Abby's POV
"Gurl, gising na! Anu ba naman 'yan! Di tayo nagpunta dito para matulog! Sayang ang New York oh!" bulyaw sakin ni KT sabay hila pa sa comforter ko.
"Ilayo mo 'yang pangit mong mukha kung ayaw mong magkapasa at madagdagan ng pagkapangit!"
"Eto naman di na mabiro. Sige na nga. Bahala ka diyan! Bye, sis!"
"Bye." Walang gana kong sagot.
Nang masiguradong tahimik at wala nang KT na nambubulabog, bumangon na ko. For sure gagala na naman yun. Wala lang ako sa mood ngayon. At isa pa, napagod ako sa lakad namin kahapon, libutin ba naman ang New York City! Plus, naholdapan pa kami kaya hindi na nakasakay pauwi. Galing din eh no?
I took a quick shower, ang lamig kasi. 'Lam niyo na, madalang lang bumisita dito si araw.
Hmm...plan for today?
Habang nagbibihis, 'yun ang nasa isip ko.
Naubusan na ko ng gagawin dito sa New York pero yung bestfriend ko, hindi! Unlimited yung kalokohan nun eh. Sa aming dalawa, ako yung mas loko-loko pero 'wag lang kayong magkamaling pagtripan ako 'pag nasa bad mood dahil baka sa Mars ang abutin niyo.
Pagka-on ko ng TV, bumungad sakin ang movie na "A Cinderella Story, Once Upon A Song" ni Lucy Hale sa Star Movies. Patapos na ang movie at nalaman na ng Prince Charming niya kung sino siya. Hayyss sana ganyan din ang buhay ko. Kainggit naman.
Habang nakatitig sa screen ng TV, parang may umilaw na light bulb na ibabaw ng ulo ko. Tama, it's the only way.
Having been satisfied with my clothes – tank top and jeans na pinatungan ng makapal na coat – I know I'm ready to go. No rain, no snow, pero ang malamig na hangin ang sumalubong sakin pagkalabas ng tinutuluyan naming hotel. Sumakay ako ng taxi cab para magpahatid sa pinakamalapit na mall. Di ko maiwasang isipin ang agos ng buhay ko. Perfect naman siya. Beyond supportive family, lokang bestfriend, and real me! Pero dinaig pa ng love life ko ang load, zero balance mga bes.
Nag-ikot ikot muna ako sa mall mag-isa, kumain mag-isa, nagshopping mag-isa. Syempre lahat 'yan mag-isa, di bale nalang kung may nakikita silang di ko nakikita. I know I should be very very happy pero still, there's a hole in my heart. Pano ko nalaman? Nagpacheck kasi ako sa doctor! Hahaha charot lang! Masaya ang buhay ko pero wala lang nagpapakilig. 'Lam niyo yun? Yung walang thrill? Ganun siya.
Buti nalang at dala ko ngayon ang DSLR ko para naman may kakalibangan ako. Picture here, picture there, picture everywhere pati sa restroom! De joke lang, baka makasuhan ako. At isa pa, hindi talong ang hanap ko! At hep, bago pa kayong may maisip na hindi maganda, hindi rin mani. Like duh! I'm hundred times straighter than a straight ruler!
"What else to do?" tanong ko sa sarili ko. Naalala ko na. Yun talaga ang purpose ko pagpunta ng mall.
Umupo ako sa sofa sa gilid ng department store, dito sa instuments' section na katabi ng footwear section. I always love music lovers. I'm in love with the idea of musicians. Kaya sana magwork 'to. I simply untie my heels. I placed the other one malapit sa mga drums at yung isa medyo malayo-layo pero tanaw ko pa rin.
I made myself busy sa kakatingin sa pictures na kinuha ko kanina. I'm 101% sure that this will work. Gusto niyong malaman?
Well ganito yun. Kung sino man ang makapulot ng heels ko, siya na ang prince charming ng buhay ko! Alam kong walang kwenta pero naniniwala talaga ako sa powers ni Cinderella! Ewan ko nalang sa inyo.
#####
After one hour...
Nanlulumo kong tinitignan ang natirang heels ko. Yung isa natadyakan ng batang Kano na tumitingin sa mga nakadisplay ng drums. Napunta ito sa ilalim ng shelf. At yung isa? Nako! Nakakamatay! Parang pinaglalamayan na. Dinaan daanan lang ng mga tao. Mapa-Amerikano, Chinese, Korean, Italian, Half, o kahit mga Pinoy! Kaloka! Nai-stress ako, day!
YOU ARE READING
My Cinderella Wife (GxG)
RomanceCinderella? Siguro hindi dumaan ng childhood ang taong hindi nakakakilala sa kaniya, o baka naman hindi lang talaga siya kilala. Aiminin man natin o hindi, lahat tayo ay nangangarap ng happy ending, ng forever. Kahit ang pinakabitter na tao sa mundo...
