Chapter 49: Forever

Comincia dall'inizio
                                    

"Andito pa ba si Elijah? Hindi kasi siya sumasagot sa mga tawag ko eh.. "

"Yes maam. Sir Agoncillo is still in his office "

"Salamat"

Agad naman na pumunta si Shine sa opisina ni Elijah at binuksan ang pinto...

Pero hindi niya inaasahan ang kanyang nakita.

Hindi agad maka alis si Shine.

Habang pilit na kumakawala si Elijah ay napatingin siya kay Shine na nakatingin sa pinto at biglang umalis.

"Shine! " sigaw ni Elijah at agad na umalis kay Cass.

Dahil sa mabagal na paglalakad ay naabutan ni Elijah si Shine kaya hinigit niya ito. Hinawakan niya ang parehong kamay ni Shine at inilagay sa mukha niya pero hindi binibitawan.

"Shine, "

"Elijah? Im... im sorry. Hindi ko sinasadyang mang istorbo. I... I just check on.. you.. hin.. hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko at gabi na rin kasi... may... may ka meeting ka pala... sige, aalis na ko"  cold na sabi at cold ang ekspresyon niya. Sinubukang kumala ni Shine sa pagkakahawak ni Elijah.

"Shine, mahal ko, im sorry... im sorry... im sorry... hindi ko gusto yung ginagawa ni Cass. Im sorry... kung.. kung gusto mo, saktan mo ko, sampalin mo ko, ilabas mo yung galit mo, wag mo lang akong iwan... please " wika ni Elijah nang umiiyak.

Ngumiti si Shine sa kanya. Ngiting iiwan ka... ngiting nagpapangap na okay pero sobra nang nasasaktan.

"No, please Shine. Don't leave.. wag mo na akong iwan... please... mahal ko... "

Pinunasan ni Shine ang mga luha ni Elijah habang naka ngiti sa kanya...

"Sino ba may sabi sayong iiwan kita? At bakit naman kita sasaktan? Diba kapag mahal mo ang isang tao ay di mo dapat sya sinasaktan? "

"You... you won't leave me? " di makapaniwalang tanong ni Elijah. At tinanguan naman siya ni Shine. Niyakap niya naman si Shine ng mahigpit.

"Sige na, ituloy niyo na ang kung ano man ang pinag uusapan niyo... mauna na ako umuwe. Baka gising na si Elaine at baka nagugutom na yon... "

Bumitaw na si Shine pero hinigit syang ulit ni Elijah.

"You're not going alone. Uuwe na tayo. "

"But your client seems waiting? "

"Hayaan mo sya.. "

At magka holding hands na umalis ang dalawa.

Shine's POV

Pagdating sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Angelico. After niya ma kiss at hug si Elijah ay ako naman tapos hinawakan niya ang pisngi ko.

"We won't leave daddy right?"

Napangiti naman ako kay Angelico.

"Yes kuya. Why'd you ask? "

"Because you cried mommy. And it seems something happened again.. "

"Ow, bakit mommy mo lang ang alam mong umiyak? "

"You also cried daddy? " tapos nilapitan niya si Elijah at hinaplos ang pisngi nito.

"What happened po? " tanong niya. Kahit na hindi namin ikuwento sa kanya ay malalaman pa niya rin ito. Kaya minabuti namin na sabihin na lang ito.

Kalagitnaan ng pag uusap namin ay lumapit si Elaine na gulo gulo ang buhok at bagong gising.

"Mama, papa... "

"Yes baby? "-Elijah

"Im hungry na po... "

Lumapit naman si Elaine kay Elijah. Binuhat naman siya ni Elijah.

"My baby's hair is messy... hmm.. let's fix this first.. " habang inaayusan siya ni Elijah ay naghanda na ako ng pagkain namin..

"The food is ready. Let's eat"

Lumapit na sila at sakin naman lumapit si Elaine.

"Mama," at nagpabuhat siya.

Ganito si Elaine, kapag kakain kami ay sakin sya nakatabi dahil gusto niya daw na ako ang nagpapakain sa kanya. Kapag naman makikipaglaro sya ay sa aming tatlo sya nangungulit. At kapag matutulog sya ay kay Elijah sya nagpapahele kaya laging on time dapat ang pag uwe niya dahil hindi matutulog si Elaine hanggat di nakikita ang bawat isa sa amin.

"Mama, i like that" at tinuro niya ang mango shake.

"Are you sure baby? You might not like the taste"

"Yes mama. Im sure po" sinalinan naman sya ng kaunti ni Elijah sa baso niya.

After dinner ay umakyat na kami sa mga kwarto namin.

"Good night mom, dad" tapos nag kiss at hug na samin si Angelico.

"Good night kuya.. "

"Good night baby Elaine"

Pumasok na kami sa kwarto namin.

"Mama, milk please? "

"Okay baby. " akmang tatayo na ako para ipagtimpla siya pero pinigilan ako ni Elijah.

"Ako na mahal ko"

After niya timplahan si Elaine ng milk nito ay nahiga na kami.

"Thank you papa. Good night mama, papa" tapos ni kiss niya kami sa pisngi at nahiga na sa kama niya dito sa kwarto namin.
Nakahiga ako sa may dibdib ni Elijah habang ang kamay niya naman ay nakayakap sa akin.

"Mahal ko, " -Elijah

"Hmm? "

"Forever na tayo diba? "

"Maybe... "

"Bakit naman maybe? Iiwan mo ba ako ulit? "

"Hindi naman sa ganon... iiwan pa ba kita ngayong may dalawang na tayong anghel? "

"I know... promise me, na kahit anong mangyare, hinding hindi mo na ako iiwan.. "

"I, Sunshine Nicole Galvez promise to not leave Elijah Agoncillo, Angelico Agoncillo and Angelica Elaine Agoncillo until my last breathe. I love you, mahal ko forever and always"

"I love you too mahal ko, forever and always... "

Ni kiss niya lang ako sa noo at kinantahan ako hanggang sa makatulog.

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora