"puwede bang tama na! tumigil kana okay!"

sigaw ko na kay audrey dahil sa mga pinagsasabi nito at mukha namang hindi nito inaasahan ang ginawa ko.

"look, audrey kung ginagawa mo lang ito para siraan kami ni bebeng dahil diyan sa nais mo o ang gusto mong maging tayo. puwes sinasabi ko na sayo. kahit pa anong gawin mo o ang sabihin mo. hinding-hindi mangyayari yang gusto mo dahil si bebeng ang gusto ko. mahal ko siya at malaki ang tiwala ko sa kaniya. wala akong pakiilam kung may past ba sila dati o wala ng lalaking yun dahil ang importante sakin e yung kami ni bebeng nagyon! mahal ako ni bebeng at naniniwala ako na hindi siya gagawa ng anumang ikasasama ng loob ko dahil sa pagmamahal niyang yun sakin. alam mo audrey napapagod na talaga ko. pagod na pagod na ko sa pagtatalo nating dalawa at pakiramdam ko sumisikip na ang opisinang ito dahil satin. i guess, mas makakabuti siguro kung maghanap kana lang ng iba mong trabaho---"

"w-what?! ibang trabaho? sinasabi mo ba sakin na tinatanggal mo na 'ko ngayon dito sa opisina mo dahil lang sa issue nating dalawa?"

hindi makapaniwalang bulalas ni audrey at tiim bagang naman akong sumagot sa kaniya.

"yah.. you're fired audrey! and i am giving you a week para maghanap ka ng iba mong trabaho bago ka umalis ng opisina ko!"

determinadong saad ko at napamaang naman si audrey sa ginagawa ko sa kaniya ngayon.

"a week?! nasisiraan kaba ng bait ha Red? sa tingin mo ganun lang kadaling maghanap ng trabaho ngayon na sa loob lang ng isang linggo e ini-expect mong may nahanap na akong ibang trabaho bago ako umalis dito?"

"audrey hindi ko na problema yun okay.. hindi ko na problema kung may nahanap kana bang trabaho that time o wala pa dahil ang concern ko e ang umalis kana, ang lubayan mo na ako dahil nakakapagod kana!"

"so ngayon nakakapagod na ako? ganun red? pagkatapos mo akong gamitin at gawing parausan sa tuwing kailangan mo ako. ganun nalang ha? ibabasura mo ako ng ganito nalang na parang isang basahan, isang walang kuwentang gamit at isang basura!"

hinanakit ni audrey sakin at nginisian ko lang ang sinabi nitong yun.

"audrey para sabihin ko sayo. pareho lang tayong nakinabang sa isa't isa okay. walang naagrabyado at walang nanalo o ang natalo. bakit mo hindi mo nalang kasi tanggapin na ayoko na, tapos na tayo sa anumang meron tayo at si bebeng talaga ang gusto ko. uulitin ko si bebeng ang gusto ko at mahal ko. hindi ikaw ang kailangan ko audrey kaya please utang na loob paulit ulit nalang tayo!. look ,marami pa akong gagawin okay kaya kung maari sana. nakikiusap ako sayo. walang magandang patutunguhan itong pinaguusapan nating ito kaya please audrey, LEAVE..."

nakikiusap kong pahayag kay Audrey sa huli at masama naman ang loob nitong kinuha sa desk ko ang mga papeles na ibinigay niya sakin kanina bago siya tuluyang lumabas ng aking opisina.

ako naman, nahahapong naihilamos ko nalang ang mga palad ko sa mukha ko dahil sa nangyaring pagtatalo uli namin ngayon ng sekretarya ko.

BEBENG...

Mag-a-alas singko na ng hapon at ngayon ay nasa loob ako ng banyo ni Red para maligo. masiyadong mainit ang panahon ngayon kaya naman kahit pa naligo na ako kaninang umaga bago pa man ako pumunta sa opisina niya, maliligo uli ako.

speaking nga pala kay red. ano na kaya ang ginagawa niya ngayon sa opisina? nakain kaya niya lahat yung pagkaing inihanda ko para sa kaniya?

kumibit balikat nalang ako sa aking naiisip. hindi na din ako nag-abalang i-lock ang pintuan ng banyo ni red dahil una sira naman ang lock niyon at pangalawa, wala naman siya. alas singko palang ng hapon, mamaya pa siya darating kaya safe akong maghubad all the way sa kaniyang banyo para maligo.

Ang True Love Ni BebengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon