Chapter 21: Mangga

107 13 0
                                    

Shine's POV

"Shine.... "

"Wala naman akong ibang kinasama eh... wala akong ibang minahal... "

"A... ako ang ama ng ipinagbubuntis mo? "

Tumango lang ako sakanya bilang sagot.

Hindi pa din makapaniwala si Elijah sa nalaman niya. Maya maya ay niyakap niya ako.

Tinanggal ko yung pagkakayakap niya sakin.

"Elijah, hindi sa ipinagdadamot ko sayo ang bata, pero kung pwede sana ay tska ka na lumapit sa bata kapag naipanganak ko na sya... "

Bakas sa mukha niya ang gulat.

"Ba.. bakit? Wala naman nang problema... wala na si Jade.. "

Oo nga wala na.. pero hindi pa ako sigurado na wala nang sisira sa atin... hindi pa tayo sigurado na hindi na ako masasaktan kapiling mo... lalo na ngayon na may baby tayo...

"It's for the safetyness for all of us Elijah. Sana ay maintindihan mo... "

"Shine, I can't. Hindi ko kayang mawalay sa inyo. "

Ako din naman Elijah eh. Pero hindi ko hahayaan na mapahamak pa ang baby ko...

"Please Elijah. 7 months, 7 months lang ang hihintayin mo.."

"No Shine, please. Don't do this..."

Tapos niyakap niya ako ulit.

Kumalas ako sa yakap niya.

"Elijah, 7 months lang ang hinihingi ko sayo. Pag naipanganak ko na si baby pwede mo na syang dalawin.."

"Shine, hindi lang ang karapatan kong makita ang baby ang hinihingi ko sayo..  ang maging parte ulit ng buhay mo, buhay niyo ni baby, yon ang gusto ko Shine. Ang makasama kayo"

"Hindi ko kayang ibigay yang hinihingi mo Elijah. "

Umakyat na ko sa kwarto ko dahil alam kong hindi lang kami matatapos ni Elijah.

"Baby, sorry ha. Sorry dahil hindi ko pinayagan ang daddy mo na makasama ka habang nasa tummy ka ni mommy. Ayoko lang kasi na mapahamak ka. "

"Madalas kasi napapahamak si mommy kapag may kasalanan si daddy. Kaya ayoko na madamay ka pa baby. Gusto ko na makalabas ka na malusog... hayaan mo, pag naipanganak na kita, papayagan ko na ang daddy mo na magkasama kayo"

Elijah's POV

Buntis si Shine at ako ang ama.

Totoo na ito....

Magiging ama na talaga ako...

Pero kailangan kong mapangasawa ulit si Shine...

Kailangan kong maka bawi sa kanya...

-kinabukasan

Nagset ako ng appointment with my parents and Shine's parents kasama na ang si Yumi at Sab.

"So what is this meeting all about? " -tita Irene

"Alam ko pong alam niyo na hindi ako sangayon sa decision ni Shine between the two of us. Lalo na ngayon na magkaka anak kami. "

"Pero hindi naman namin mapipilit si Shine" -tita Irene

"Ako na pong bahala kung pano ko po sya mapapasagot muli. Hinihingi ko lang po ang permission niyo"

"Pumapayag naman ako dahil alam ko namang mahal mo ang anak ko. " -tito Lucas

"Alam mo hijo, kahit sabihin kong ayoko na na ikaw ang mapa ngasawa ng anak ko, hindi ko magawa dahil alam ko at nakikita ko kung gano mo kamahal si Shine. "

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن