Nakaka-laglag panga siya!! Tapos pawis na pawis pa siya...

Ang...ang hot niya tignan. Ang cute niya!!! Fine! Sige, ngayon lang okay?

Iba kasi talaga ang hotness level niya in jersey uniform!

AHHH! Erase.Yung utak ko na naman! Siguro nga may virus na ito since nagkaroon ako ng close contact kay DJ. EWWW!


Napansin kong parang may hinahanap siya kahit na ang dami-daming taong nakapaligid sa kanya. Then I froze nung tinitigan niya ko sabay smile. I shrugged and looked away. Ang awkward kasing magtitigan diba? Kahit ang layo namin sa isa't isa...


"Ah shit" Bulong sakin ni Khalil.

"Bakit?"

"May practice nga pala ang varsity kaninang umaga. Nakalimutan ko!!"

"Hala ka, lagot ka kay DJ niyan"

"Sinabi mo pa! Pati sa coach namin...naku!!!"

"Siguro pakiusapan mo na lang si Daniel para hindi ka mapagalitan. Alam mo naman yun, malakas yun sa coach niyo"

"Ano ka? Ayoko nga! Hindi ko ibaba ang pride ko para lang dun"


(-_-) Nag-suggest lang naman ako.

"Bahala ka"

"Teka, may nakalimutan lang ako sa kotse ko" Nung bumalik siya sa car niya, napatingin ulit ako kay Daniel na nakatingin pa rin sakin.


Bigla niyang iniwas yung tingin niya tapos nagulat ako dun sa sumunod na nangyari.


Did he...did he just hugged that girl?


Ang higpit pa nung pagkakayakap niya...pati yung pagkakayakap nung girl sa kanya. Yung ibang mga babae nagsigawan. Hindi ko ma-explain kung nagsigawan sila dahil kinilig or dahil sa nainis.


Tapos after nung hug, nginitian pa ni DJ yung girl.

Sila ba? May something ba sa kanila? Bagong girlfriend ba yun ni Daniel? Bakit kung magtitigan sila, parang sila na? Bakit hindi sakin sinabi ni DJ yun?


Agad kong iniwas yung mata ko nung nakita kong tumingin sakin si Daniel.


"Tara" Yaya sakin ni Khalil. Anebeyeen! Bigla na lang sumusulpot basta-basta.

"Ahhh...sige"


Hindi ko na ulit tinignan si DJ nung naglakad na kami ni Khalil.


Ewan ko ba...

Para kasing ayoko nang makita. Ayokong tignan. Ayokong titigan.

Di ko rin ma-explain kung bakit.


Nauna na si Khalil umalis. Kakausapin muna daw niya yung coach nila, gagawa na lang siya ng excuse. Kunwari may emergency daw.


Pagbukas ko nung locker ko, nagulat ako sa nakita ko.


Candies.

Super dami.


The heck? May nakaalam na naman ng locker combination ko?


Tapos may napansin akong letter.


Candies for you. Para maging sweet ka naman sakin kahit paminsan-minsan...hehe.

-DJ


O_O

OMG!



Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon