na talaga pu-pwedeng uurong siya d'yan.

"Babe, you're drunk na. Tara na?" Nawala ang maasim kong tingin sa dalawa ng marinig ko ang aya ni Eunice kay Jaydy na siyang nakasandal na sa balikat ni Eunice.

Last RoseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora