Tumigil siya sa pagtawa. He placed his hands under his head tapos tumingin siya sakin in what I can only describe as intense.

“So, do I call you mommy… and you call me daddy?”

Hindi ako nagsalita. Maya-maya nagsalita uli siya.

“Or…do you want me to call you baby instead?”

Hinila ko siya sa pagkakahiga matapos niyang sabihin yun. Dali-dali ko siyang hinila palabas ng bahay habang ineexplain ko kung bakit.

“D-Dariel. Medyo mainit…mainit sa loob ng bahay. Pahangin muna tayo sa park.” Nagmadali talaga ako papuntang park because I swear, para akong magcocombust at baka maging casualty pa yung bahay.

Tumawa na naman uli si Dariel at hinayaan lang akong hilahin siya.

Pagkadating sa park, nagsuggest ako sa kanya ng laro. Tumingin lang siya sakin na parang nababaliw na ako.

“Seryoso ka ba dyan Desdes?”

“Oo. Dalawa lang tayo dito sa park. Medyo gabi na at ayaw kong may sumaling iba.”

“Bale, gusto mo akong solohin?” then he grinned impishly at me.

“H-hoy. Hindi no!” sabi ko pero for sure, pinagtaksilan na ako ng mukha ko.

“Pero Des, tagu-taguan? Talaga?”

“Oo. Bili na. Doon ka na sa puno. Magbilang kang 1 to 20 ha!” sabay takbo ko na para maghanap.

Narinig kong magbilang si Dariel pero  mahina ito.

“Lakasan mo!”

Tumawa lang siya at nilakasan ang pagbibilang.

Inakyat ko yung puno na pinagbibilangan niya. Syempre, umakyat ako dun sa kabilang side para di niya makita.   

“321. Handa ka na ba Des?!” sigaw niya. Tinakpan ko yung bibig ko para piligan ang sarili kong tumawa nang malakas. Nang medyo lumayo na siya sa puno, bumaba ako agad at umupo sa may roots.

For 15 minutes, hindi pa rin siya bumabalik. Aish, sana dinala ko yung book. Nasa last 5 chapters nalang ako and my heart is breaking. Ano kaya magiging ending nila?!

Napahiyaw ako nang may biglang humila sa paa ko. Pilit kong sinisipa siya pero hindi nito tinanggal yung pagkakakapit niya. Nagpumiglas ako nang nagpumiglas. Sino ba kasi ito?? Asan na ba si Dariel? May sinasabi yung tao pero hindi ko siya tinitignan. Maya-maya pa, bumungad yung mukha ni Dariel sa mukha ko at nawala yung takot ko.

Napalitan ako ng kaba, kaba sa kung anong nangyayari, kung nasaan kami at kung ano ang lagay namin.

I was caged by his arms and he was above me. Nakatitig lang siya sa mata ko and I can’t think.

Nakatitig lang din ako sa mata niya.

Tapos may biglang nag-tsk.

Tumayo nang mabilis si Dariel at ipinunas ang kamay sa pantalon niya. Iniabot niya yung kamay niya sakin at hinila ako para makatayo. Nakatingin lang samin si young Ian, este Mr. Stranger. Tinignan ko lang siya pero hindi siya nakatingin sakin. Tinignan ko si Dariel at nakatingin siya kay Stranger. Walang reaction yung mukha ni Dariel at napatingin ako sa kanyang kamay; nanginginig ito habang nakasara ang kanyang mga daliri. Nilingon ko uli si Stranger at ganun din ang itsura niya. Maya-maya, isinuot niya yung salamin niya at naglakad palayo. Sinundan siya ng tingin ni Dariel at nang maglaho na ito sa corner, nilingon na niya ako.

“Iuuwi na kita.” Sabi niya sakin. Tensed pa rin siya.

Tahimik lang kami sa paglalakad hanggang makaabot sa bahay.

Nang makaabot na kami sa gate ng bahay, nilingon ko si Dariel. Tense pa rin siya kahit nasa may amin na kami; tuwid ang kanyang pagkakatayo at mukhang malalim ang iniisip. That is why I can’t help it. Kung andito si kuya sa Pinas, ganito rin naman ang gagawin niya, albeit a more masculine-y way.

I hugged him.

I wrapped my arms to his waist and placed my head to his chest. Ayokong tignan siya baka hindi ko magustuhan ang makita ko. Buti na chest niya, which is really well, uh, good. I felt his steady heartbeat rise a little at nafeel kong uminit ang aking mukha.

Then I felt his arms wrap around me too. He hugged me tight then loosened his hold.

“Des, thank you. Ok na ako.” He whispered at agad akong kumawala at binitawan siya.

Tumingin ako sa street at hindi ko talaga siya matignan sa mukha. Sila ni kuya ang magbestfriend and pareho pa silang lalaki. May bro hug sila and with me hugging him, I just feel awkward. Hindi mo siya boyfriend Des kaya bakit mo ginawa yun?

Because he looked like he needs comforting.

Iniangat niya yung ulo ko at nawalan ako ng choice to avoid looking at him. Nakangiti na siya uli.

“I’m fine now Des. Thank you.” At ibinaba niya ang kamay niya.

“O-ok.”

“Sige, pumasok ka na.”

“I-ikaw? Di ba hinihintay mo sina mama at papa?”

Napaisip siya. “Siguro sa susunod ko nalang sila kakausapin. I have somewhere…important to get to.”

“Oh. Okay.”

He smiled at me. “Thank you Des. I had fun spending time with you.”

“T-thanks?”

Nagwave siya bago umalis. Tinignan ko ang kanyang likuran habang naglalakad siya palayo.

 Deees! Ano ba yung ginawa mo?? Gusto siya ni Rhianne. Nag-iisip ka ba?

Rhianne, sorry talaga. Hindi ko naman sinadya yun e.

Ugh. That’s it. Iiwasan ko na talaga na kaming dalawa lang ni Dariel ang magkasama. Dapat laging kasama si Rhianne kung magkikita man kami.

Tama, ganun nga gagawin ko!

Tama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Story of Me and You [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now