"Nako bahala ka, Mikee. Wala na tayong oras to argue about this. Tara na, male-late tayo." Aniya at nauna ng maglakad pa-palabas. Nag ngisian naman kami ni Yaya Elen at nakipag appear pa siya saakin.

"Ang ganda ganda kaya ng baby girl ko kahit anong damit pa ang suotin." Puri niya saakin habang sinusuklay nito ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. 

Napangiti naman ako at humarap sakanya. "Thanks, ya! You know naman kung saan ako nag mana." Sabay kindat ko.

"Mikee!"

Nawala ang pangingitian at pag hihigikan namin ni Yaya Elen ng tawagin na ako ni Mommy sa labas at binusina pa nito ang sasakyan niya. 

Nagpaalam na ako kay Yaya Elen at nagpunta na sa labas. Naabutan ko si Mommy na siyang nasa loob na ng kotse.

Nakarating kami sa isang fancy italian restaurant. 

As my Mom parked her car, I notice na walang ibang kotse ang naka park doon at ng tumingin ako sa loob ng nasabing resto, wala ring tao doon kundi ang Lola't Lolo ko lang na masayang nagku-kwentuhan habang hinihintay kami. 

Mayroon dalawang bodyguards din ang nasa likod nila sa 'di kalayuan. Tila ba nakaantabay lang. Doon ko lang napagtantong, It was reserved for my Grandpa's birthday tonight.

Bumaba na ako sa kotse at nag tungo na kami ni Mommy sa loob. Ang ngiti sa labi ni Lola ay mas lalong umaliwalas ng makita niya kami. Ganun rin si Lolo. Lumapit kami sakanila at bumeso, I even hugged them like I've never seen them for such a long time. I missed them both.

"Lol—" Before ko pa matawag si Lolo ng 'Lolo' my Mom squeezed my hand. "Happy Birthday, Grandpa!" Masayang bati ko sakanya.

He doesn't want calling him Lolo, para kasi sakanya doble dobleng edad ang nadadagdag sakanya kapag tinatawag siya ng ganun. Ewan ko, siguro kapag talaga tumatanda na parang normal nalang ang pag sisinungaling sa edad mo.

"Thank you, hija." He says smiling. Nakasuot ito ng light blue long sleeve habang naka tuck in ito sakanyang itim na slacks.

I admit that he looks younger now kaysa sa huling kita namin noong bumisita ako sa kompanya nila kasama si Mommy. Siguro ay stress na stress siya sa mga trabaho kasabay ng naging problema din noon at para lang mapagaan ang loob ni Lolo, we decided to pay him a visit.

Nagpunta na si Mommy sa tabi ni Lola at bumati ito ng beso. Umupo na siya pagkatapos ng ilang kamustahan. Bago pa man ako mapaupo, hinawakan ni Lola ang kamay ko.

"Why are you wearing like that, Mikee?" Lola said while looking at me from head to toe as she sip to her wine.

Napatingin naman ako kay Mommy at parang binigyan niya ako ng tingin na I-told-you-look. Nakakainis na. Bakit ba pati ang suot ko pinoproblema nila?

"It makes me feel comfortable po, Mamita." Mahinahong tugon ko at ngumiti ng pilit.

Lola is more strict than my Mom. Sobrang luwag nga ni Mommy saakin kaya't nakakaya ko pang kumawala kumpara kay Lola. Kwento saakin noon ni Yaya Elen na grabe nalang kung mag higpit si Lola kay Mommy. Masakit mag salita si Lola. Wala siyang pakialam sa nararamdaman mo hangga't masabi niya ang gusto niyang iparating sa'yo. Direkta, wala ng paligoy-ligoy pa.

Last RoseWhere stories live. Discover now